UTS 38

134 1 1
                                    

Chapter 38

Pinauwi rin ako ni Tita kagabi, dahil may trabaho pa raw ako bukas. At kaya naman nila dito, pumayag na rin ako, dahil may mga aayusin pa nga sa office.

Kahit mabigat ang loob ay pinilit ko paring magtrabaho, ngayong araw ay ang paglipat namin sa production team. Ito rin ang unang araw ng trabaho ko rito, kaya kailangan kong magtrabaho ng maayos.

So far, I've done several things already. Taking care of scripts, revision, asking for approvals and such. The work is not that exhausting, but the walk. Expect ko na ito dahil nasa production ako, leg work talaga.

I sighed deeply before opening the door, Caden's eyes quickly darted on me. He is eating an apple, wearing his hospital clothes. And his hair is a bit messy, now that he is not wearing any suits or attractive clothes. He looks so pale.

Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita akong papasok ng private room niya. I tried to smile at him at umupo sa upuan sa gilid nito.

"Bakit hindi kapa umuwi agad? Hindi kaba pagod?" salubong niya, umiling ako.

Ipinakita ko ang duffle bag na dala, may mga laman iyong gamit ko. Kumunot ang noo niya.

"Dito ako matutulog." sagot ko. Mas lalong nag salubong ang kilay nito.

"Why? You're tired from work. You don't need to sleep here, it's uncomfortable." marahan niyang pag kukumbinsi saakin.

"Nabigyan ka na ng gamot?" pag iiba ko. His forehead creased because of my stubbornness.

"Yara." he said in his low voice.

"Isang linggo ka raw dito, hindi laging nandito sila Tita. Gabi lang kita mapupuntahan, dahil may trabaho ko. So please, let me sleep here."

"But you're tired." pagpupumilit niya, bumuntong hininga ako.

Ngayon ko lang siya mababantayan, maalagaan. Dahil hindi ko nagawa dati, gusto kong bumawi at gagawin ko lahat ng pwede kong gawin ngayon.

"I'm not tired."

"You need to rest,"

"This is my rest!"

Natahimik ito sa huli kong sinabi, tumayo ako at ipinatong ang dalang bag sa upuan bago lumapit sa kanya. Nagtiim bagang ako at umiwas ng tingin.

"Kahit umuwi ako, hindi rin ako makakapag pahinga ng maayos. Dahil ikaw ang iisipin ko, so please, let me rest and sleep here." I muttered gently, he stared at me for a few seconds before finally nodding.

He reached for my hands and pulled me closer to him. I hugged him.

"Nakainom ka na ng gamot?" tanong ko muli.

"Yeah..."

Ganoon na nga ang mga sumunod na araw, papasok ako sa trabaho ng maaga.  Dadaan lang ako ng bahay sandali, tapos ay pupunta na ng ospital.

Minsan ay nalalate ako ng punta, naaabutan ko pa siyang gising. Inaantay niya raw ako, ayoko namang napupuyat siya kaya ang sabi ko ay wag niya na ako antayin. Dahil, babalik at babalik naman ako, kahit tulog na siya.

He insisted that I sleep beside him, pero syempre hindi ako pumayag. Hospital pa rin ito, hindi hotel. Paano pag may pumasok na doctor o nurse? So I always sleep on the couch.

Binuksan ko ang pinto at dilim lamang ang sumalubong saakin, the lights outside the glass window is the only light inside the room.

It's already twelve midnight, nag overtime ako sa trabaho dahil sobrang dami ng gagawin at may hahabulin pa ako bukas. Tinawagan ko si Caden, na wag niya na akong antayin at matulog na siya.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Where stories live. Discover now