Chapter 7

333 6 2
                                    

Halos lumawit ang dila ni Twinks sa mga pinapagawa ni Jane sa kanya, sobrang hirap ng mga ito.

"Kaya mo pa ba?" tanung ng dalaga.

"Kaya ko pa..." sagot ni Twinks.

Ang dami nilang ginawa, may ibibitin siya patiwarik, push up ng isang daang beses ng walang pahinga, ikulong siya sa hawla at ihulog sa tubig na malalim. Meron rin itali ka sa bungee rope at itulak, paano ang tamang paghawak ng laser gun at cannon pati ang pag kalas at assymbol nito.

"Ang dami ko pa palang bigas na dapat kainin para mapantayan ka Jane, kung hindi pa namatay ang aking pamilya hindi pa ako maglalakas-loob ng ganito, kung sana dati ay natuto na ako sana naipagtanggol ko sila." usal ni Twinks.

"Tama na ang satsat kung gusto mung humusay pa pagbutihin mo ang iyong pagsasanay..." may paninindigan na wika ng dalaga.

Nagsimula na naman si Twinks, may tumbling, talon, takbo at kung anu-anu pa. Pinatulay pa siya ng dalaga sa isang kable na ang ilalim ay puro pako. Pinabuhat rin siya ng isang daang tonelada na mga bakal.

"Ipagpatuloy mo ang iyong pagsasanay at may lalakarin ako..." bilin ni Jane kay Twinks.

"Sige pinuno makakaasa ka..." sagot ng dalaga.

Umalis si Jane guguluhin na naman niya ang mga Cyborgs para hindi mapansin ang ginagawa nila sa ilalim ng lupa.

"Areal 2 you're my next target..." usal ng dalaga.

Naglagay na naman siya ng mga bomba sa paligid, malapit lang ang Areal 2 sa palasyo. Nais niyang makita mismo ng hari ng mga hybrid ang kanyang gagawin.

"Tingnan natin ngayon ang tapang ninyo..." naka ngising usal ng dalaga.

Isang malakas na pagsabog ang gumulat kay Onairam habang nagpapahinga ito. Kaya agad siyang napa balikwas at tinungo ang balkonahe.

"Anung nangyari doon?" usal nito.

Umaapoy ang paligid ng Areal 2 at kitang kita niya ito dahil ilang kilometro lang ang layo nito mula sa kanyng kina roroonan.

"Ang babaeng mandirigma..." usal ni Onairam.

Dali-dali siyang lumabas sa kanyang silid upang pumunta sana doon pero nasalubong nito ang kanyang ama.

"Saan ka pupunta prinsepe?" tanung ng amang hari.

"Doon sa Areal 2 ama.." sagot niya.

"Dito ka nalang at ako na ang pupunta doon. Ayaw kung pati ikaw ay mapahamak..." sagot ng ama nito.

Walang magawa ang binata kung hindi ng lumunod. Bumalik nalamg ito sa kanyang dilid upang doon mag masid.

"Kulang pa hindi pa ako tapos sa paniningil sa inyo..." usal ng dalaga.

Bago umalis ay pinasabog ulit niya ang panghuling bomba na nilagay nito malapit sa isang parke.

"Wala si ama kaya pwede akung umalis ngayon..." bulong ng binata.

Tumayo ito sa kinahihigaan at agad na inayos ang kanyang sarili. Nais muli niyang makita ang mortal na iyon.

"Sana naroroon ka sa lugar kung saan una kitang nakita..." sambit nito.

Narating ng binata ang lugar at nakita niya ang dalaga na naliligo doon. Masaya siyang pinagmasdan ito.

"Hmmm babalik na ako baka magtaka sila kung bakit natagalan ako..." wika ng dalaga.

Umahon na ito tinungo ang kanyang mga saplot, pagkatapos ay nagbihis. Sa hindi kalayuan titig na titig ang binata at pinag-aralan ang bawat kurba ng katawan ng mortal.

"Susundan kita para malaman ko kung saan ang inyong kuta..." bulong ng binata.

Pagkatapos magbihis ay agad na naglakad si Jane. Lihim na sumunod naman si Onairam sa kanya.

"PArang may sumusunod sa akin..." usal ng dalaga.

Lumingon ito pero wala siyang nakita. Kaya nagpatuloy ito sa paglakad. Naka kubli naman agad ang prinsepe ng mga sandaling iyon.

"Muntik na ako doon ah..." bulong nito.

Habang naglalakad ay may nadaanan naman na puting rosas ang dalaga. Handa na itong mamukadkad at ang puno nito ay nasa pagitan ng mga nawasak na pader.

"Ang ganda mo naman..." usal niya.

Inamoy ng dalaga ang bulaklak at nagpasya siya na tanggalin ang mga sagabal na pader, hanggang sa lumabas ang lahat ng mga tangkay nito.

"Hayan, mabubuhay kana at tutubo ng maayos, mamulaklak ka ng marami ha para sasusunod pwede na akung pumitas, isa lang kasi siya kaya hindj pa pwede..." usal ng dalaga.

Ngumiti ito at inamoy ang bulaklak bago umalis doon. Inamoy rin ng prinsepe ang bulaklak pero napa bahing siya.

"Anung klaseng amoy ito, ang baho pero bakit nagustohan niya..." usal ng binata.

Narinig ni Jane ang bahing na iyon kaya nagpalinga-linga siya. Naalarma siya kaya nagtago muna ito. Lumipas ang ilang minuto pero walang nangyari kaya lumabas siya.

"Guni-guni ko lang yata iyon, paano magkakaroon ng tao dito eh ako lang ang nakakaalam ng lugar." sambit niya at naglakad.

Sa kalayuan naroroon si Onairam na nagpalinga-linga, nawala kasi ang dalaga sa kanyang paningin hanggang sa nahahagip ito ng kanyang mga mata.

"Jan ka lang pala." usal nito at naglakad rin.

Narating ni Jane ang kampo nila at namangha naman ang prinsepe sa nakita niya. Ang daming tao sa lugar na iyon at may mga maliliit pa. Nakita niyang sinalubong ang dalaga ng mga ito.

"Anung ginagawa nila?" usal ng binata.

Hindi kasi niya alam ang tawag sa ginawa ng mga ito. Masaya ang mga kasama ni Jane dahil sa kanyang ginawa.

"Ang galing mo talaga pinuno sinira mo na naman ang isang lugar nila." usal ng isng mandirigma.

"Malapit nang matapos ang hinuhukay na tunnel pinuno kaya kailangan mo itong makita..." wika ng isa pa.

"Magpapahinga lang ako at pagkatapos ay pupuntahAn ko kayo..." tugon ng dalaga.

Nakita ni Onairam na pumasok ang dalaga sa isang silid kaya nagpasya na siyang umalis doon bago pa may makakita sa kanya.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon