Chapter 32

328 4 2
                                    

Dahil sa mga salitang iyon ay pumagitna na si Maria sa kanila upang magsipag tahimik na ang mga ito.

"Mga kasama maari bang maghinay-hinay muna tayo, huwag ninyong husgahan ang isang tulad niya dahil hindi lahat ng kausri niya ay masama, kung pwede bigyan muna ninyo siya ng pagkakataon." wika ni Maria.

"Hindi porke hybrid si Onairam ay masama na siya, ako na mismo ang magbibitiw ng salita hindi siya katulad ng inyong iniisip, iba siya." saad rin ni Jane.

Tumahimik ang lahat at walang nagsalita kaya nginitian ni Jane ang binata bilang hudyat.

"Alam kong wala kayong tiwala sa isang katulad ko pero sana sa pagkakataong ito ibigay ninyo sa akin ang inyong tiwala nais kong makatulong at nais kong matapos na rin ang kaguluhan na ito, kami ang nagsimula kaya ako ang tatapos." saad ng binata.

Nanatiling tahimik ang lahat, napa ngiti naman ang dalaga na kinuha ang dala ni Onairam.

"Alam kong kayo ay natatakot na mamatay ng walang kahihinatnan ang lahat pero ngayon mga kasama makakalaban na tayo, ito ang box na ito ang ating magiging huling pag-asa." wika ng babae sabay pakita ng box.
"Alam kong makakatulong sa atin ng malaki ang laman nito, kaya mahal, ikaw na ang mag pasabog." dagdag ng dalaga na kay lapad ng ngiti.

Nang marinig ng mga ito ang salitang pasabog ay tila tinakasan sila ng dugo sa katawan, marami ang namutla.

"Huwag kayo mag-alala hindi kayo mamamatay." saad ni Jane.

Inihagis ni Onairam ang box at biglang lumitaw ang isang malaki pang kahon na kasing laki ng isang silid.

"Ang laman ng silid na iyan ang tutulong sa inyo, dito lang kayo at kukuhanin ko ang tig isang laman ng bawat items." turan ng binata.

Pumasok ang lalaki at naiwan ang iba na namamangha sa mga nakita. Pagbalik ay may bitbit na ito na kung ano.

"Ito ang una, isang capsula kung saan maari ninyong gayahin ang isang tao o kung anu man na nais ninyong maging kamukha, ang epecto nito ay apat na oras." saad ng binata.

Kinuha niya ang isa at nilunok sabay isip kung sino ang gagayahin at sa isang iglap lang ay kamukha na niya si Jane.

"Huwag kayo mag-alala ako parin ito, ang susunod ay ang vest, may sheild ito kung saan kaya niya protectahan ang mga tao sa loob ng sampung metro-quadrado, kaya rin nitong sanggain ang mga bomba at bala." turan ng binata.

Mas lalong namangha ang lahat, naglakad ang binata at hinawakan ang tapat ng dibdib ng vest.

"Mahal ko pasample nga, kunin mo ang iyong laser gun at iputok sa akin." utos ng binata.

Nagdadalawang isip man ay sinunod ito ng dalaga, pinaputokan niya ito hanggang sa naubos ang laman. Nagulat ang lahat ng makita na nakatayo parin ang binata at kahit galos ay wala.

"Pa-paano na-nangyari iyan?" nauutal na wika ng isa.

Lahat sila ay namangha ng sobra, ngayon lang sila naka saksi ng ganung pangyayari.

"Ngayon na nakita na ninyo ito nais ko ng ipagkaloob ito sa bawat pinuno ng groupo, hahatiin natin sa apat ang lahat dalawa ang back up at dalawa ang susugot, sa harap ang isa atsa likod ang isa." paliwanag ng binata.

Napangiti naman si Jane dahil ang mga kasama niya at humanga sa angking talino ng lalaki.

"Ngayon na alam na ninyo na bukal sa loob niya ang kanyang gagawin anu ang masasabi ninyo?" tanung ng dalaga.

"Malaking tulong ang mga kagamitan na ito sa ating gagawin pero kahit hinusgahan ninyo siya ay hindi parin ito nagdalawang isip." wika ni Maria.

"Hindi ba ang misyon ng ating samahan ay "Kapayapaan para sa lahat" bakit ninyo siya hinusgahan kong ang nais ninyo ay nais rin niya." saad naman ni Tomas.

Natameme ang mga ito at napayuko ang ilan sa hiya lalo na ang mga humusga agad.

"Patawad.." wika ng iilan.

Napangiti ang binata sa narinig alam niyang nadala lang ang mga ito dahil sa kalupitan na ginawa ng kanyang ama at ibang kalahi.

"Sa bawat isang vest ay limang tao kaya sa bawat groupo ay dapat may sampung vest at ang matitira iiwan natin dito upang kung saka-sakali ay may mag poprotecta sa mga natira." saad ng binata.

Sinunod rin ito ng mga naroroon at nagsipaghanda na sila sa araw ng kanilang pagsalakay.

"Mahal ko handa kana ba?" tanung ni Jane sa binata.

"Oo mahal para sa ikapapayapa ng lahat." sagot nito.

Pero sa loob-loob niya naroroon ang kaba dahil mismong ama niya ang kanyang makakalaban.

"Kung nagdadalawang isip ka mahal maari kang magpaiwan dito." turan ni Jane.

Alam kasi ng dalaga na kinakabahan ito, lalo pa at ang magiging kalaban ay ang mga kalahi nito.

"Sasama ako mahal ang laban mo ay laban ko tin para sa hinaharap ng ating anak." sagot ng binata.

Napa hangga ang babae sa kanyang tinuran at hawak kamay silang lumabas, hinanap muna ni Jane ang anak upang suotan ng vest.

"Baby dito ka lang ha aalis muna si papa at mama, isuot mo ito ha at huwag mong tatanggalin hanga't hindi kami bumabalik." biling ng dalaga sa anak sabay suot sa vest at inactive ito.

"Bakit mama saan kayo pupunta ni papa, sama ako." turan ni Hope.

"May pupuntahan lang kami ni papa na importante anak pero babalik kami agad." sagot ni Jane.

"Baby behave ka dito ha pag balik ni papa mamamasyal tayo kasama si mama tapos si lolo at lola." wika naman ni Onairam.

"Talaga papa, pwede ko bang isama ang mga friends ko?" excited na turan ng bata.

"Oo naman baby basta behave ka ha." si Jane ang sumagot.

Niyakap nilang dalawa ang anak, yakap na parang ito na ang huli. Tumulo ang luha ng dalaga dahil bata pa ang kanyang anak kong sakaling maulila nila ito.

"Oh baby play kana doon at aalis na kami." utos ng dalaga.

Pag-alis ng bata at tuloyang nahulog ang butil ng luha ni Jane, pinunasan naman ito ni Onairam gamit ang daliri ng kamay.

"Natatakot ako mahal ko." usal ng dalaga.

"Huwag ka matakot mahal ko naririto ako at pinapangako ko poprotektahan kita anu man ang mangyari." sagot ng binata.

Tumayo na sila at tinungo ang mga kasama na naghihintay sa kanila. Umalis na ang lahat ng mga mandirigma patungo sa palasyo na sasalakayin, naghanda ang lahat ng makarating doon.

"Sa hudyat ko sumugod kayo." wika ni Maria, sila ang unang papasok.

"Mag-iingat ka ina." bilin ni Jane.

"Oo anak, ikaw rin." sagot ng ginang at humalik sa noo ng anak.

Pumasok na ito sa loob, kasama ang iba pang mandirigma, back up lang kasi sila. Nagsimula na ang mga pagsabog sa loob. Samantalang malayang naka sunod si Hope sa kanila nakita kasi niya na umiyak ang kanyang ina.

"Wow ang ganda naman,ang laki ng bahay." inosenteng wika ng bata.

Naglakad ito papasok ng gate na walang nakakapansin sa kanya.Nakarating siya sa loob ng may nagputukan kaya napa iyak ang bata sa takot.

"Mamaaaa kkoooooo,,, papaaaaa kooooo." wika ng bata.

Takot na takot ito lalo na ng may nakita siyang mga tao sa hindi kalayuan at hiwa-hiwalay na ang katawan na kumikislap-kislap pa na parang kidlat.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon