Chapter 33

297 4 1
                                    

Umiiyak si Hope at naglalakad ito pero hindi niya alam kung saan pupunta, ang daming mga nagkalat sa daan na mga sirang pader.

"Mama ko, papa ko." tawag ng bata.

Ang dalaga naman ay naka dama ng kaba hindi niya alam kung bakit pero parang hindi siya mapanatag.

"Hope, anak." sambit ng babae.

Bigla kasing lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ng anak. Nagulat si Onairam sa narinig niya.

"Bakit mahal ko?" nag-aalalang tanung nito.

Biglang tumulo ang luha ng dalaga hindi niya alam kung bakit, si Onairam naman ay nataranta sa nakita.

"Mahal bakit ka lumuluha." wika ng binata na nagtataranta.

Nagyakapan silang dalawa hanggang sa napatahan ang dalaga. Hinawakan ng binata ang kanyang mukha at idinikit ang noo sa noo ng babae.

"Mahal ang anak natin nakita ko umiiyak siya." wika ni Jane na naka pikit.

Sa paglalakad ay nasalubong ni Hope ang isang hukbo ng mga kawal kasama si Van.

"Kunin ang batang iyan." utos nito.

Agad na nilapitan ng mga ito ang bata pero aakmang kukunin na nila ng may magpaputok.

"Huwag ninyo hahawakan ang batang iyan kung ayaw ninyong mamatay." sigaw na Maria.

Napaatras naman ang ibang hybrid pero ang mga cyborg ay humanda na upang makipaglaban.

"Paano naging inyo ang batang iyan na sa mukha palang halatang may dugo ng ito ng hybrid." wika ni Van.

"Apo ko ang tinutukoy ninyo at oo may dugo nga siyang hybrid hindi lang basta hybrid kung hindi isang dugong bughaw pa." turan ng matanda.

"Lola ko huhuhuhu nasaan ang mama ko?" umiiyak na tanung ng bata.

Naguluhan naman si Van sa tinuran ng babae at si Hope ay patuloy sa pag-iyak.

"Baby tahan na parating na si mama oky." sagot ng ginang.

Nakatanggap si Jane ng tawag at nataranta ito dahil sa nalaman kaya nagtaka si Onairam.

"Mahal ko dito lang kayo kailangan ko ng sumunod kailangan ako ni mama dahil doon si Hope." usal nito.

"Anung ibig mong sabihin mahal?" tanung ng binata.

"Nanganganib ang anak natin mahal ko hindi mo alam kung paano kaya jan ka muna." wika ng dalaga.

Tumayl na ito at aalis na sana ng hawakan ng binata ang kanyang kamay.

"Sasama ako mahal ko." turan ng lalaki.

Umalis silang dalawa at mabilis na nakapasok sa loob, kitang-kita nila ang laki ng pinsala kaya napa iling nalang si Onairam. Nagkalat rin ang mga katawan ng cyborg.

"Baby anu nga ang sabi ng mama mo pag nalulungkot ka?" turan ni Maria.

Sandaling natigilan si Hope at nagpahid ito ng luha. Dinig parin niya ang mga pagsabog dahil sa kabilang parte ng palasyo ay doon ang ibang tao na nakikipaglaban sa pamumuno ni Simeon.

"Ang sabi ni Mama kumanta raw ako." sagot ng bata.

Biglang dumating si Haring Avar doon at nagtaka siya kung bakit hindi naglalaban ang dalawang kampo.

"Anu ang nangyayari dito?" tanung niya.

Yumukod ang lahat tanda ng paggalang, hindi na nagtaka ang mga tao dahil doon alam na nilang iyon ang hari base na rin sa kasuotan nito.

"Mahal na hari ang sabi ng mga mortal isa raw dugong bughaw ang batang iyan." tutan ni Van.

"At paano naging...." hindi natuloy ng hari ang sasabihin.

Napako kasi ang tingin niya sa batang nasa gitna, katulad na katulad ito ng kanyang anak na si Onairam.

"Sino ang batang iyan?" tanung niya.

"Narinig ko po na tinawag siyang Hope ng isang mortal mahal na hari." tugon ni Van.

"Mahal na hari bakit tila kawangis siya ng inyong anak maging ang kulay ng buhok nito." sabad ni Gourge.

Binilisan ng dalawa upang makarating sila agad kinaroroonan ng mga ito. Kapwa sila hapo ng makarating.

"Mama, nasaan si Hope?" tanung ni jane.

Tumingin ang ginang sa baba na siyang sinundan ng dalaga at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

"Ang hari." gulat na sambit niya.

Siya ring dungaw ng binata at maging ito ay nagulat sa nakita kaya napaatras siya.

"Hope anak, maayos ka ba jan?" tanung ng dalaga.

"Mama, mama ko.." sigaw ng bata na biglang umaliwalas ang mukha.

Napatingin ang mga cyborg sa taas at maging ang mga hybrid. Natuon ang tingin nila sa dalaga.

"Mahal na hari ang mortal na babaeng mandirigma ay naririto." usal ni Van.

"Magaling, naririto na pala ang mortal na aking kalaban, ngayon maari na kitang patayin." naka ngising wika ng hari.

"Hindi kita papayagan ama, ako muna ang unahin mo bago sila." matapang na wika ni Onairam.

Nabigla ang mga cyborg at hybrid sa nakita nila naroroon rin sa taas ang kanilang prinsepe at kasama ito ng mga mortal.

"Magaling, kung ganun nabilog na rin pala ang utak mo ng mga tao na iyan kaya pumanig ka sa kanila." usal ng hari.

"Papa ko." sigaw naman ni Hope.

Mas lalong nagulat ang mga hybrid dahil dito maging ang hari ay ganun rin kaya napa atras ito.

"Hindi nila binilog amg aking utak ama, ipinaglalaban ko lang ang kanilang ipinaglalaban rin, at iyon ay kapayapaan, hindi para sa akin kung hindi para sa kinabukasan ng aking anak." saad ng binatang prinsepe.

"Baby oky ka lang?" tanung ni Jane.

Sasagot sana ang bata ng biglang sumigaw ang hari ng malakas.

"Aaahhh isa kang taksil tinalikuran mo ang iyong mga kalahi, mula ngayon wala na akong anak, patayin silang lahat." sigaw nito.

"Ma-mama na-nata-takot po a-ako." umiiyak na wika ng bata.

"Anak huwag kang matakot, anu nga ang sabi ko!" sigaw ng dalaga.

Hindi na sila nagkarinigan dahil sa lakas ng pagsabog, nagpalitan na ang mga ito ng putukan at si Hope ay napa upo na lang habang si Jane ay tumalon upang maka baba.

"Baby ko." naiiyak na sambit ng dalaga at niyakap ang anak.
"Huwag kana matakot ha nandito lang ako, tatahan na ang baby ko." dagdag pa nito.

"Mama huwag na kayo umiyak, ayaw ko kasi na nakikita ka na umiiyak eh, gusto mo kantahan kita!" wika ng nata at pinahid ang luha ng ina."

Ngumiti si Jane, tumango ito bilang sagot at nagsimula na ang bata sa pag-awit.

Well, I'm tired and so weary but I must go along,
Till the Lord comes and calls, calls me away, oh, yes,
And the mornin's so bright and the lamb is the light,
And the night, night is as black as the sea, oh, yes.

There will be peace in the valley for me, some day,
There will be peace in the valley for me, dear Lord, I pray.
There'll be no sadness, no sorrow, no trouble I see,
There will be peace in the valley for me.

The bear will be gentle and the wolf will be tame,
And the lion shall lie down with the lamb, that's what it says,
And the beasts from the wild will be led by a child,
And I will be changed, changed from this creature that I am, oh, yes.

Natigilan ang lahat sa narinig nila at ang iba ay napa pikit sa ganda ng musikang kanilang naririnig.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon