Chapter 20

535 23 5
                                    

Chapter 20

Hindi ako nagseselos. Kung ano 'yung sinabi ko 'yun na 'yun, walang halong pagsisinungaling. Bakit naman ba ako magseselos? 'E wala naman akong karapatan. Hindi naman niya ako girlfriend. Wala naman kaming label para magselos ako. Walang-wala!


I don't think it's jealousy... No, it can't be. Hindi naman ako umaastang nagseselos ako. Normal naman 'yun na may makausap si Liam na ibang babae. Ang nakakainis lang bakit ko ba pinagtutuunan ng pansin 'yun? Pati tuloy si Aliya kung ano-ano na ang iniisip.


Marahan akong nagpakawala ng malalim na hininga at minasahe ang ulo ko. Kasalukuyan akong nasa harapan ng working table ko at inaasikaso 'yung mga kailangan kong tapusin sa trabaho. Sobra na 'yung pagiging absent ko kaya kailangan kong maghabol ng gawain.


Nagamot na ni Aliyah 'yung paa ko. Medyo masakit siya kapag nilalakad ko, wala akong magawa kung 'di ang maglakad nang paika-ika para hindi tumama sa sahig.


Bumalik ulit ako sa pagtitipa sa laptop ko nang biglang may kumatok sa pinto. Dahil sa sobrang tutok ko sa laptop ay hinayaan ko na lang na makapasok si Aliyah. "Pasok," sabi ko. Ni hindi ko na siya binalingan pa ng tingin dahil sa pag-aasikaso ko ng mga papeles.


"Aliyah, may minutes of the meeting ka ba nung nag-meeting tayo kasama nung mga board of directors about sa orphanage proposal?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya kumunot ang noo ko. "I'm sure that my voice is loud and clear for you to hear my question," tunog seryoso kong usal.


"Yeah, I heard you loud and clear." Napatigil ako sa pagtitipa nang marinig ang isang malalim na boses. Nagpintig ang tenga ko at napagtantong hindi si Aliyah ang pumasok sa kwarto kung 'di si Liam.


Inalis ko ang atensyon ko sa laptop at dumako sa kanya. Nakita kong nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang ang mga braso niya ay nakadantay sa gilid para hindi siya mapahiga sa kama ko.


I raised a brow. "What are you doing here?"


"Well, you told me to come in," depensa niya kaya hindi ko napigilan ang umirap.


"I only said to come in cause I thought Aliyah was the one knocking on the door, instead it was you. What are you even doing here?"


"Aliyah told me to call you over because it's dinner already," he replied. So it was Aliyah who kept ordering Liam to call me every time it's going to eat.


Ngumiti ako. "Okay, susunod na lang ako." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay hindi siya gumalaw, nanatili lang siyang nakaupo sa kama ko. "You can leave now, Liam." Pinaalalahanan ko na itong umalis dahil may kailangan lang akong tapusin.


"No, I'm only leaving if you close your laptop," pagmamatigas niya kaya mahina akong natawa.


"Susunod naman ako kapag umalis ka na. So, please lang, mauna ka na." Para akong nakikipag-usap sa bata. Mas sasakit pa yata 'yung ulo ko sa kanya kaysa sa mga gawain ko.


He smirked and slowly stood up, approaching me. He put his hand on the side of my desk and the other one was on the back of my chair. He leaned his face closer to me, which made me alert. Even though he was looking at me with his keen eyes, I fought his gaze and tried to be unbothered with his face close to me.

It Was Mariella SiennaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz