Chapter 10

317 7 1
                                    

Paglapag ni Jane ng mga rosas ay nagpasya na siyang lumabas upang harapin ang dalawang nagpriprisintang magpaturo

sa kanya,sila Joe at Rain.

"Ano ang nakain ninyong dalawa at ngayun lang kayo nakaisip magpaturo?." wika ni Jane.

Naka pamewang ito na humarap sa kanila.Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki bago nagsalita.

"Pinunong jane matagal na namin gustong sumabak sa pagsasanay?, pero ang nasirang pinunong si ka Simeon ay matanda na!." Wika ni Rain.

Napataas naman ng kilay ang dalaga at bumaling ito ng tingin kay Joe.

"Nang panahon na lumalapit kami kay ka juno, sinasabi naman niya di pa panahon dahil daw sa kasagsagan ng labanan kaya walang panahon para kami ay maturuan!." wika ni Joe.

Napayuko ang dalawa habang hinihintay ang sagot ng dalaga na siyang pinuno nila.

"Sa ngayun hindi ko kayo matuturuan gaya ng nakatutok ako sa inyo o babantayan ko kayo!, dahil tulad ni ka juno, walang panahon ang katulad kong mamumuno na...." usal ng dalaga.

Natahimik ito saglit kaya bumagsak ang balikat ng dalawa sa mga marinig.

"Pero kung nanaisin ninyo bibigyan ko kayo ng mga pagsasanay at

pangangasiwaan kayo ni Twinks, wag ninyong dadayain ang mga ibibigay kong pagsasanay dahil para rin ito sa inyo maliwanag ba?." wika ni Jane.

Napa anggat ng ulo ang dalawa at nagkatingginan sabay ng pag ngiti nila.

"Opo Pinuno at umasa kayo sino man ang mangasiwa sa amin!, sinisiguro namin ang maaayos na pagsasanay!." wikang sabay nila Rain at Joe.

"Mabuti kung ganun...." wika ng dalaga.

Samantala si Onairam naman ay patuloy parin sa pagkawag kawag habang nakasabit na patiwarik.

Pero maging siya ay nasisiyahan habang na iisip niya na nakapatong si Jane sa kanyang ibabaw.

"Kailan kaya mauulit iyon..." bulong niya sa sarili.

Nagbigay na nga ng unang pagsusulit si Jane sa dalawa at si Twinks sa totoka sa dalawa para sa pagsasanay.

Si jane naman ay sumaglit sa lugar kung saan naman niya itiniwarik si Onairam.

"Onairam!, buhay ka paba?." wika ni Jane.

"Ganyan ka ba sa iyong mga nabibihag?." wika ni Onairam.

Naka bitin parin ang binata dahil hindi niya maalis ang cable na ginamit ng dalaga.

"Bakit kayo ba may binubuhay sa mga nabibihag ninyong mortal?." wika ni Jane.

Bakas ang galit sa tinig niya dahil naalala na naman ng dalaga ang mga pangyayari na iyon.

"Maaaring hybrid ako, pero ang palakad ng aking amang hari ay wala akong alam!." sambit ni Onairam kay Jane.

"Ha ha ha ha...sa tingin mo ba mapapaniwala mo ako gunghang!." sigaw ni Jane.

"Pwede ba kung ako man ay ibibilang mo sa iyung kikitlan ng buhay, ibaba mo muna ako at pagpaliwanagin?." saad ni Onairam.

Napatingin ang dalaga sa kanya at tinantiya kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"Okey tutal naman humihiling ka ng huling salita mo sige pagbibigyan kita.." saad ng babae.

Ibinaba ni Jane si Onairam upang masimulan na ang makapagpaliwanag.

"Hayan magpaliwanag kana, bago kita patayin?." turan ni Jane.

"Bago tayo mag-usap tanggalin mo muna ang aking vest..." sambit ni Onairam.

Napatitig ang dalaga at nagsalubong ang kilay. Hindi niya kasi alam kung anu ang tumatakbo sa utak ng lalaki.

"bakit mo inuutos sa akin yan?, di ba kaya nga di kita mapatay dahil suot mo yan?." wika ni Jane.

"Maari mong magamit ang vest na ito upang ma protectahan ang iyong sarili, nais ko rin na iwan ito sa iyo bago ako mawala dahil papatayin mo ako hindi ba..." usal ng binata.

"Tanggalin mo ang tali ko at ako ang tatanggal ng aking vest." dagdag pa niya.

Tinanggal ng dalaga ang talo at si Onairam mismo ang nagtanggal ng kanyang vest.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon