CHAPTER 30: Empty

39 1 0
                                    

CHAPTER 30: EMPTY

*

*

After hours:

Milosh's POV:

Nang magising ako ay nasa loob ako ng clinic at nakahiga sa sofa. Nasa kama naman si Scarlet, isang water bag ang kinauunanan nito at may nakalapat na ice pack sa noo nito. Nakapikit ito pero alam kong hindi ito tulog.

Kasama namin sa loob sina Red at Violet.

''Si Karma?''

''Dinala silang pareho ni Psy sa ospital para makuha ang mga balang bumaon sa kanila,'' sagot ni Red na inabutan pa ako ng mineral water. ''sinamahan sila nina Neil."

''Si Psy? Natamaan?''

''Nagkaroon sila ng duwelo kanina. Natamaan siya sa balikat, nakatakas naman si Thorn gamit ang jacket mo.''

Jacket ko?

Eh kaninong jacket itong suot ko?

Napatingin ako sa suot ko.

Oh shit!

Napaupo ako ''bakit ko suot ang jacket ng kumag na yon?''

Pero in fairness ah, ang bango. Di ko na tinanggal, wala naman sigurong mawawala kung susuutin ko ang damit ng isang psychopath. It's not as if mahahawaan pa ako eh may kuliling na ako.

''nakipagpalit sya sayo ng jacket para makapag-diguise'' sagot ni Violet ''nga pala, kung tatanungin ka ng mga pulis, sabihin mo ay dahil 'yon sa pakikipag-break mo sa kanya.''

Huh? ''Break?'' what the! Kahit kailan, hindi ako makikipagrelasyon sa isang baliw!

''Yon na ang ibinigay naming statement kung bakit namin kilala ang hostage taker at kung bakit siya nang-hostage'' nakapikit na sagot ni Scarlet.

''Fuck! Bakit ako? Sa dami niyong babae, ako pa talaga ang ginamit niyo, ako na nadamay lang'' di ko na itinago ang inis sa tono ng boses ko. Eh nakakainis naman talaga! ''edi parang sinabi niyo na rin na ako ang dahilan ng pagkakatama ng mga kasamahan niyo,'' angil ko... although, ''kasalanan 'to ng lintik na Nureyev niyo.''

''Hala! Nagalit..... sorry.... Pero 'yon na ang nasabi eh,'' pagpapakalma sa akin ni Red.

''Ano pa nga ba'ng magagawa ko?''

''And besides...'' sabay na pumilyang ngumiti yong tatlo.

Ano nanaman?

"Karma told us something,'' sabay nilang sabi na may halong pan-iintriga ang boses.

''Anong something?''

'' 'yong... whemp.... 'yong dahilan kung bakit ka natalo sa laban ninyo."

Fuck!

.............................

......................

...........

Naramdaman ko ang pagtaas ng likido sa bibig ko.

Mabilis kong sinugod ang CR at doon sumuka. That kiss! That kiss!

That Capital Y-U-C-K kiss!

Bweh!

Tumuloy-tuloy ang pagsuka ko.

Kakainis! First kiss ko, ninakaw ng isang freak!!!

Bumukas ang pinto ng clinic at may mga pumasok.

Smiles of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon