Chapter 8

334 5 1
                                    

Gustuhin man ni Onairam na sumunod pa ay alam na niyang di na uubra pa.

"Ano ba ang ginagawa nila bakit parang kilala siya ng mga mortal?," anas ni Onairam.

Samantala sa areal 2 nag ngitngit na

naman sa galit si haring Avar, maging si Gourg ay takot na mapag-initan kaya medyo lumayo siya sa haring Avar.

"Ano ang ginagawa ng mga cyborgs at lagi silang nalulusutan ng mortal na

mandirigma?." wika ni haring Avar.

"Haring Avar lubhang napakaliksi ng

mandirigmang mortal!." wika ni Gourg.

"Wala ka na bang ibang masasabi kundi hangaan ang mortal na mandirigma!." galit na wika ni

Haring Avar.

"Kaya ko nasasabi yun mahal na haring Avar dahil kahit ang ating pinakamahuhusay na mandirigma ay hindi umubra sa motal na yun at ang husay niya sa pakikipaglaban ay di kayang tapatan ng mga cyborgs natin!." sambit ng tagapayo na si Van.

"Kung ganun ano ang nararapat nating gawin.upang mapasa kamay natin ang mortal na yun Gourg?." tanong ng haring Avar.

"May isa akong naisip na paraan?, kung nalulusutan niya ang ating mga hybrids at cyborg na taga bantay, bakit di tayo humuli ng mortal at

gawing espiya sa kanilang mga kasama, upang siya ang magbigay ng impormasyon sa atin?." suhestyon ni Gourg.

"Bwa ha ha ha ha!, mukhang ngayun lang ako nasiyahan sa payo mo Gourg." turan ni Avar

"At sa sandaling mahuli na natin ang mortal na yun, ang ating espiya ay kailangan din patayin upang di na dumami ang lahi ng mga mortal....."

uli ni Gourg.

"Kung ganun ipakalat mo sa mga kalahi nating Hybrids at cyborgs na kailangang makahuli ng nilalang na mortal upang magamit natin sa ating ninanais!?." sambit ng haring Avar.

"At ang espiya na gagamitin natin ay papangakuan ng malaking halaga hanggang maubos ang lahi ng mga mortal.!." dagdag pa nito.

Samantala si Onairam naman ay hindi maintindihan ang nararamdaman sa nilalang na si Jane. Nananaig ang magkahalong paghanga at pagkasabik na makaharap ang mandirigmang mortal.

"Anong kakayahan pa ang kaya mo pang gawin mortal!." wika ni Onairam sa sarili niya.

Samantala si Twinks an ay patuloy sa ginagawang pagsasanay ma itinoka ni Jane sa kanya.

"Grabe pala kung magbigay ng pagsasanay ang pinunong Jane, kaya pala parang balewala ang hirap na pinagdaanan niya......" untag ni

Twinks na may paghanga.

Muling sumalakay ang mga tao sa isang area para patuloy na makapaghukay ang unang groupo. Si Jane ang namuno sa kanila at kasama na niya ang unang sinanay na si Twinks.

"Ipakita mo ngayon ang lahat ng natutunan mo Twinks..." utos ng dalaga.

"Masusunod pinuno...." tugon ng babae.

Dahan-dahang lumapit sa gate si Twinks, ininom muna niya ang invissible capsule at tsaka kumatok. Bumukas ang gate at nag palinga-linga ang cyborg, malaya naman nakapasok si Twinks.

"Okay na ang lahat at sa signal ko sasalakay tayo..." wika ni Jane na nasa labas.

Naka pwesto na ang lahat sa kani-kanilang pwesto at nagbigay ng hudyat ang dalaga. Sumugod ang lahat, naki paglaban sila at kinuha ang mga mapapakinabangan na bagay.

"Lumabas na ang lahat....." sigaw ng dalaga.

Agad tumalima ang mga ito dala-dala ang kanilang mga nakuha. Nauna na si Twinks sa lugar kung saan sila magkikiya.

"Pinuno oky na ang mga binilin ninyo..." wikang babae.

Inabot ng babae ang isang button na kasing laki ng ballpen. Kinuha naman ito ni Jane na naka ngisi.

"Naka labas na ba ang lahat?" tanung ng dalaga.

Nagpalinga-linga ang bawat isa at nagbilangan sila upang malaman kung kumpleto.

"Pinuno wala si Juno..." usal ng isa.

Bahagyang nalungkot ang dalaga pero wala silang magagawa kailanga na nilang gawin ito. Isang malakas na pagsabog ang naganap sa area na iyon. Bumalik ang lahat pero nag-iba ng daan ang dalaga.

"Sana nasa mabuti ka ng kalagayan ngayon mang Juno..." pabulong na usal ng dalaga.

Pumunta na naman si Onairam sa lugar kung saan lagi niyang nakikita ang babaeng mandirigma.

'Bakit ba ako ng kakaganito? Bakit nais ko masilayan siya palagi...' sa isip ng prinsepeng hybrid.

Naunang nakarating ang binata doon, hindi niya napansin ang pagdating ng dalaga. Nakita ni Jane na may tao na naka tayo sa tabi ng sapa kaya dahan-dahan siyang lumapit dito.

'Sino kaya ito? isa kaya siyang tAo na naka ligtas?' sa isip ng dalaga.

Agad itong sinunggaban ng babae. Nagulat naman si Onairam ng biglang may sumunggab sa kanya at natumba ito.

"Sino ka at anung ginagawa mo dito..." wika ni Jane.

Agad niyang inalis ang hood ng estranghero at nabigla siya sa nakita. Si Onairam dala ng pagkagulat ay nag iba ang kulay ng kanyang mata naging lime ito.

Halos manlaki rin ang mata niya ng makita kung sino ang sumunggab sa kanya.

'Ang babaeng mandirigma...' sigaw ng kanyang utak.

Biglang may kumabog sa kanya at hindi nito mawari kung anu ang nararamdaman.

Nasaksihan ng dalaga ang pagpalit ng kulay sa mata ng binata. Mula sa pagiging lime ay naging kulay berde ito.

'Anung klaseng nilalang siya, para siyang tao pero may mga kakaiba sa kanya, ang gintong buhok niya ang kulay ng mata niya.' sa utak ng dalaga.

Nagkatitigan sila at nagsukatan ng tinggin sa isa't isa. Walang gusto magpatalo.

"Isa ka bang hybrid?" tanung ng dalaga sa estranghero.

Para namang napipi ang binata at hindi naka sagot. Lalo na ng makita niya sa malapitan ang malamlam na mata ng babaeng mandirigma.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon