Chapter 03

1.4K 59 15
                                    

Chapter 03

"Iniinom mo pa rin ba 'yung gamot mo?" Tanong sa akin ng doktor sa phone.


Tulala at tahimik. 'Yun ang dalawang salita na mailalarawan ko habang kausap ako ng doktor. Kanina pa siya nagsasalita pero walang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko ba alam kung wala ako sa hulog ngayon o sadyang hindi ko talaga iniintindi ang mga sinasabi niya dahil alam kong wala 'yung patutunguhan. Unti-unti na akong napapagod... Kaunti na lang ay bibigay na ang katawan ko. Punong-puno na ng gamot ang katawan ko pero wala pa ring nangyayare.


It was useless... I think. The sadness wasn't in my heart, but in my mind. The past is always playing in my mind, tearing every part of my innocence. People saw me as an empowered woman, but it's fragile and dark deep inside. The therapy isn't working. I tried everything already, but I always ended up more miserable just talking about how I suffered.


Palipat-lipat ako ng ospital at paulit-ulit ko na ring kwinikwento ang naranasan ko... Nakakapagod na sa totoo lang.


"Miss Sienna, are you still there?"


Bumalik ako sa diwa ko nang biglang tawagin ng doktor ang pangalan ko. Nagklaro ako ng boses at sinapo ang noo ko dahil sa pagkatulala kanina.


"I'm sorry, but can you please just refer to my assistant? I'm not feeling good today," I said quietly and heard the doctor sighed.


"Miss, I'm just going to remind you that your case is important. We are trying to prevent you from—"


"From getting crazy, Doc?" My heart writhe as those words fell on my lips. "Don't worry, I already experienced losing my mind when my baby died."


Nung sinabi ng doktor noon na hindi kinaya ng bata ang kondisyon ko ay umalingawngaw ang sigaw ko sa apat na sulok ng kwarto. Sigaw na tumumbas sa pangungulila ko sa pagkawala niya. Kasalanan ko naman kung bakit nangyare 'yun at hanggang ngayon ay paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa anak ko.


"Let's continue this conversation on my next schedule, Doc. I will just rest today." It was only my excuse to escape the topic. Habang tumatagal ay mas lalo akong nauubos dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Responsibilidad niya ako pero mas malaki ang responsibilidad ko sa sarili ko. Gusto kong tulungan ang sarili ko pero hindi ko alam kung paano. Nauubusan na ako ng paraan.


Kahit hindi pa nakakasagot ang doktor ay pinatayan ko na ito ng tawag at nilapag ang phone ko sa lamesa. Sumandal ako sa lingkuranan ng upuan at tumingala. Mabuti na lang hindi ko nagagawang maipakita ang ganitong kalagayan ko sa maraming tao, kung 'di pagpiyepiyestahan na naman ako kagaya noon.


I was about to close my eyes when someone suddenly knocked on the door. I have no choice but to let that person in. It was Aliyah, and she's on her phone. She muted her speaker and walked towards me.


"Miss, si Sir Aly," sabi sa akin ni Aliyah kaya ilang segundo akong natigilan. Isang taon na ang nakalipas nung kinasal siya at 'yun ang huling beses na nagkita kami. 'Yun na ang pinaka huling araw... Iwas na iwas ako sa kanya.


"Tell him that I'm busy," I commanded, and Aliyah was hesitant to say that, but I signaled her to do it. She unmuted the speaker on the phone and spoke.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now