UTS 45

156 2 0
                                    

Chapter 45

"B-Bakit ka nandito?" ulit ko, rinig ko ang panginginig ng boses ko. Doble-doble ang kabog ng puso ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko siya.

At ngayon nga ay nasa harap ko na siya, paanong nandito siya? Bakit siya umuwi? At paano niya nalaman kung nasaan ako? Bakit niya akong pinuntahan dito?

Galit siya sa akin diba?

Yumuko ito. "Y-Yara... I'm sorry." galargar na ang boses niya, nalimog ang mata ko dahil doon. Walang bakas ng Caden na kasama ko sa New York, mukha siyang sirang-sira at hinang-hina ngayon. Binitawan niya rin ako, at halos luluhod na ito sa sarap ko.

"C-Caden... anong—bakit ka andito?" nanghihina ko rin na sabi, sa itsura niya parang kahit anong oras ay tutumba na siya.

"Castiel told me everything... alam ko na lahat Yara. I'm sorry, I wasn't there..." his voice weakened, he sounds so broken and lost.

Sinabi ni Castiel? Bakit? Bakit ngayon pa? Kung kailan natanggap ko nang wala na akong lugar sa buhay ni Caden? Bakit ngayon niya pa sinabi?

Mabilis na uminit ang mata ko habang pinapanuod siyang hindi alam kung paano aayusin ang sarili niya. Bumara ang masakit sa lalamunan ko, kasabay ng pagbuo ng mga luha sa mata ko. Biglang humigpit ang sikip ng dibdib ko.

"I'm sorry... I left you... I left you without your consent. I couldn't even protect you when you needed me." he pleaded. Pumikit ako ng mariin, hinilot ko ang sintido ko habang pinanlalaban ang pagtulo ng luha ko.

"Mas naniwala ako sa sinabi nila, kesa nagtiwala sayo. I judged you too early, I left you instantly." masakit na sabi nito, nanlalaban sa akin ang maawa at magalit. Ayokong magalit sa kanya kasi wala siyang kasalanan, pero ngayon na nasa harap ko siya at nanggagaling na mismo sa kanya.

Masakit pala. Ang sakit pala ng ginawa niya.

Ilang segundo kaming natahimik dahil hindi ko siya sinagot.

"W-What happened Yara? Is it h-hard through these years? I am sorry I was n-not by your side..." his voice finally broke, bawat salitang binitawan niya parang bumabaon sa dibdib ko.

Oo masakit Caden, oo mahirap. Pero tiniis ko dahil sayo.

He sobbed. He sobbed really hard.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko, halos mahigit ang hininga ko sa sobrang lakas ng mga hikbi ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan iyon.

"C-Can you still forgive me? I never forgot you in those three years, you never left my mind. I never replaced you... I-Ikaw lang Yara... Ikaw lang..." umiiyak niyang sabi, gulat ko siyang tinignan nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"A-Anong ginagawa mo, tumayo ka..." pigil ko pero hindi siya nagpatinag. Nakaluhod lang ito habang umiiyak at nakayuko.

"M-Mapapatawad mo pa ba ako? A-Alam ko tatlong taon na akong huli. K-Kaya pa ba Yara? Mababayaran ko pa ba lahat ng galit at sakit mo?" pagmamakaawa niya, patuloy ang pagtulo ng luha ko. Masakit ko siyang pinapanood sa harap ko, umiiyak si Caden. Umiiyak si Caden sa harap ko at nagmamakaawa.

Pinilit ko siyang hilahin patayo, pero hindi siya natinag. Bagkus ay ako pa ang niyakap niya sa bewang.

"T-Tanggapin mo ako ulit... Yara please? H-Hindi ko kayang wala ka. H-Hindi ko na kayang humanap ng iba... T-Tanggapin mo ako ulit, kasi hindi ko na alam paano magpapatuloy kung mawawala ka ulit sa akin." tumigil ito sa pagsasalita nang maubusan siya ng hininga, bigla akong naalarma. "Gagawin ko lahat, sasaluhin ko lahat ng galit mo—"

"Caden ano ba! Tumayo ka at huminahon ka!" galit kong pigil sa kanya, paano kung magkaproblema ulit siya sa puso dahil sa ginagawa niya?

Kakayanin kong mawala siya sa akin, pero wag niya naman kaming iiwan lahat..

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Where stories live. Discover now