UTS 16

182 4 0
                                    

Chapter 16

Nabalot ng katahimikan ang buong opisina, hindi nito tinanggal ang mga mata sa akin. Nag aantay ng isasagot ko.

Caden Tonjuarez?!

Siya ang bagong director? I blinked several times to check, totoo nga. The man who was standing in front of me was the same man who pissed me off last week.

I gritted my teeth out of annoyance.

Now that I realized it, nag konekta na lahat ng mga bagay-bagay. He went back here in the Philippines to work for J Prime. I knew about that pero hindi pumasok sa isip ko na magiging director ito agad, at lalong hindi pumasok sa isip ko na siya ang magiging boss ko.

It made sense kung bakit ang impulsive ng mga desisyon sa pagbuo ng team na ito, ang lalaking pala ito ang salarin. Kusang lumabas ang pekeng ngiti sa aking labi, the irritation raised up inside of me.

I wanted to avoid him. I didn't want to see him.

But right now at this very day, his going to be the one I will work for. Lumingon ako sa gilid para maitago iyon, dahil hindi ko talaga kayang pigilan ang reaksyon. Gusto kong matawa at the same time mainis!

Pakiramdam ko naisahan ako. Hindi ko ma-explain kung paano pero alam kong hindi coincidence ang lahat ng ito.

Naglakad ito pabalik sa table niya at umupo sa swivel chair, itinukod niya ang dalawang siko sa mesa at pumalumbaba parang pinapanood ang aking reaksyon at nag aantay ng sasabihin ko.

Inipon ko lahat ng pasensya ko, kahit na naiinis ako ngayon at nawala na lahat ng kaba ko, kahit pakiramdam ko naisahan ako at gusto ko siyang hampasin, nandito pa rin kami sa opisina at boss ko na siya.

Kailangan ko pa rin siyang galangin at maging propesyonal.

Ngumiti ako ng malapad sa kanya, hindi ko alam kung nagmumukha sarkastiko iyon pero wala akong pakialam, totoo naman. Binalik nito ang ngiti saakin, mukhang natutuwa sa mapakla kong reaksyon. Pero alam niyang wala akong magagawa kaya sigurado, mas masaya 'to ngayon.

"So, ikaw ang boss ko?" hindi ko napigilan itanong kahit obvious naman.

"Still not aware? I know you have a lot of questions Miss Monterio, take a seat." offer nito sa akin.

Tiim bagang kong kinuha ang upuan, inikot ko iyon para ihinarap sa kanya bago umupo, natawa ito sa ginawa ko at ngayon mukha kaming mag o-one on one.

"Tell me."

I want to back out.

"Hindi na ba ako pwede ilipat ng department? O team?" tumaas agad ang kilay nito sa sinabi ko.

"Nagrereklamo ka na agad sa first day mo?" may panunuya sa boses nito, I rolled my eyes at him. Well I tried not to, pero hindi ko napigilan.

"I'm just asking kung pwede pa."

"No." matigas na sagot nito, I pursed my lips.

"Then--"

"You are hired because my team needs someone, pag umalis ka dito wala rin namang ibang tatanggap sa'yo." malamig na tugon nito, tumaas ang kilay ko.

"Ang sabi ni Miss Gomez babalik ako sa team niya after nitong project na 'to, so may pupuntahan pa ako." confident kong sabi, kumunot lalo ang noo niya at napahinto sa hinahanap sa mesa niya.

"Really? I never agreed to that."

Mas lalong tumaas ang kilay ko, alam kong under supervision niya ako pero I am originally under Miss Gomez? Bakit siya lang ang magdedesisyon?

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon