Chapter 12 : Still in Love

109 9 0
                                    

People will say that every person deserves a second chance. It was easy to say but that would never easy for me to do. Lumaki ako nang ako lang mag-isa sa buhay, kahit na sabihing nandiyan si Mama ay hindi niya pinaramdam sa 'kin na anak niya 'ko.

Kung ang pagpapatawad ay madali bakit maraming taong hanggang ngayon ay hindi makaahon? Kung gano'n kadali 'yon sana malaya na ang puso ng nakakarami. Gano'n ba kahirap para sa iba na intindihin na hindi lahat ng tao ay may kakayahang magpatawad?

Aaminin ko na minsan na rin akong nagkasala at humingi ng kapatawaran sa isang tao, minsan nga sobrang hirap para sa 'kin na gawin 'yon but now, wala nang puwang sa puso ko ang kapatawaran.

My stoneheart couldn't afford forgiveness. I want to see them cry in pain, I want to see them wrecked and miserable. I want to see them kneeling while their hands are clasped. I want to see them carrying the pain that I inflicted.

"Zy, I hope hindi mo sisirain ang nabuo nating plano. Hindi madaling makapunta sa kung nasaan ka ngayon. Sa tingin mo ba magagawa mo ulit 'to kapag pumalpak ka? Oras na malaman niya na may pinaplano ka ay hindi mo na makukuha ang tiwala niya."

Seryoso ang mga mata ni Duex habang nakatingin sa 'kin. Ilang beses akong lumunok bago tumango. Kahit nahihirapan ay alam ko kung anong dapat na gawin ko. Masyado lang akong nawili ngayon kaya hindi ko napansing nagiging makatotohanan na ang lahat.

Ano naman kung mag-date kami? Hindi ba maganda 'yon. Kahit naiinis ay hindi ko 'yon pinakita sa kanya. May sarili akong plano bukod sa pinaplano naming dalawa. Kahit naman isagawa ko 'yon ay sa isa lang mauuwi ang lahat, ang pagbagsak ni Styx Syruis.

"What do you think of me? Stupid? Sa tingin mo ay hahayaan kong masira lahat ng nagawa na natin?"

He sighed before putting his utensils down. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ngayong gabi. Balak kong puntahan si Styx pagkatapos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Duex ang ginawa kong gulo sa opisina kanina. Hindi rin ako sigurado kung nagsumbong ang babaeng 'yon kay Styx pero wala muna akong pakialam.

"I saw your eyes. Hindi gano'n ang mata ng mga naghihiganti, Zy!" bigla ay tumaas ang boses niya. Padabog kong pinatong sa lamesa ang hawak ko at saka pinunasan ang gilid ng labi ko bago siya samaan ng tingin.

"Anong mata ba dapat? Hindi ba sabi mo kuhanin ko ang loob niya? Duex, ikaw ang magulo, eh."

"You still love him, don't you?" I gulped before avoiding his gaze. Alam kong magtatanong siya tungkol dito. Kahit na hindi niya itanong ay alam kong alam niya na ang sagot doon.

"Sa tingin mo ba makakaya ko pang mahalin ang taong sumira sa 'kin? Gano'n ba ako ka-estupida para sa 'yo, Duex?!" Naghuhuramentado ang puso ko habang mabigat ang paghinga na nakatingin sa malamig niyang mata.

"Calm down, I'm just asking you. Bakit naging defensive ka bigla?"

I hissed. "I am not. Tumigil ka na, Duex, dahil hindi na 'ko natutuwa," pagbabanta ko at nakakuyom ang kamay na kanina pa nanginginig. Natuon naman doon ang paningin niya at bahagyang nakangisi.

"Hindi rin ako natutuwa sa mga nangyayari, Zy. Nakikita mo ba ang sarili mo? Kulang na lang ay paalisin mo 'ko kanina sa bahay mo para masolo ka ng gagong 'yon!" Bahagya uminit ang ulo ko nang marinig ang itinawag niya kay Styx. "And I thought you'll stick with our plans? Bakit pinagtatanggol mo siya ngayon?"

Tila natauhan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang tignan ang mata niya sa sandaling ito. Kahit na ano pang idahilan ko ay alam kong nahuli na niya 'ko. Of course, I still love that man. Pero walang magbabago. Hindi pa rin nababawasan ang galit ko. Wala nang puwang sa puso ko ang pagpapatawad.

The Sweet Revenge (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora