CHAPTER 3: Feel so Alone

252 69 6
                                    

Chapter 3: FEEL SO ALONE

*

*

22 Months Later:

*

Scent's POV:

Iginala ko ang mga mata ko sa buong kuwarto. Naghahanap ako ng bakas ni Zie. Mas maraming panahon ang iginugol niya sa kwartong 'to kaysa sa tabi ko. Dati naming kwarto. Mas marami pang oras dito kaysa kasama ako. Hindi ko rin naman siya masisisi. Magkalayo ang mundo namin simula nang six pa lang kami hanggang sa huling hininga niya. Literal na magkalayo, sa USA ako, dito naman siya sa Ashcroft.

Ah, my dear problematic brother.

Nakita ko ang laptop na nakapatong sa study-table. This must be the one he's using when we're videocalling online. Napangiti ako.

Mahigit isang buwan na mula nang umuwi ako dito sa Ashcroft para dumalo sa libing ni Zie. Zie is actually my older brother, an older brother by nine minutes.

Bata pa lang kami nang maghiwalay ang mga magulang namin. Ako ang isinama ni daddy sa States at naiwan naman si Zie kay mama.

Kahit magkalayo, hindi naputol ang komunikasyon naming magkapatid. Sa pagkakaalam ko at pagkakaalam ni mama at pagkakaalam ng halos lahat ng nakakakilala sa kanya ay masayahing tao si Zie, palatawa at palakwento. Ito ang klase ng taong hindi aakalain ng iba na magkakaisip na magpakamatay. Jumped from an overpass, head first- all because of a girl na rumoured girlfriend niya. Leaving a note that simply said "Hindi ko kayang iwanan mo."

Ang pangarap na maging Olympic judoka ay nawala. Ang pangarap na magtour all around the world ay naputol. And pangarap na magtayo ng sariling dojo ay naglaho. Lahat dahil sa heart broken.

Yeah, my brother is stupid. "Why the hell did you do that just because of a pussy? Ang dami- daming babae sa mundo," gusto kong sabihin sa kapatid ko. Pero huli na, di na niya maririnig ang sermon ko.

That's crazy, bro!!! Really stupid.

And kind of infuriating, dahil iniwan niya si mama na gano'n- gano'n na lang. Parang sinasabi niyang kulang ang pagmamahal na ibinuhos ni mama sa kanya na dahil lang sa rejection ng isang babae ay kinitil niya ang buhay niya.

Frustrating. Pero napakasakit. Ito ang pinakanararamdaman ko. Siguro failure ko na rin bilang kakambal niya na tumingin ng mas malalim sa kanya, sa mga ngiti niya, sa mga sagot niyang okay lang naman ang lahat. Haaaaay...

Zie...

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Malinis ang kuwarto, nasa ayos ang lahat ng mga gamit, di katulad ng kuwarto ko na gulong- gulo. Eh burara naman kase talaga ako.

I started to pack Zie's things.

Maya- maya ay may napansin akong litratong nakakalat sa sahig. Kinuha ko 'yon at tinignan. Si Zie ang nasa larawan. Naka- akbay ito sa isang babae.

So, this must be the girl. Hanggang balikat ni Zie. Dominant feature nito ay ang mga singkit nitong mata. Ayos na rin ang itsura. Still, bro, not worth killing yourself for.

I was packing my brother's books when I noticed a cellphone lying atop the bookshelf. Cellphone malamang ni Zie.

Ano kayang laman nito?

Low batt.

Iginala ko ang tingin ko. Agad na nakita ko ang charger.

I charged the cellphone. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko ini- on.

Smiles of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon