Chapter 27: Bitter Thought

9.1K 222 11
                                    

                        "Yvette, huwag mo mamasamain ang itatanong ko ah. Gusto ko lang maliwanagan kasi... kasi nakakapagtaka, sobra, ang mga ginagawa mo ngayon kay Alannah. Hindi ka naman kasi ganyan dati sa kanya. Ano bang meron? Why care for her this much all of a sudden?"

            Saglit namang natulala sa kanya si Yvette bago sumagot.

            "I know you'd notice that..." Tipid na naman itong ngumiti. "Well, it just happened na... na na-realize ko nang iyon ang dapat kong gawin bilang isang ina."

            Marky stayed still. Sinusubukan niyang kalkulahin ang sinseridad nito.

            "Marky... Masyado na akong maraming nagawang pagkakamali. Masyado na akong maraming pinagsisisihan. At ayaw ko nang idagdag pa do'n ang pagbabalewala ko sa anak ko."

            Yumuko si Marky at tumango-tango. Yvette sounded so sincere, pero hindi niya pa rin mapigilang magduda. There was more to it, he could feel it. Naisip niya na baka may kinalaman kay Monic ang pagbabago nito, kahit ba hindi iyon tumutugma sa nakita niyang matinding pagkabigla nito nang malamang magkasama na ulit sila ni Monic.

            "Kaya sana lang pumayag ka sa hiling ko, Marky. Hayaan mo nang ako ang mag-alaga sa anak natin."

            Binalik niya ang kanyang tingin kay Yvette.

            "Karapatan mo 'yan, Yvette. Kaso... sana naman isipin mo rin si Mama. Mula pa nung pinanganak mo si Alannah—ah, no, mula pa pala nung pinagbubuntis mo palang siya, si Mama na ang nag-aalaga sa kanya. Tapos bigla-bigla mo na lang kukunin kay Mama ang bata?"

            "But I'm Alannah's mother—"

            "Yes, you are, Yvette. That's a fact na hindi namin dini-deny. What I only want is for you to be considerate to my mom na nagpakahirap palakihin ang anak natin."

            "Okay?" Yvette was starting to sound sarcastic. "At paano naman ako?"

            Again, Marky sighed. Hindi niya inaasahan na darating sila ni Yvette sa puntong mag-uusap sila nang ganon. Wala pa naman siyang pasensya sa mga ganong tipo ng usapan. Ang makipagtalo. Pero kailangan niyang manatiling kalmado. Dapat lang, dahil kapakanan ng anak niya ang pinag-uusapan.

            "Ganito na lang, Yvette. Huwag ka nang humanap ng ibang bahay na mauupahan. Dito ka na lang tumira—kasama si Alannah at si Mama."

            Natulala na naman ito sa kanya. "Are you serious?"

            "I am."

            Ngumisi ito. "Huwag kang ganyan, Marky. Ayoko nang maging dahilan ulit ng paghihiwalay niyo ni Monic."

            "Kami rin naman ni Monic, ayaw na naming mangyari ulit 'yon. Ayaw na naming maghiwalay ulit nang dahil sa'yo—o sa kung ano pa mang rason." Umiling-iling siya. "Hindi na namin hahayaang may makasira ulit ng relasyon naming dalawa."

            Matapos ng mga sinabi niyang iyon ay napatitig lang sa kanya si Yvette. Ang ngisi nito ay bahagyang nawala.

            "Bihira lang ang mga tao na nabibigyan ng pangalawang pagkakataon sa kung anumang bagay na nawala na, na nasira na." Salita rin nito hindi kalaunan. "Kaya kayo, masuwerte kayo ni Monic. Kaya dapat lang na pag-ingatan niyo na 'yang relasyon niyong dalawa."

            "Asahan mo 'yan." Nginitian niya ito. "Kaya huwag ka na ring mag-alala sa pagpapatira ko sa'yo dito, Yvette. Napag-usapan na namin 'to kanina ni Monic. Nakausap ko na rin pati si Mama. Ayos lang sa kanila na tumuloy ka dito."

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now