Chapter 17

500 20 2
                                    

Chapter 17

"Please be honest with me."


Mariin kong tinitigan ang mga mata niya, umaasang du'n pa lang malalaman ko na kaagad ang sagot. Hindi niya inaasahan na 'yun ang tanong ko. Napatulala siya at nawalan ng imik.


Hindi naman lahat ng katahimikan, katumbas ay oo. Hindi ba?


My hand turned into a fist as I anticipated his answer. I wasn't expected to ask him that either. It was made up by my mind because the conversation includes honesty. I want the same way for him. I replied with the truth, and he should also.


I saw him gulp. "Are you serious?"


Hindi ako sumagot. Seryoso ba ako sa tanong ko? Kahit gusto ko ng sagot ay natatakot ako, mapa-oo o hindi.


He was about to speak when suddenly Eloise called us. "Ninang! Tito!" We both turned our attention to her right away and we saw her pointing at the small stream hidden behind the big rocks. "Can we go there?"


Maybe that's the cue already to stop the conversation. We are being too serious about honesty.


"Si Tito mo na lang 'yung sasama sa 'yo, babalik muna ako sa cottage. Medyo masakit kasi 'yung ulo ko dahil sa byahe." It was obviously a lie. I just want to be excused for now because I need to redeem myself after asking that question to Liam. It was a stupid question. I know that I wasn't his type, so why did I bother asking? Damn it!


Tumalikod na ako nagsimulang maglakad pabalik sa cottage. Habang paalis ay ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Liam pero hindi ako nag-atubiling lumingon pabalik. Para kasing pinahiya ko 'yung sarili ko sa harapan niya. Dapat lang na iwas ko sila.


"Oh, Sienna. Anong problema? Ayaw mo ba munang mamasyal?" Papasok na sana ako sa loob ng cottage pero nakita ako ni Valerie.


Peke akong ngumiti. "Magpapahinga muna ako. Medyo masakit kasi 'yung ulo ko. Alam mo na, galing sa byahe," palusot ko. Magsasalita pa sana siya pero tuluyan na akong pumasok sa loob ng cottage ko. Nagkulong ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama.


"So stupid..." I whispered to myself.


Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa dinalaw na ako ng antok at nakatulog. Nagising na lang ako nang may kumakatok sa pinto. Bumangon ako at dumiretso sa pinto para buksan 'yun. Nang makita kung sino 'yung kumakatok ay nakagat ko ang ibabang labi ko. Sising-sisi ako na parang gusto ko na lang isarado ulit 'yung pinto at magkulong sa kwarto.


"'Di na ba masakit 'yung ulo mo?" Panimula niya.


"Yeah..." Sumilip ang mga mata ko sa likod niya at nakitang madilim na. "Sobrang himbing ng tulog ko. 'Di ko na namalayan 'yung oras." Bumalik 'yung tingin ko kay Liam at parehong tumaas ang mga kilay ko. "May kailangan ka ba?"


Nagklaro siya ng boses bago sumagot. "Kain na daw sabi ni Mama. Hinihintay na nila tayo sa gazebo."

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now