Chapter 09

477 30 6
                                    

Chapter 09

He meant it for sure. Maybe having a friendship with him wasn't bad at all. Besides, establishing a connection with him would be good for the project. If I met someone, it usually takes a lot of time before I get comfortable or be close with that someone, but in Liam's case, it didn't take a lot of time unlike when I met his brother. Maybe because of realization? But was it really a realization? Will it be bad if I ease myself a bit?


"Good morning, Miss." Naputol ang unti-unting bumabagabag sa isipan ko nang batiin ako ni Aliyah. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto ko. "Ginabi na daw kayo ng uwi kagabi. Hindi ko na kayo nahintay dahil nakatulog kaagad ako."


"It's fine. Kumain pa kasi kami ni Liam kagabi, nagpumilit kaya pumayag na ako." Nasa harapan ako ng salamin, kasalukuyang inaayos ang kwelyo ko.


"Did you have a great time with him?" She asked. I opened my mouth, but they only shivered as if I still hadn't planned the words to say yet.


"U-Um... Kind of?" I wasn't sure of my answer, which made her brows furrowed. "Alam mo naman kung paano mag-isip 'yun. Kulang na lang mag-sumbong na ako kay Tita Lea dahil sa pagiging isip-bata niya pero wala na rin namang patutunguhan 'yun. Trademark siguro 'yun ni Liam. Masasanay din ako."


"Magagawa mo namang masanay kasi kaibigan mo ang kapatid niya. Lagi-lagi kayong magkikita nu'n."


Yumuko ako at ngumisi. May punto naman ang sinabi niya lalo na ngayon na tinuring ko na si Liam na kaibigan. Iwas na iwas pa ako nung una pero heto ako, naglaglag ng kondisyon.


"Aliyah, I have a question." When I'm done fixing my collar, I turned my gaze towards her. "What do you think of me living in England?"


She tilted her head and took a moment to gather the words she would say. "Well, you said to me that you're going to be fine there living temporarily—"


"I mean, permanently," I cut her off and when I cleared that out, I saw her shoulders losing its strength. She was appalled by my question.


"M-Ma'am, that's a big adjustment to do... But if you really want to, then it's okay as long as you will feel better. I will not object to your decisions. What's important is your mental health," she explained sincerely.


I really need help. Pakiramdam ko kasi nabubuhay ako sa takot, 'yung takot na naramdaman ko noon nandito pa din... 'Yung mga nangyare noon ang nagdidikta sa akin kung ano dapat ang maging kilos ko at bawat mali ay paparusahan na naman ako. Ang hirap matulog na may bigat na nararamdaman na hanggang sa paggising mo nandoon pa din kaya ko ginagawa 'to kasi lahat ng sakit buhay na buhay pa rin sa isipan ko. Lagi na lang akong umiiyak dahil naaawa ako sa sarili ko.


"Nagtanong lang naman ako..."


"But you're considering it, Miss. Sabi mo sa akin masaya ka du'n, tahimik at malayo dito. Hindi rin naman kita masisisi dahil 'yun din naman ang gusto ko para sa 'yo."


Naging malambot ang puso ko dahil sa huli niyang sinabi. Kahit alam kong imposible, gusto ko pa rin subukan. Kahit alam kong mahirap, gusto ko pa ring maramdaman ulit na sumaya, kahit saglit lang. Mangyayare lang 'yun kapag tumira ako sa England.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now