UTS 23

154 2 0
                                    

Chapter 23

He said every word with dripping anger, his chest is moving up and down because of it. Ang braso nito ay patuloy na nakayakap sa akin, walang balak na bumitaw.

"Copy, Sir." malalim na boses ni Castiel, tumalikod ito at nag command gamit ang earpiece, he lead his team with such authority.

"Are you okay?" Caden asked softly. His hug loosen already, he faced me checking if there's something wrong with me.

"O-Okay na ako, medyo humupa na ang takot ko." mahina kong sagot, naglakbay ang mata nito sa aking braso hanggang sa aking pulso. Iniangat niya ang pulso kong namumula dahil sa hawak ng lalaki kanina. Hindi ko alam kung dahil din ba sa pagpupumiglas ko kanina kaya sobrang pula nito.

But it didn't hurt that much. Kung hindi niya inangat ay hindi ko rin mapapansin.

"It's swollen." mariin na sabi nito, he looked at the side and clenched his jaw. Parang nagpipigil ng galit.

His gaze darkened as he looked at the guys whose being held, isinakasay na ito sa sasakyan kasama ang mga armadong lalaki.

Tumikhim ako, sinubukan kong lumipat sa kanya kung may ilalapit paba ang posisyon naming dalawa, para makuha ko ang atensyon niya. Dahil baka bigla nalang siyang sumpungin at may magawang hindi maganda.

I tried to hold his hand and his attention quickly drifted towards me. Ang galit na reaksyon nito ay agad napalitan ng pag-aalala.

"Caden, I think we should go?" alok ko sa kanya.

"Oo..." sagot nito at yumuko, parang nag iisip.

Tamang-tama at lumapit ulit si Castiel.

"Ang mga tauhan na ang bahala sa kanila, we will accompany you back at the hotel Sir." turan nito.

"Sure, yes. Let's go." pagsang ayon niya, he held my hands.

"Is this fine?" nag aalala na tanong nito, ipinunto nito ang hawak sa kamay ko, marahan akong tumango. Did he thought that the incident earlier would affect how I see men? Him?

He was the first person that made me feel safe earlier.

"O-Oo, okay lang.." nahihiya kong sagot, umiwas ako ng tingin.

Nagsimula na kaming maglakad, nakaalis na ang sasakyang may dala sa mga lalaki. The other men is on the SUV tailing us,hindi ko parin lubos maisip paano nila naipasok ang malalapad na sasakyan. Bakas sa daan ang mga damong nadaanan nito kanina at may mga lupa rin na medyo nahukay, dahil siguro sa marahas na pag daan ng gulong kanina. Si Castiel naman at dalawa pang lalaki ay nasa harap namin naglalakad.

Nang makalabas kami sa daan ay ihinatid pa kami nila Castiel hanggang sa makasakay kami sa hammer, ni Caden.

"We'll tail you, Sir." paalala ni Castiel, tumango naman si Caden.

Tahimik na ang naging byahe, I am still shocked by what happened. I didn't expect that something worse would happen to me today, if Caden and the security team wasn't there I don't know how I survived that.

Pumikit ako ng mariin, ni ayaw nang maalala ulit ang nangyari.

Nilingon ko si Caden, kumalma na ito pero parang kahit anong oras ay pipitik rin ang pasensya niya. I can see how he tighten his grip on the steering wheel, parang doon binubuntong lahat.

Gusto ko siyang i-assured na okay na ako, but I don't know how. I just want him to calm down totally.

Nakaabot na kami sa hotel, mabilis niyang ipinark ang sasakyan, sa likod namin ay nakasunod parin ang security team. Bumaba na kami, nakita ko rin si Castiel na bumaba ng sasakyan at lumapit sa amin.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang