CHAPTER 4: Two Years

215 70 6
                                    

CHAPTER 4: TWO YEARS

*

*

"Going somewhere, kids?" tanung sa kanila ng driver ng tumigil na itim na sasakyan sa tapat nila....

Natigilan ang pitong katawan at nagkatinginan.

"Hop in."

Umirap si Vixen at muling naglakad. Sumunod naman ang anim.

"Okay, sorry. Hindi dapat gano'n ang approach ko. I just acted like a creep or something. But trust me, I'm a good person." Labas ng ulo ng lalaki sa bintana.

"Alis," malamig na sagot ni Vixen.

Hindi natinag ang lalaki. "Alas dos pa lang ng umaga, naglalakwatsa na kayo. At saka, anu yang mga suot niyo, uniform ba yan? Saan ang lakad niyo?"

"wag ka nang magtanong." Sabay na sagot ng pito.

"Whoow, where are your manners, youngsters. Hindi ba kayo tinuruan ng mga magulang niyo na gumamit ng 'po' at 'opo' o kumausap sa mas matanda sa inyo sa magalang na paraan?"

"Wala kaming alam sa mga 'yan. Kaya umalis ka na."

"Kalma lang, bata. Nagbibiro lang ako, okay? Alam ko naman ang tungkol sa inyo..."

Biglang naalarma ang pito. Mabilis na sinubukang sakmalin ni Vixen ang lalaki pero mabilis nitong naitaas ang window glass. "Lumabas ka jan! Kahit na magtago ka jan, hindi ka ligtas."

Mabilis na nakapunta sa kabilang gilid ng sasakyan si Samphire at binasag ang bintana. Mabilis na gumapang ang mga baging sa leeg ng lalaki.

"Sandali! Sandali!." Paninigaw ng lalaki, "Nandito ako para tulungan kayo. Ano ba! Pakinggan nga muna ninyo ako."

Tumigil nga ang mga baging sa paggapang pahigpit sa leeg ng lalaki.

Mabilis na lumabas ng sasakyan ang lalaki. "Geez. Sa dami niyong iyan, iisipin talaga ninyo na huhulihin kayo ng nagiisang katulad ko? Sus marya. Paranoid much?"

"Sino ka?"

"Hi. I'm Brook Castle. I'm 25. Single man pero dahil yan sa busy ako sa kawang-gawa-""

"Tinanung lang ang pangalan mo eh, ang haba na ng sinabi mo." Pananagot ni Allison. "Bakit alam mo ang tungkol sa amin?"

"Before all, pumasok nga muna kayo sa sasakyan. Ang lamig kaya dito sa labas. Buong gabi ko pa kayong pinaghahanap. Grabe, ang layo ng narating niyo."

Nagtinginan lang ang pito.

"May pagkain sa loob."

Walang gumalaw sa mga bata.

"Good. Wala kayong manners pero mukhang tinuruang kayong huwag magpapadala sa strangers. Pero seryoso, sa ganda ng mukhang 'to, pagkakamalan niyo akong criminal?"

Wala pa ring gumagagalaw.

Niyakap ng lalaki ang mga braso para painit ang sarili. "May heater ang sasakyan."

...

"Kahit pa may masama akong balak, wala akong laban sa inyo."

...

...

"Ano? Ayaw niyo?. Sige kayo, iiwan ko kayo dito." Umakma si Brook na pumasok sa sasakyan. Nag-unahan ang mga bata papasok.

Smiles of DeathWhere stories live. Discover now