Chapter 34 : Real Dad

109 10 0
                                    

Two months na ang lumipas simula nang mangyari ang lahat ng iyon. Hindi pa rin ako matahimik sa tuwing naaalala ko ang mga naging rebelasyon pati na rin ang pag-amin sa 'kin ni Mama.

I know I should be happy after the years of suffering because of the pain she inflicted to me but I couldn't feel anything except from emptiness.

Maybe because this is not what I've expected? Nakakatawa dahil ang tagal ko ring hinintay na maayos ang lahat but now that it happened, I don't know what to do next.

I caressed my baby bump. Magti-three months na rin ang dinadala ko at malapit ko nang malaman ang kasarian niya. I wanted it to be surprise kaya mas pinili kong ang doctor na lang muna ang nakakaalam.

"Maayos naman ang lagay ni baby, basta kumain ka lang ng healthy foods at huwag magpapagod. Masama rin sa pagbubuntis ang pagpupuyat kaya bago matulog ay uminom ka rin ng gatas," nakangiting bilin ni Doctor Rein.

I smiled too as I nodded. "Gusto ko rin po kumuha ng nurse para may aalalay sa 'kin at mag-aalaga sa bahay. May mare-recommend po ba kayo sa akin?"

She glanced at the door before averting her gaze at me. "Mayroon but next week pa siya makabalik mula sa vacation, do you want to get her number?"

"If it's possible, Doc."

Lumabas ako ng hospital habang hinihimas ang akin tiyan. Nakailang minuto pa akong nag-antay sa harap ng hospital bago may humintong cab sa harapan ko. I entered the car and told the driver the direction. Tahimik lang ako habang nakamasid sa labas at malalim ang iniisip.

Nang makauwi ay dumiretso agad ako sa kwarto para silipin kung gising na ba si Zenith, nang umalis ako ay tulog pa rin siya kaya hindi ko na sinama.

"Where is he?" I asked while pouring some water in my glass.

"Upstairs, kasama si Styx." I nodded and sipped on the glass. "Naka-ready na ba mga gamit niya?"

He finger combed his hair. "Yeah, anong sabi ni Doc? Kumusta ang baby?"

"It's fine. Maayos naman ang lagay ng baby ko," bulong ko at hinimas ang aking tiyan.

"Baby natin," he corrected, making me laugh.

I rolled my eyes. "Whatever, Silver."

"Mommy!" Napalingon ako nang tawagin ako ni Zenith habang patakbong bumababa sa hagdan. Sinaway naman siya ni Styx ngunit hindi pa rin nakinig.

He hugged my waist and planted a kiss on my stomach, napangiti ako sa ginawa niya.

"You're not really coming with us?" Umangat ang tingin ko kay Styx na ngayon ay may masama ang tingin na pinupukol kay Silver. I just sighed and avert my attention to my son.

"You should bond with your Dad, hindi mo naman kailangan si Mommy roon."

He pouted. "But I want you to come with us," he said softly.

I fumbled his hair and placed the glass of water at the kitchen sink. Akmang bubuhatin ko siya ngunit agad akong pinigilan ni Styx at siya na ang bumuhat sa bata.

"He'll enjoy the vacation if you're with us," dagdag ni Styx at sinulyapan pa ang tiyan ko. May kung anong kuminang sa mata niya nang makita ang umbok sa tiyan ko, I was so sure that he's dying to hold it but he restrain himself.

"I'll stay here, ang tagal ng panahong hindi kayo nagkasama kaya sana sulitin niyo muna ang panahon ngayon na kayong dalawa lang," mahinang saad ko. "Zenith, promise me that you'll behave, okay? Don't give your Dad a hard time. H'wag ka ring makulit dahil wala ako roon para mabantayan ka."

The Sweet Revenge (COMPLETED) Where stories live. Discover now