CHAPTER 29: One Shot

182 67 67
                                    

CHAPTER 29: ONE SHOT

*

*

''Huwag!''

Kasabay ng pagtulak ni Milosh kay Thorn ay ang paglipad ng bala ng silencer. Nabasag nito ang bintana pero hindi tumama sa nakasilip na estudyante.

''takbo!'' sigaw ni Karma dito.

Magkasabay na umatake sina Scarlet at Milosh kaya napa-abante siya. Pero nagawa niyang masangga ang parating na suntok ni Scarlet kasabay ng pagsipa niya sa sikmura ni Milsoh. Mabilis niyang nahila ang braso ni Scarlet at binigyan ng siko sa mukha, hindi pa nakontento ay pinatid niya ito kaya natumba at umuntog sa sahig ang batok nito.

Napasigaw ito sa gulat at sakit nanaman ng ulo. Ang lakas ng impact!

Nakaramdam siya ng paatake kaya nagawa niyang umilag sa pamamagitan ng pagtumbling. Lumapag siya dalawang metro ang layo sa likod ni Milosh.

''Not bad! Alam mo rin palang lumaban?'' bumabalik na ang pagiging mapaglaro ng mood niya.

Natigilan na lang siya nang may maramdaman sa kanyang pisngi. Hinawakan niya iyon at may naramdamang likido. Pagtingin niya sa kanyang kamay ay may dugo.

Noon niya napansin ang hawak ni Milosh na sign pen. ''Eh?'' tila nasiyahan pa siya. Ibinalik niya sa kanyang gun belt ang mga baril.

Napahawak si Milosh sa tiyan nito. ''Tang-ina! Kapag nagka- colon cancer ako, kasalanan mo. Napisa ata lahat ng bulate ko eh!'' in-exagerate pa talaga nito ang salitang "Colon.''

Napangisi siya. ''Things are getting interesting, you know? Hindi magtatagal, dadami na ang tao sa labas at siguradong susugurin ako dito ni Psy. Hay naku! Malapit na pala akong umalis''

''At wala ka ring napala sa 'min,'' tuloy ni Karma. Di malayo diyo ay si Scarlet na mukhang hilo dahil sa sakit ng ulo.

''Wala nga akong napala tungkol sa pakay ko dito. Pero may nadiskubre naman ako na mas higit pa kaysa sa lintik na Nureyev na yun,'' sa mabilis na hakbang, nakalapit siya kay Milosh.

"Creep!" Tinangkang sipain ni Milosh ang binti niya pero naitaas niya agad iyon. Nagtangka itong saksakin siya sa sikmura.

Pumagilid siya para iwasan iyon at sinipa ang ballpen sa kamay nito. Tumilapon iyon sa dulo ng laboratory. Nang subukan niyang hablutin ang kamay nito ay nasorpresa siya nang nagawa nitong makatalon paabante para makalayo sa kanya.

limang metro lang ang layo nito sa kinatapunan ng ballpen at ito lang ang bagay na pwede nitong magamit as weapon dahil nakadikit ang mga upuan at tables sa semento habang ang mga equipment naman ay nasa isang kwarto na sinigurado niyang locked kanina.

Sinimulan nitong tumakbo palapit sa dulo kaya napahabol siya rito. Pwede naman niyang gamitin ang kanyang baril pero bakit pa kung kaya rin lang naman niya itong patumbahin gamit ang sariling lakas.

Nagpabagsak siya sa sahig para maabot ng kanyang paa ang paa nito at pinatid. Na-out balance nga ito at bumagsak sa sahig.

Nag-unahan silang tumayo at inatake ang isa't-isa.

''Not bad! Marami na nga tayong naituro sa kanya,'' na-a-amaze namang usal ni Karma habang nanonood.

Sinubukang hablutin ni Milosh ang isa sa mga baril pero siniko ito ni Thorn sa sikmura...... uli... kaya napahawak ito sa tiyan.

''pasalamat ka, nakakayanan kong iwasang itama sa dibdib... kung hindi ay baka breast cancer ang makuha mo''

Umigwas ang kamay niya upang hablutin sana ang leeg nito pero ngali-ngali itong gumulong palayo sa kanya at agad bumangon paluhod.

Smiles of DeathWhere stories live. Discover now