Chapter 05

874 43 6
                                    

Chapter 05

"Hindi ba sinabi ko hindi ka sasama?"


Hindi ko alam na may lihim pa lang pagkamakulit si Liam. Naging malinaw ang usapan namin na hindi na niya kailangang sumama dahil alam kong marami siyang gagawin pagkatapos umupo bilang presidente ng Trevino Tech atsaka sapat na ang mga staff ko para maasikaso lahat ng mga pupuntahan naming eskwelahan pero heto siya ngayon, nakasakay na ng barto at iniwan ang mga gawain niya.


"Oo, malinaw naman ang pagkakarinig ko sa sinabi mo," aniya kaya nasapo ko ang noo ko.


"Oh, bakit nandito ka kung malinaw naman pala sa 'yong hindi mo na kailangang sumama?"


Nag-taas ito ng kilay at pinagkrus ang dalawang braso. "Excuse me, marunong naman akong sumunod pero si Mama ang nagpumilit sa akin na sumama," bunyag niya kaya ilang beses akong kumurap na para bang pilit kong pinoproseso ang narinig ko.


"Si Tita Lea?"


"Malamang, sino pa ba? May iba pa ba akong nanay?" Pamimilosopo niya kaya mahina kong hinampas ang braso niya pero mahina lang itong humagikhik, mukhang nag-eenjoy na pilosopohin ako.


"You should be in your office, working, and yet you're here," I mumbled with frustration. He shrugged his shoulders, looking innocent.


"Scold my mother, not me. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na ayos lang kung hindi ako sumama dahil 'yun ang sabi mo pero nagpumilit siya." Pakiramdam ko bago pa ako makarating sa Calapan ay ubos na ang enerhiya ko dahil sa kanya. Napahawak ako sa sentido ko at minasahe ito dahil sa unti-unting pananakit ng ulo. Bakit pa ba siya pinasama ni Tita Lea?


Nanghihina akong umupo sa tabi niya. "Alam mo, mas gugustuhin ko pang makausap ang kuya mo kaysa sa 'yo. 'Yung totoo, may saltik ka ba?" Hindi ko na napigilan ang pagiging prangka. Maaga yata akong tatanda dahil sa kanya. Napaka kulit kasi at laging may palag o depensa sa akin.


"Wala akong saltik. Sinabi ko na sa 'yo, si Mama ang pumilit sa akin. Sa lahat ng nabubuhay sa mundo, Mama ko ang pinaka kinatatakutan ko." Tumango-tango na lang ako bilang pagpapaubaya. Wala na akong magagawa dahil nandito na siya at paalis na ang barko. Bago pa siya makarating sa pinaka baba ng roro ay nakaalis na kami.


I squeezed my eyes shut, trying to hold my composure. Patience, that's all I need while talking with this man. Hindi ko naman magawang magalit nang sobra dahil alam kong napilitan lang siya dahil kay Tita Lea. Susunod naman siya sa akin, ang kaso nga lang si Tita Lea na ang nagsabi na sumama siya.


"What about your schedule? Sino ang mag-aasikaso ng mga gawain mo?" Tanong ko at sumilip ang mga mata sa gawi niya.


"Don't worry. Bago pa man ako tumapak sa barko na 'to, sinigurado kong tapos na lahat ng kailangan kong gawin," paninigurado niya at nagawa nang sumandal sa lingkuranan ng upuan pagkatapos ay pinikit ang mga mata.


Nasalpak ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Hindi ko magawang magalit kay Tita Lea, pati din sa lalaking 'to. Pagpapasensyahan ko na lang talaga siguro.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now