Chapter 14

321 6 0
                                    


Natapos ang occassion pero walang pinili ang binata kaya nagtaka ang hari sa kanya.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo kailangan mong pumili ng mapapangasawa mo kaya ipinatawag ko ang occassion na ito..." saad ng hari.

"Pasensya na ama pero wala akung nakikita ni isa sa kanila..." sagot ng binata.

Dahil doon ay bahagyang dumilim ang mukha ng hari at napatitig ito ng matalim sa binata.

"Kung hindi mo mamasamain ama ay nais ko ng magpahinga...." pamama-alam ng binata.

Hindi na nito hinintay ang sagot ng ama at tumalikod ito upang magtungo sa kanyang silid. Sakay ng TE(Teleportation Elevator) ay agad narating ng binata ang silid.

Ang TE o Teleportation Elevator ay ginagamit upang sa isang kisap-mata ay makarating ka sa iyong sariling silid. Kasing bilis ito ng speed of light.

"Kamusta na kaya ang mortal na iyon?" bulong ng binata.
Tumayo ito at tinungo ang silid kung saan ginagawa niya ang mga gusto niyang gawin. Nag suot siya ng vest at pinalitan ang code ng silid upang walang makapasok tapos ay gumawa siya ng kanyang dupe para pag umalis siya ay walang maka halata.

"Patawad ama...." sambit ng binata.

Inihagis niya ang capsule at lumabas ang time machine. Pumasok siya sa silid at inayos ang taon at lugar na dapat niyang puntahan tsaka ito pinindot.

May 12, 2014

Ito ang taon kung saan napadpad si Onairam. Isa lang siyang unseen creature ngayon at walang sino man ang makakakita sa kanya. Matapos niyang pindutin ang button ay naging particles ang kanyng katawan at nabuo ito ng dito na siya sa taon na napili.

"Anung lugar ito at ang gulo....." sambit niya.

Naglakad siya upang makihalo-bilo sa mga tao. Ang bawat segundo sa pinanggalingan niyang lugar ay katumbas ng isang araw sa lugar na kilalalagyan niya ngayon.

Kaya malaya siyang pag-aralan ang bawat galaw ng mga tao. Kung saan-saan na siya napunta at inenjoy nalang niya ito.

"Ngayon ay lulusob na tayo upang kumin ang mga armas na kailangan natin...." sigaw ng dalaga.

May daga man sa dibdib ay taas-noo na tumayo ang mga mandirigma at itinaas ang kanilang kamay bilang palatandaan.

"Twinks ikaw ang manguna sa pag salakay, kayo Rain at Joe alalayan ninyo si Twinks at ang iba, kunin ninyo agad ang mga pwedeng pakinabanggan...." usal ng dalaga.

Nag-umpisa na ang mga ito, at humiwalay si Jane sa kanila upang kumuha ng attensyon sa mga kalaban. Kamante siya dahil suot niya ang vest na bigay ng binatang prinsepe.

"One,,,,,, two,,,,,,,,, booooommm..." usal ng dalaga at ngumisi...
Pinasabog na naman niya ang isang area na nasasakupan ng mga hybrids kung saan maraming cyborgs.

"Ayon ang salarin....." sigaw ng isang cyborg.

"Paputukan siya....." utos ng isa.

Pinaputukan nila ang dalaga pero kampante lang ito dahil lahat ng bala ay hindi Tumatalab sa kanya. Maliban sa suot na vest ay naroroon rin ang SPD(sheild protection device) na nag poprotecta sa kanya.

"Master hindi po aiya tinatablan ng mga bata natin...." wika ng isang cyborg.

Napa-atras naman ang iba ng makita ito at ang dalaga ay ngumisi lang na naka harap sa kanila.

"Ngayon ako naman....." usal ni Jane at kinuha ang isang neuclear granade.

Itinapon niya ito sa mga cyborgs at doon ay pumutok ito. Nagtalsikan ang mga parte ng cyborgs sa pagsabog pero si Jane kahit gasgas ay wala.

"Ang hihina ninyo...." usal niya at umalis na sa lugar na iyon.

Pagkatapos niyang pasabugin iyon ay bumalik ang dalaga sa kuta nila at tamang-tama doon na ang mga kasamahan niya. Tagumpay ang ginawa nilang mission at nakakuha sila ng mas maraming sandata na magagamit.

"Ang galing ng ginawa mo pinuno walang nanggulo at malaya naming nahakot ang lahat ng naroroon...." usal ni Rain.

"Oo nga pinuno ang dami oh...." segunda na Joe.

Tiningnan lang ito ng dalaga at hindi na umimik, tumalikod nalang ito at tinungo ang sarilong silid upang magpahinga.

"Bakit matamlah ka Jane?" tanung ni Twinks.

Sinundan niya ng dalaga ng makita niya itong umalis doon ng hindi nagsasalita.

"Wala may naalala lang ako...." malamig na usal niya.

"Si Amang Simeon ba!" usal ni Twinks at umupo sa harap nito.

Yumuko ang dalaga dahil doon, sobrang ngungulila siya sa mga taong malapit sa kanya. Lumapit ang babae sa kanya at niyakap siya nito kaya pinakawalan na niya ang mga luha na kanina pa nais kumawala.

"Ssshhhh tahan na Jane, matatapos rin lahat ng ito..." usal ni Twinks sa kanya.

"Alam mo ako ang nahihiya sa iyo kasi nakita mo akung umiyak, kasi alam ng lahat matapang ako at walang kinatatakutan, pero tao lang rin ako may pakiramdam at pinanghihinaan rin ng loob, tao lang rin ako na marunong makaramdam at maka alaala, sobrang miss ko na sila Twinks...." usal ni Jane.

Nagyakapan lang ang dalawa at pareho na lumuluha, maging si Twinks ay umiiyak na rin.

"Alam ko kasi ako ay umiiyak rin minsan at alam ko ang nararamdaman mo Jane, pareho tayo at isa lang ang nais ko na bago ako mawala sa mundong ito ay magkaroon na ng magandang bukas ang mga kasunod na henerasyon...." usal rin ni Twinks.

"Huwag kang mag-alala Twinks magagawa natin iyan at sisiguraduhin ko iyan...." sagot ng dalaga.

Kapwa luhaan at sumisinghot ang dalawa pero pareha ngumiti dahil alam nilang may karamay sila at iyon ay ang isa't isa.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon