Chapter 34

381 5 0
                                    

Nagpatuloy sa pagkanta ang bata at ang lahat ng nakarinig ay natigil, alam na ito ng mga mortal kaya napangiti sila. Ang mga cyborg at hybrid naman ang namangha sa kanilang narinig.

"Ang ganda ng boses, sino kaya iyon." wika ng isang hybrid.

Ibinaba niya ang kanilang mga sandata at naglakad, nais nila hanapin kung saan nagmumula ang boses na iyon. Ang mga mortal naman ay nagtungo na rin sa likod dahil naroroon ang iba nilang kasama.

"Anak maayos ka lang ba?" tanung ni Onairam.

Ang hari naman ay napatitig lang may kung anu siyang nararamdaman at hindi niya mawari kung anu ito.

"Papa ko." wika ni Hope.

Lumapit rin si Onairam at niyakap ang kanyang mag-iina. Si Jane naman ay napapaluha sa mga nangyari.

"Ikaw ba ang papa ng papa ko?" tanung ni Hope kay Avar.

Hindi alam ng hari kung anu ang isasagot parang nais niyang lapitan ang bata at yakapin pero hindi niya magawa.

"O-oo." nauutal na sagot ng hari.

Napatingin ang kanyang mga tauhan, nabigla kasi sila ito ang unang pagkakataon na narinig nilang magsalita ang hari na nauutal.

"Bakit po ninyo nais ipapatay ang mga tao dito, alam po ba ninyo na masama iyon." inosenteng wika ng bata.

Napangiti ang mga mortal na naroroon maging si Onairam. Si Jane naman ay hindi na nabigla dahil sa bawat araw na dumadaan nakikita niya ang mga pagbabago sa anak,mabilis ito lumaki at ang talino.

"Tsaka bakit kayo nag-aaway hindi ba bad rin iyon dapat magbati kayo at magmahalan kasi lolo kita at anak ninyo ang papa ko." dagdag pa ni Hope.

Natameme ang hari at hindi ito naka pagsalita. Nagsidatingan narin ang ibang tao, cyborg at hybrid doon.

"Pinuno kamusta kayo?" tanung ni Simeon kay Maria.

Siya kasi ang namuno sa isang hukbo kasama si Twinks at ang reserve any sina Joe at Rain.

"Oo maayos lang ako." sagot ng babae.

Nakatingin ito sa mga nasa baba, lumitaw ang ngiti sa mga labi ni Maria dahil alam niyang ito na ang bagong simula ng lahat.

"Baby saan ka pupunta?" tanung ni Jane ng kumalas sa pagkakayakap ang bata.

Naglakad ito patungo kay Haring Avar at naka ngiti pa. Si Jane ay nangangamba para sa anak pero hinayaan parin niya ang bata.

"Lolo gusto po ba ninyo na kantahan ko kayo ulit?" tanung ng bata.

Hindi alam ng hari kung anu ang isasagot pero parang may sariling isip ang kanyang bibig at bumuka ito.

"Maaari ba?" sagot niya.

Ngumiti si Hope ng matamis at lumingon sa ina, tumango naman si Jane bilang tugon.

"Bago ako kumanta nais ko sana na huwag na kayo mag-away-away, dapat mahalin natin ang isa't isa kahit magkaiba, diba lola." turan ni Hope sabay tingin kay Maria.

Ngumiti lang si Maria bilang tugon at nag simulang kumanta si Hope.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at magkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng busong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito'y ang inang bayang tinubuan:
Siya'y iona't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!

May mga naluha sa kinanta ng bata ang iba ay napayuko. Ramdam nila ang mensahe ng bawat salita dagdag p ang malamig na boses ngbata na kahit buto mo ay mararamdaman ang kasiyahan at kaluwalhatian.

"Tapos na ang labanang ito." pahayag ni Maria tsaka tumayo.
"Isa lang naman ang nais namin mahal na hari, at iyon ay ang kapayapaan dito sa aming mundo, nais lang namin na mamuhay ng payapa, wala kaming kasalanan sa inyo at ang kasalanan ng mga ninuno namin ay hindi namin kasalanan, mga bunga lang kani at hindi puno ang mga ginawa nila ay hindi namin alam at kaya kami lumalaban ay para sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon." dagdag pa ni Maria.

Tahimik lang na nakamasid at nakikinig ang mga naroroon hinihintay nila ang kasagutan ng hari.

"Pinatay nila ang aking mapapangasawa kaya pinatay ko rin sila, hindi ko matanggap ang mga nagyari kaya humantong sa ganito." may pait na himig ng hari at yumuko.

"Kaya hanggang sa henerasyon namin pinarusahan ninyo pero hindi ba ninyo nakikita na maari tayong mamuhay ng magkasama dito sa daigdig, ang anak ko at anak ninyo ay patunay." wika ni Maria.

Napatingin ang hari sa gawi ng dalawa magkayakap ito na nakatayo.

"At si Hope ang naging bunga nila," saad pa ng ginang.

Lumapit si Hope sa ama at ina niya at agad itong binuhat ni Onairam. Naka akbay naman ang kaliwang kamay niya sa dalaga.

"Ibaba ang inyong mga armas." utos ng hari.

"Mga kasama ibaba na rin ang inyong mga armas." saad rin ni Maria.

Ibinaba ng lahat ang kanilang mga armas mula sa mga cyborg at hybrid ganun rin ang mga tao.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon