Chapter Forty Three

Start from the beginning
                                    

 "Wala naman akong sinasabi na ayaw ko, ah?" Pinisil niya ang pisngi ni Callan.

"Hindi ko na itinatanggi na gusto kita, na mahal kita. Pero.."

 "Pero ano? Bakit ngayon mo lang sinabi ang tungkol sa baby?"

 "Dahil hindi pa ako sigurado. Sinabi ko naman sa 'yo di ba? Kailangan ko muna pumunta sa doctor para malaman kung kumpirmado ba na buntis ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa 'yo. Alam ko mahal mo ako, pero ibang usapan na kapag may baby na. Kailangan na nating mas maging responsable at mature para sa ikabubuti ng bata. Naisip ko rin na baka isipin mo na sadya akong nagpabuntis sa 'yo. At pinikot kita."

 Malakas na napahalakhak si Callan. Gumanti ng pagpisil sa pisngi. "That's crazy, honey. Hindi ako mag-iisip ng ganoon sa 'yo. Kahit na bigyan mo pa ako ng isang dosenang anak—"

 "Grabe naman 'yon!"

 "Bakit? Ayaw mo ba ng isang dosena?"

 "Malolosyang ako kapag nag-anak ako ng ganoon karami, Callan!"

 "Kahit malosyang ka pa, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko sa 'yo. Patay na patay pa rin ako sa 'yo at magseselos pa rin ako kapag may ibang lalaki na nagpalipad hangin sa 'yo."

  She chuckled. "That's silly! Losyang na nga, may magkakainteres pa ba?"

 Tumango si Callan at hinapit siya sa beywang. Naglapat ang hubad nilang mga katawan at tila nagsisimula na namang magliyab ang maliit na apoy. "Your beauty is timeless, Kira. Hindi ako magsasawang ipagmalaki sa buong mundo na akin lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo."

 Napangiti si Kira. "Napakatamis talaga ng dila mo. Ilan na kayang babae ang nahulog sa mga ganyang linya?" pagbibiro niya. Napahalakhak siya ng makita ang pagsimangot ng lalaki.

 "Oh, Forget that. Just kiss me." Hinila niya ito sa batok at siniil ng mainit na halik sa labi. Ngunit hindi lamang siya nito hinalikan. Ipinadama nito sa kanya kung gaano ito kasaya sa kanyang pagbubuntis.

 Inihiga siya ng binata sa kama. For a moment, she thought he was going to make love with her. Pero bumaba muna ang mukha nito sa tiyan niya.

 Napamaang si Kira ng halikan nito ang hindi pa halatang umuumbok na tiyan.


"Callan.. Ano'ng ginagawa mo?"

Ngumiti ito sa kanya. "Sinisigurado ko lang na mararamdaman ng baby natin na mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal ko sa 'yo." Muli nitong pinagtapat ang mga mukha nila. "Now that you're pregnant, nakakasigurado na akong akin na akin ka na, Kira. Mine only."

 Mga ilang sandali pa ay pinag-isa na nito ang kanilang mga katawan. Maingat itong gumagalaw sa ibabaw niya. Kahit ang pagsugod ng pagkalalaki nito ay ubod ng dahan at pag-iingat. Though she doesn't want him to be gentle and slow, still she couldn't help being emotional. Mahal na mahal nga siya ni Callan. Hindi lang nito iyon inilalapat sa salita kundi ipinakikita rin sa mga galaw nito.

 Yumakap siya dito at sinalubong ang bawat ulos ng pagmamahal nito. Mayamaya pa ay narating nila ang sukdulan na nasundan ng isa pa hanggang sa mapagod sila.


 NAIINTINDIHAN na ni Callan kung bakit ganoon kabilis ang reaksyon ang katawan ni Kira sa mga halik niya. Ramdam niya ang pag-iinit nito, ang agresibong pagtugon sa kanyang halik.

 Iyon ay dahil sa buntis ito. Pregnant woman are usually needy and h*rny. Kailangan na punuan niya ang lahat ng pangangailangan nito, emosyonal man o pisikal. Kanina lang ay binigay niya dito ang dapat ay ibigay nito. He made love with her. And it was the sweetest and most romantic lovemaking. Naging maingat siya sa pag-angkin dito dahil buntis nga ito.

 Kahit sinasabi ng dalaga na hindi pa naman kumpirmado at kailangan pa nitong magpatingin sa doctor, nakakasigurado na siya na dinadala na nito ang kanilang anak.

 Napangiti si Callan. Wala na yatang lalaki ang makakahigit sa saya na nararamdaman niya. Parang isang panaginip na nagkatotoo. Isang pangarap na nabigyan ng katuparan. Tila mapupunit na ang pisngi niya sa pagngiti.

 Napansin 'yon ni Kira. "Para sa lalaking nakabuntis ng girlfriend, ikaw na ang pinakamasaya. Bakit di ka ngumiti?" pagbibiro nito habang pinagmamasdan siya. Siya naman ngayon ang naghahain para dito.

 Ngayon na may isang buhay ang nabuo nila, dapat ay mas doble ang pag-iingat niya sa nobya. Ipipilit pa sana ni Kira na ito na ang maghain pero mas mapilit siyang huwag itong pagawain ng kaya din naman niyang gawin.


 "Lahat naman ng nagiging ama ay masaya."

 "D'yan naman ako hindi naniniwala, Callan. May mga lalaki na kapag nakabuntis, hindi masaya. May ibang lalaki na pagkatapos nilang habol-habulin ang babae para maikama, tatakbuhan naman nila kapag nabuntis na. Mayroon pa nga na inuutusan nila ang nobya nilang ipalaglag ang bata."

 "Kung mayroon man na ganoon talaga, sa tingin ko ay hindi sila lalaki." Umupo na si Callan at sinaluhan na ang dalaga. "Dahil ang lalaking walang paninindigan sa ginawa ay hindi tunay na lalaki."

 Napangiti si Kira sa sinabi niya. "Hindi ka lang pala puwede maging pulis. Bakit kaya mo rin pasukin ang pagpupulitika?" suhestyon nito habang kumakain na sila.

 Umiling siya. "Wala sa mga pangarap ko 'yon. Masyadong magulo ang mundo ng pulitika."

 "Tama ka. Pero magulo din naman ang mundo ng pagpupulis, di ba? Tingnan mo nga. Ang daming pulis ang nadadawit sa maraming issues. Ang pangit na tuloy ng tingin ng karamihan sa mga pulis."

 "Sa akin sila tumingin para di sila mapangitan sa mga pulis," aniya at pilyong kinindatan ang dalaga.

 Napahalakhak si Kira. "Luko-luko!" Kinurot nito ang pisngi niya. Hindi pa nakuntento at pinagpipisil pa ang mukha niya. "Gwapo talaga ng bebe ko. Sarap burahin ng mukha!"

 Natatawa, hinayaan niyang panggigilan siya ni Kira. Kaytagal niyang hinintay ang ganoong eksena: siya at si Kira. Masayang magkasama.

 Wala na yatang mahihiling pa ang binata. Ibinigay na nito sa kanya ang nag-iisang babae na noon pa man ay ipinagdadasal niyang maging bahagi ng buhay niya.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now