Chapter 1

1K 13 1
                                    

Every decades humans discovered so many thing not just here in the Earth but also in the universe. Some of them discovered technology and develop into a useful way but some use it just for thier own good.

One tragedy come, were a group of scientist discover a machine that can create a black hole who can connect earth into different planets.

"Isara ninyo ang lagusan...." sigaw ng isang babaeng scientist.

"Paano isasara ito?" sigaw ng isa.

"Pindutin ninyo ang emergency button dali..." sigaw ulit nito.

Pinindot ng lalaki pero hindi ito gumana. Patuloy ang paglabas ng error sa screen nito. Maya-maya pa ay may mga kaaibang nilalang na lumabas doon. Hindi rin naka galaw ang mga scientist dahil sa iba-iba ang magnetic wave ng kanilang lugar.

May mga naka lutang, may naka dapa sa sahig, may mga naka baligtad and worse may ibang mga namatay na na dahil hindi kinaya ng mga katawan nila.

Nagalit ang mga nilalang na ito dahil may isang kasamahan sila na namatay. Tinamaan ito ng laser kaya isa-isa nilang pinatay ang mga naroon. And humanity was destroyed, kalamidad, gutom, sakit, gyera hanggang sa unti-unting naubos ang lahi ng mga tao. Ang mga namamatay na tao ay kinukuha ng mga aliens at pinag-eexperimentuhan. Gamit ang ginawa nilang translation device nagawa nilang magsalita ng lengguahe ng mundo.

"Gagawa tayo ng makabagong mundo kung saan tayo ang mamumuno, lahat ng tao ay papatayin natin, ang kanilang genes ay pag-aaralan natin at ihahalo kasama ng ating genes at ito ang tatawaging hybrids. Ang ibang katawan ng tao ay lalagyan natin ng makina sa loob upang muling mabuhay para may magsilbi sa atin...." utos ng pinuno nila.

-----------------------------

Year 5014, Time 12:59 pm

"Hulihin ang tao na iyon...." sigaw ng isang taga bantay na cyboard.

Ang mga cyboard ay ginawa upang magtrabaho para sa mga hybrids. May kanya-kanya rin itong antas sa pamumuhay. May manggagawa, taga bantay, taga gawa ng mga buildings, taga luto, alipin at iba pa. May mga cyboard rin na talagang pinrogram para hanapin ang mga natitira pang tao.

"Dali habol...." sigaw ni Jane ng kay bilis na takbo.

Gamit niya ng isa sa mga makabagong sapatos kung saan kaya nitong lumipad at tumalon ng mataas mula isang building papuntang kabila.

"Huwag kayong tumigil hangga't hindi nahuhuli ang taong lapastangan na iyo...." utos ng pinaka pinuno ng cyboard na taga bantay.

"Yes commander......" sagot ng lahat.

Pero hindi nila agad-agad mahuhuli ang mga tao dahil sa may kakaibang instinct ang mga ito na wala sila. Kaya ng tao sabayan ang mga mga cyboard, doon sila humahalo upang hindi agad sila makita.

"Kamahalan handa na po ang inyong pagkain para sa tanghalian..." wika ng taga luto na cyboard.

"Sige salamat at makakaalis kana..." sagot ni Onairam.

Siya ang nag-iisang anak ng pinuno ng mga aliens. Ginawa siya sa pinaghalong dugo at genes ng isang tao at dugo at genes ng isang alien.

Matipuno ang pangangatwan niya, malasutla ang balat at kumikinang ito pag nasisikatan ng araw. Matangos ang ilong at ang pula ng labi na parang doon lang ang may dugo. Malamlam ang asul niyang mata.

"Bakit hindi kapa kumakain anak?" tanung ng kanyang ama.

"Mamaya na ama, busog pa ako kayo nalang po ang kumain.." saad ng binata.

Maya-maya ay may lumapit na isang alien sa ama nito at may ibinulong. Nakita niya ang gigil sa mukha ng ama at agad itong tumayo.

"Bakit ama?" tanung ni Onairam.

"May problema lang anak, kahit kailan sakit talaga sa ulo ang tao na iyon..." baritong wika ng kanyang ama.

"Sino ba iyon ama?" tanung ulit niya.

"Ang babaeng mortal sinira na naman daw ang isang lugar sa hilaga, kaya nawalan ng connection sa ibang cyboard doon, dito ka muna at ako'y aalis papunta doon..." sagot ng kanyang ama.

Tumango na lamang ang binata at tumayo na rin ito upang magtungo sa kanyang silid. Naupo siya sa kanyang mesa at agad na ginalaw ang transparent na screen.

Pagbukas niya agad nitong nakita ang laki ng pinsala sa lugar. Wasak ang communication machine na naroroon. At patuloy nilang tinutugis ang salarin.

"Sino ka ba at bakit ang ilap mo at hindi ka mahuli-hili ng mga cyboard.." usal ni Onairam.

Dala ng curiosity ay naghalungkat ang binata kung sino ba ang salarin na laging nagbibigay ng sakit sa ulo ng kanyang ama. Napunta siya sa isang private site ng kanilang mga taga tugis.

"Ito, dito lahat ng mga wanted na tao pati ang mga natitira pang buhay..." bulong niya at tinap ang enter tsaka nilagay ang code.

Isa-isa niya itong tiningnan, nalaman niya na iilan nalang pala ang mga tao sa mundo. Hanggang sa nakarating siya sa pinaka hulihan.

"Ang ganda niya, sino kaya ito?" pabulong na tanung ng binata.

Tinap ulit niya iyon at lumabas na ang infomation about sa babae. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon