Chapter 26

267 4 0
                                    

Kahit duguan ay pilit na pinaglalabanan ang hirap na inabot sa kamay ni Gourge upang makatakas lamang ngunit sa kasawiang palad ubos na ang kanyang lakas.

Nang mga Sandaling iyong nag-iisip ng paraan si Onairam kung papano maitatakas ang dalaga,palibhasa anak ng hari kaya maaari siyang maka labas pasok sa karsel ng dalaga.

''Ano mandirigma ramdam ba ang sakit na pinalasap ko?" pang iinsulto ni Gourge.

''Sa sandaling makatakas ako rito?, ipapalasap ko sayo ang pinakamalupit na kamatayan hayup kang hybrids ka?" galit na wika ni Jane.

''Yun ay kung makakatakas ka pa?, kung ako lang ang masusunod kanina pa kita pinatay?" sagot ni Gourge.

Nagbigay ng utos si Gourge na pabantayan ang mandirigma, walang sino man ang magka pakain o kahit magbigay ng inuman.

Yun lamang at lumisan na si Gourge, tama lang ang dating ni Onairam saktong nakaalis na si Gourge ng bumisita si Onairam.

''Mahal na prinsepe ipinagbabawal na bisitahin ang mandirigmang babae?" wika ng taga bantay.

Isang sampal ang dumapo sa taga bantay

PAK!

''Sino ang nagsabi ang mahal kong ama ba?" galit na wika ni Onairam.

Naulinigan ni Jane ang boses at pamilyar sa kanya yun ngunit iginugupo na siya ng hirap.

''Si ministro Gourge po mahal na prinsipe ang nagbigay ng Utos?"

''Kung ganun hindi ang ama kong hari?" galit na wika ni Onairam.

''Ganun nga po mahal na prinsipe!"

''Kung ganun buksan mo ang pinto ng karsel?" Utos ni Onairam.

Nanghilakbot siya sa nakitang kalagayan ng dalaga, agad na ipinag Utos ng prinsepe na Alisan ng tanikala ang dalaga,ngunit nag aalanganin ang tagabantay na sumunod.

''Susunod ka ba o pupugutan kita ng ulo sa harapan ni Gourge?" Paninindak ng prinsepe.

Dahil higit na Makapangyarihan ang prinsepe kaya napasunod ang tagabantay at takot na mapugutan.

''Opo mahal na prinsipe?"

Inutos ni Onairam na iparating sa mahal na hari ang Inabot na parusa sa mandirigmang babae, na agad din sinunod ng taga bantay.

''Jane., Jane!, lakasan mo loob mo?

''Onairam kung mauulit ang Inabot ko ngayun di na kita makikita pang muli?" gulapay na wika ni Jane.

''Pilitin mong makaupo at ng mainom mo ito at mga gamit na nasa capsule na kakailanganin mo sa pagtakas?, umiinom ka nito upang makabalik ang lakas mo?, pero wag kang pahahalata na okey ka na palabasin mong mahina ka pa dahil di kita maitatakas ng harapan maaaring ako ang mapugutan ng ulo, pero ang susi at mga gamot mo ay diyan ng lahat ang vest at laser gun at iba pag panlaban ay nandiyan!" wika ng prinsepe.

Nakabalik agad ang lakas ni Jane at ibinalik naman ni Onairam ang tanikala upang di maka halata ang tagabantay at kung sino man hybrids ang darating.

Sakto naman na Naka labas at naipodlock na ni Onairam ang karsel ng dumating ang kanyang amang si Avar.

"Bakit mo ako pinapunta rito mahal kong anak?'' Tanong ng haring Avar.

''Ama labag sa kautusan nating mga hybrids ang magparusa ng bilanggong babae at yan ay ipinag-uutos ng mataas na kapulungan ng kaharian lalu't sa bilang babae?" sambit ng binatang prinsepe.

''Ngunit siya ay kilabot na mandirigma ng ating kahariang hybrids?" wika ng haring Avar.

''Kung ganun Ipapatay na ninyo siya upang wala ng sagabal sa ating pananakop?" Kunwaring galit na wika ni Onairam.

''Ha ha ha ha!, magaling anak bukas din ilalatag ang kanyang kamatayan?, para walang masabi nang aking nasasakupan ipinatawag ko ang doktor upang Alamin kung ano ang dapat na kamatayan ang pwedeng igawad sa kanya?" sagot ng haring Avar.

Lihim na nagbubunyi ang prinsepe at umaayon sa kanyang plano ang gagawin ng amang hari.

Matapos maeksamin ng kanilang doktor ay lumapit at may ibinulong sa hari, maging ang hari ay natigalgal sa nalaman agad na ipinag Utos ng hari na isara ang karsel at walang sinuman ang maaaring maka pasok maliban sa kanya.

Dahil sa kagustuhan malaman nagkunwari muli ang prinsepe.

''Amang hari wag na ninyo patagalin ang pagpatay sa mandirigmang iyun?" kunwaring suhestyon ni Onairam.

''Labag sa ating kautusan ang pumatay ng nilalang na may ipinagbubuntis?" Diretsong wika ng haring Avar.

. Natigilan si Onairam ng malamang buntis ang kanyang mahal na si Jane, mas lalung di siya makakapayag na mapahamak ang dalaga, dahil sa may mga gamit na sa katawan ang dalaga mas kailangan mapadali ang kanyang pagtakas.

''Walang nakakaalam na buntis ang mandirigmang babae kaya pwede ng ituloy ang pagpatay sa kanya?, kailangan lang na kausapin ang manggamot upang kahit bukas ay mamatay na siya?" Muli ni Onairam.

Ang di alam ng hari ngayun gabi ay isasagawa ng dalaga ang pagtakas dahil sa ibinigay ng krokis ng lugar ay matutukoy ni Jane ang mga daan palabas mula sa karsel ng palasyo.

''Ano ang maaaring kamatayan ang maaaring igawad sa kanya?" tanong ng Haring Avar.

''De pasabugin ang kanyang ulo upang ang bawat makikita ay magkaruon ng takot at iyun ay dahil sa pagpapatipad ng ating kautusan?" sambit ng binata.

. Walang kaalam-alam ang hari sa magaganap na pag takas ng dalaga dahil ang lahat ay planado na ni Onairam, dagdag pa na ipinag-utos ng hari na walang papapasukin kaya't malayang makakagalaw si Jane sa kanilang plano ni Onairam, dahil sapat na ang gamit na nasa katawan ni Jane kaya't kailangan nalang niyang mag pahinga ng konti dahil sa tinamong sugat.

May pagbabanta sa iniisip ng dalagang mandirigma.

''Nalalapit na ang masakit mong kamatayan Gourge?, at sinisiguro ko sayo ako ang papaslang sayo sa harapan ng ilang hybrids na mahuhuli namin upang iparating sa hari ang aming mga kalupitan?" Mga salitang tumatakbo sa isipan ni Jane.

''Pero mahal na hari ayun sa ating mga kautusan di maaari ang gusto ninyo na vkitlan ng buhay ang babaing buntyis ?, maging ito ay mga mortal?" sagot ng manggamot ng kaharian.

''Ganun din naman di ba?, makahuli tayo papatayin din natin?, kaya paglagay ko nararapat din na Paubos na ang lahi ng mortal?" galit na wika ng hari.

''Kayo po ang bahala mahal na haring Avar!" sang-ayon ng manggagamot.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon