Chapter 31

300 6 0
                                    

Nagpatuloy si Jane sa paglalakad hanggang sa marating niya ang lugar nang talon, namulagat siya ng nakitang may taong nakahiga sa batuhan., Ngunit lalu siyang na bigla ng mapagsino ang nilalang na nanduon.

''Onairam!" Katagang namutawi sa kanyang bibig.

Patakbong lumapit ang dalaga kay Onairam, dahil sa mabigat na yabag ni Jane napabalikwas itong si Onairam sa pagkakahiga, at maging siya ay nagulat ng masulyapan ang dalaga, takbo patungo kay Jane ang ginawa ng hybrid dahil sa tagal di niya na sulyapan ang dalaga animo'y bagong kasal ng maglapat ang kanilang mga katawan.

''Jane!!, malaon Ko nang pinanabikan ang ating muling pagkikita?, di na ako wawalay muli sayo?" sabik na pananalita ni Onairam.

''Onairam mahal ko!, ayoko na rin mawala ka sa amin piling ng anak mo?" paniniguro naman ni Jane.

''Hindi ako maka tagal na di ka muling masilayan aking Jane?"

Magsasalita pa sanang muli si Jane ngunit pinupog na siya ni Onairam ng halik, bagay na matagal ng inaasam ni Jane, at sa pagkakataong iyun ay mas maalab at punong puno ng pagmamahal at laplapan ng kanilang mga labi, nang maalat ni Onairam ang tiyan ni Jane.

''Asan na ang ating anak Jane?, ano siya lalake o babae?" tanong ni Onairam.

''Mas lalu kang matutuwa napakahusay ng anak natin at bibong bibo, ang lahat ng nakakarinig ng kanyang Himig ay parang ayaw na ng kaguluhan?" Paglalahad ni Jane.

''May munting boses akong naririnig mula sa kadawagan ngunit di ko tukoy ang pinagmumulan?, lalu na ng panahon ako'y nalulumbay sa sa aking silid kulungan!" sambit ni Onairam.

Nagulat si Jane sa ikuwento ni Onairam, diyata't ang prinsepe ng mga haybrids ay nakatikim na makulong.

''Bakit?, kaya pala di na kita napag kita sa lugar na ito?"

Ngunit nanaig ang pangungulila ni Onairam sa kanyang anak, kaya't muli niyang inuntag kay Jane ang kanilang anak.

''Halika at ipagsasama kita sa iyong napakagandang anak?, na maski sa inyong kaharian ay di mo matutunghayan?" Nagmamalaki ni Jane kay Onairam.

Mas lalung naghalo ang sabik at pangungulila sa kanilang anak, malayung palang sila ng muling umawit ng imno ang kanilang anak na si Hope.

''Naririnig mo ba ang Himig na yun Jane mahal ko!, yang ang tinig na aking naririnig nang panahong ako'y nakalagi sa aking silid bilang isang bilanggo!, ngunit yun ay isang palipad hangin lamang na aking naririnig?" pagtatapat ni Onairam.

Lihim na nangingiti si Jane, pero maging siya ay nabibighani sa boses ng anak, mas masarap palang pakinggan kung iwinawasiwas ng hingin ang Himig ng imno ng kanyang anak.

Habang papalapit sila nang papalapit ng Pinanggagalingan ng imno lalung gumagaan ang pakiramdam ni Onairam.

''Napakaganda ng Himig para akong hinihila sa pagtulog!, ang kanyang boses ay maladiyosa sa ganda?" halos Lumipad si Onairam sa pagmamadali.

Pinauna na ni Jane si Onairam dahil sa bilis lumakad.

''Mauuna ka na aking Onairam?, sundan mo lang ang Himig at di ka maliligaw sa iyung tutunguhin?" wika ni Jane na may kasiguraduhan.

Binagtas nga ni Onairam ang daan kung saan ay naririnig niya ang imno ng anak, hanggang sa makalagpas siya sa isang tipak ng malaking bato, dahil tapos na rin kumanta ang bata kung kaya't di di na niya alam kung saan bahay niya hahanapin ang pinanggalingan ng boses, hanggang sumapit si Jane sa bumaba ng kanilang kuta, nakita niya si Onairam na nakatulog sa bukana kung kaya't ginising niya.

''Onairam mahal ano't diyan mo pa naisipan matulog?" gising ni Jane.

''Bigla kasing nawala ang Himig ng kumakanta?, kaya't di ko na alam saan bahay ko siya tutunguhin?" sagot ni Onairam.

''Halika at ipakikilala ko siya sayo?" tawag ni Jane kay Onairam.

Tinahak nila ang daan patungo sa dulong landas at sa nag-iisang bahay sa dulong daan.

''Ang akala ko habang papalapit ako sa imno ng boses malapit na ako?, yun pala sadyang may panghalina ang boses na yun?" tipid na tanong ni Onairam.

Di pa sila nakakalapit ng pumaswit si Jane, isang pag tawag sa kanyang unica hija na si Hope, ngunit walang hope ang lumabas ng kubol kung kaya't dumiretso na ang dalawa sa loob at nakitang tulog ang anak na si Hope, nang pumasok si Onairam ganun nalang ang gulat niya ang batang natutulog ay bigla niyang kinarga at hinalikan kung kaya naalimpungatan ang bata.

Dahil bibo si Hope, siya ngayun ang inurirat ng bata.

''Sino ka?, bakit pareho tayo ng buhok at mga mata?, san ka nakatira?, bakit mo kasama ang Masama ko?" walang muwang na tanong ni Hope.

Dahil pinangunahan ng pagkasabik, tumulo ang luha ni Onairam at Panay ang halik sa kanyang anak.

Muli na naman nagtanong si Hope sa kanya.

''Bakit ka iiyak at hahalik sa akin palagi?''nagtatakang tanong ng bata.

Sa awa kay Onairam, si Jane na ang nagsalita sa anak kung sino ang taong kaharap niya.

''Hope anak!, siya ang papa Onairam mo?, di ba sabi ko pagmay matandang lalapit matututo ,kang mag mano?" paalala ni Jane.

Dahil sa narinig na papa niya ang taong may hawak sa kanya kung kaya't muli napakanta ang bata at sa pagkakataon ito ay punong puno ng pag asa ang kanyang inawit, bagay na lalung nagpagulat kay Onairam, dili't iba ang pakiramdam niya dahil ang boses na lagi niyang naririnig ay boses ng kanyang anak.

Naging masaya ang mag-anak at naging welcome ang prinsepe ng mga hybrid sa kuta ng mga motral.

"Paano kung magtaksil sa atin ang prinsepe na iyan?" wika ng isang babae.

Hindi na rin lingid sa binata na may mga tao rin na ayaw sa kanya kaya ganun nalang kung mag pasaring ito.

"Oky lang iyan mahal ko balang araw matatanggap ka rin nila at makikita rin nila na iba ka." wika ni Jane.

Niyakap nalang niya ang dalaga at hinalikan ito sa noo tsaka ngumiti pabalik ng kanilang bahay.

"Papa, mama." sigaw ni Hope at sinalubong sila.

Agad na binuhat ng binata ang anak at hinalikan ito sa pisngi sabay yakap, nakisali na rin si Jane.

"Kailan ninyo balak sumalakay mahal?" tanung ni Onairam.

"Pagkatapos na ng tatlong araw mahal dahil kabilugan iyon ng buwan." tugon ng dalaga.

Kasalukuyan kasi nilang pinapatulog ang anak, nagawin ang tingin ni Onairam sa dalang bag, hindi pa papa niya ito nabubuksan.

"Mahal may dala ako jan na maaring makatulong." wika ng binata.

Tumayo siya at tinungo ang bag tsaka binuksan ito, may mga kahon ito doon kaya sinipat niya isa-isa.

"Mahal halika sa labas may ipapakita ako." yaya ng lalako.

Dahan-dahan silang lumabas para hindi magising ang kanilang anak. Pagkatapos ay pumunta sila sa kanyang ina at ipinatipon ang lahat ng mga mandirigma na kasama sa pagsalakay.

"Ipinatawag ko kayao sa kahilingan na rin ni Onairam." wika ni Maria.

Nagbulong-bulongan ang mga naroroon, hindi kasi nila alam kung bakit pati ang isang tulad niyang hybrid ay naka sali sa kanilang misyon.

"Narito ako upang makatulong sa inyo, alam kong nais na ninyo ng kalayaan kaya sana bigyan ninyo ako ng pagkakataon na ipakitang tapat ang aking hangarin." wika ng binata.

"At anung ang iyong hangarain ang pahirapan kami?" kutya ng isang naroroon.

"At anu iyang hawak mo bomba para maubos na kami." sigaw rin ng isa.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon