Chapter 22 : Flashback 1

80 7 0
                                    

Ilang araw na ba akong wala sa sarili?

Isa?

Dalawa?

O isang linggo na?

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Palaging umaalis si Mama tuwing gabi at umaga na kinabukasan dumadating. Hindi na niya 'ko sinasaktan at malaking bagay 'yon pero hindi ko maiwasang manibago.

"Xhiaaaaa!" Aira, my friend, called me. Nakita ko siyang tumatakbo mula sa hallway kaya mabilis akong tumigil. Napatingin sa 'min ang ibang estudyante kaya hindi ko maiwasang pamulahan dahil sa hiya.

"'Wag ka ngang sumigaw!" saway ko sa kanya sabay hampas ng mahina.

Sumimangot si Aira at inamba sa 'kin ang makakapal na librong hawak niya. Umilag naman ako at tumawa.

"Ang sama mo porke't nililigawan ka no'ng nasa kabilang department!"

I rolled my eyes before proceeding to walk. "Saan mo naman napulot ang chismis na 'yan?"

Hindi ko alam kung sadyang chismosa lang talaga ang babaeng 'to o sadyang kalat na sa buong campus. Pa'no ba naman kasi, laging nakabuntot sa 'kin noong nakaraang linggo si David kaya hindi na ako magtataka kung kumalat 'yon. Masyado siyang sikat kaya hindi kami pwede, ayaw ko na maraming magalit sa 'kin kaya binasted ko  talaga siya.

"Duh! I have my source. At saka, hmp! Dalawang linggo lang ako nawala ang dami mo nang nililihim sa 'kin. Arouch, ang sakit, I cannot," pag-da-drama niya.

"Tumigil ka nga!"

Malakas siyang tumawa at pumwesto sa harapan ko, nilagay niya ang kamay sa bewang at tinaasan ako ng isang kilay.

"Aminin mo, anong meron sa inyo no'ng nasa business ad?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Pati ba naman 'yon, alam niya?

"Hoy, Zyxhiaxy, magsasalita ka o ako magtatanong sa lalaking 'yon kung bakit may litrato kayong dalawa na magkasama sa isang restaurant?"

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan agad siya. Nakakainis! Sabi ko na, wala akong matatago sa babaeng 'to, eh!

"Hoy, naiinis na 'ko. You're so annoying, sabihin mo na kasiiii!" pamimilit niya pa.

"Fine!" Sininghalan ko siya. "After ng class."

Buong oras ng klase ay hindi ako tinantanan ni Aira. Tumabi rin siya sa 'kin at halatang atat na magtanong dahil lagi rin siyang nakatingin sa 'kin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang tinutukoy niya ay 'yong litrato naming dalawa ni Styx Syruis sa isang restaurant. Sa totoo lang, walang namamagitan sa 'ming dalawa pero masaya ako dahil nakasama kong kumain ang lalaking matagal ko nang gusto.

Simula first year college ay siya na ang natipuhan ko sa buong campus. Bukod kase sa maitsura ito ay mabait din. Lagi siyang nakangiti at sa tuwing magtatama ang mata namin ay mas lalong lumalawak 'yon.

Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula basta ang alam ko ay may nararamdaman na 'ko sa kanya kaya nang minsan ko siyang nakasalubong sa gate at nabangga niya ko dahil sa kanyang pagmamadali ay hindi na 'ko nagsayang ng oras at sinabi sa kanyang kailangan niyang pagbayaran ang nasira niyang cell phone ko. Nahulog kase 'yon at nasira, he suggested that he'll just buy me a brand new phone but I declined it, sinabi kong ilibre niya na lang ako ng dinner at pumayag naman siya pero pinalitan niya pa rin ang phone ko.

"Kaloka!" sigaw ni Aira at may pahampas pa sa braso ko. Grabe talaga 'to kiligin.

"Pagkatapos? Ano? Hindi na nasundan pa? Grabe amp, hindi na ikaw ang Xhia na nakilala ko."

The Sweet Revenge (COMPLETED) Where stories live. Discover now