"Bakit? Masama ba?" I instantly shook my head. "Atsaka, hindi lang naman ako tatambay dito. May gagawin din tayo." Nagtama ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Kinuha niya ang nasa loob ng paper box para ipakita sa akin. At nang ipakita niya na sa akin kung anong laman ng box ay nasapo ko ang noo ko.


"Lego, Liam? Seryoso ba?" Hindi ko alam kung natatawa ako dahil sa dala niya o dahil biglang sumakit ang ulo ko.


"What? At least we can do something as we wait for our breaks to be over," he reasoned out. Tiningnan ko ang hawak niyang Lego. Lego flowers ang binili niya, isang box ng tulips at isa namang roses.


"Come on. This will be fun," he tried to convince me. I can see that his language is quality time and to think that he came here to spend his break time with me instead of resting in his office tells me that quality time is important to him.


"Alright. Go sit there," I pointed to the sofa at the corner and just like a kid, his walks were exciting. I shook my head once again because of disbelief. I feel like a seven-year-old is stuck on Liam's body.


Dumiretso ako sa counter kung saan nakalagay ang mga kape. "You don't like coffee, right? Gusto mo ng gatas?" Sumilip ang mga mata ko sa kanya saglit.


"Yes, please," he responded. Pinagtimplahan ko kaagad siya ng gatas pagkatapos ay nilapag 'yun sa lamesa nang matapos. Tumabi ako sa kanya at kinuha ang box ng Lego na naglalaman ng roses.


"I heard of this before... Lego flowers. Nakakatawang isipin na bitbit-bitbit mo 'to habang nakasuot ka ng suit." It's so random to see him bringing this here with him wearing a suit. Kung nakita man 'to ng guard ay paniguradong iisipin niyang para sa anak niya ang mga Lego.


Binuksan ko ang box at kaunti lang ang mga pieces na kailangan kong pagsama-samahin para mabuo ang Lego. May kasama rin siyang papel para sa instructions.


"Next time puzzle naman dadalhin ko, 'yung malaki," aniya habang nasa instructions ang atensyon. Palihim naman akong ngumiti dahil sa narinig.


"Bahala ka." Wala na akong nagawa. Nasa nature niya na talaga siguro 'yun na hindi niya maaalis sa sarili niya. I think he wants to remain having fun even though he's already pushing through thirties. He wants to enjoy things and it doesn't matter what age is he.


For me, I never experienced such a good childhood because I must work at such a young age. I must somehow provide for my family, which I insist, but the consequences of that was I wasn't able to experience a childhood that a kid must have. Maybe there are memorable moments, but it's just a few... I guess I was lucky to have those moments, because it's rare to have, especially if you have nothing.


Bata pa lang ako marami na akong napagdaanan. Mahirap maging mahirap. Ako bilang bata noon wala akong oras na maranasan lahat ng mga laro o kahit ano pa man na naranasan ng mga batang ka-edad ko. Hindi ko naman sinisisi sa mga magulang ko ang dinanas ko... Lagi nilang sinusubukan na iangat ang pamilya namin sa hirap. Mahal ko ang pamilya ko at ngayon ay binigyan na naman ako ng isang pamilya na tinanggap ako.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now