CHAPTER 20: Freaks!

148 66 4
                                    

CHAPTER 20: FREAKS!

*

*

Katulad ng mga pinagga-gawa ni Blue noong nakaraang linggo, busy pa rin siya sa pag-i-stalk kay Milosh Beynon. Sa susunod na linggo na matatapos ang interim captainship ni Chloe kaya kailangan niyang mag-level up para makuha ang mga information tungkol kay Milosh.

Pero aaminin niya, bukod sa ginagawa niya ito dahil sa captainship sa Cheer Squad, curious rin talaga siya tungkol sa target niya.

At dahil nga curious, naglevel-up na siya sa pag-i-spy. Nag-hire pa siya ng bisekleta para lang masundan ang mga pinupuntahan nito pagkalabas ng school campus.

Gaya na lang ngayon. Pagkatapos niyang sundan ito sa pagtakbo nito mula sa nangungulit nanamang si Scent ngayong dismissal, nagpa-alam siyang hindi na muna makikisabay kina Violet sa pag-uwi at mabilis na pumunta sa may bike stand para sumakay at sundan ito.

*

Karma's POV:

Si Milosh nanaman? Mula sa kinaroroonan ko, nakita ko nanamang nilapitan ni Scent si Milosh. Gano'n ba talaga ka-interesado si Scent sa kanya?

Tapos ako, parang di naman nakakaramdam 'tong si Scent. Imposible namang hindi niya maramdamang nagseselos ako kapag sinusubukan niyang makipag-fc kay Milosh.

Eish! Siguro nga, di nya ako type. Pakiramdam ko rin lang naman eh ginagawa niya 'kong sandalan kung kailangan niya ng kausap o tulong. Ako naman, pumapayag na maging sandalan niya. Damn it! Ano'ng nangyayari sa'yo, Karma? Nagkagusto ka sa lalaking gwapo nga, friendly at gentleman pero malandi naman. Kung iwasan ko na kaya siya?

Yes! Iwasan ko na lang siya para di pa lumalim ang feelings ko sa unggoy.

Natanaw kong biglang tumakbo si Milosh patakas kay Scent. Kasabay noon ay tumalikod na rin ako bago pa ako ang makita niya.

Hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa isang tao. Simple lang..... kung ayaw niya, walang problema! Mas madali kasing maghanap ng iba kesa magmukhang tanga sa taong hindi ka naman binibigyan ng halaga!

''Karma!''

Binilisan ko ang paglalakad bago pa niya ako maabutan.

Nakalapit na nga siya pero di ko siya pinansin.

''hi, Kar!'' nakangiti niyang bati. How dare he, may gana pa talaga siyang ngitian ako.

''hi'' sagot ko lang tapos binilisan pa ang paglalakad. Sinabayan nanaman niya ako. ''iniiwasan mo ba ako?''

''bakit, di ka pa ba nasasanay na iniiwasan ka?''

''bakit mo naman ako iniiwasan?''

''wala lang, trip lang. puntahan mo na 'yong Milosh mo''

''oyyy!!! Nagseselos,'' pang aasar niya.

''eh ano naman sa'yo kung nagseselos ako? Wala ka rin namang paki, tadyakan kita dyan eh''

''sorry na.''

''sorry. Sorry! Akala mo gano'n lang kadali 'yon'' panunuplada ko.

"So you do like me?!"

"Lumayo ka sa 'kin, animal ka!"

"Sorry na po," pabatang sabi niya

Lul! Sarap tadyakan! "Shoooo... Ayaw kong makita pagmumukha mo ngayon"

''you act like a jealous girlfriend, you know''

Natigilan ako. Oo nga, noh? ''oh bakit? Girl na friend mo naman ako ah'' ngayon ko lang nalaman na nakalagpas na pala kami sa school campus. Sinundan pala ako hanggang dito?

Smiles of DeathWhere stories live. Discover now