Chapter 19

283 5 0
                                    

Tinanggap ng dalaga ang dalang prutas ng babae at nagtungo sila sa isang pampublikong silid at nagbihis ng kasuotan na ibinigay rin sa kanila.

"Anung gagawin natin?" naguguluhang tanung ni Onairam.

"Kailangan nating makapunta sa palasyo dahil tiyak akong naroroon ang kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa ating isipan." saad ng dalaga.

Nang maayos na nila ang kanilang sarili ay naghanap sila ng sasakyan na maaring magdala sa kanila sa palasyo.

"Pwede nating hiramin iyon." turo ng dalaga sa isang simpling speed car.

"Baka may magalit sa atin pag kinuha natin iyon." usal ng lalaki.

"Natatakot ka ba?" tanung ni Jane.

Hindi nalang sumagot ang binata at sinunod nalang niya ang dalaga. Narating nila ang sasakyan at sumakay sila dito tapos ay nagtungo sa palasyo. Ganun parin ang ayos nito ang pinagkaiba lang ay may mga tao nang nakakalabas-pasok doon.

"Magandang araw ho mahal na hari at reyna." bati ng isang tao.
Tinungo nila ang pinakasilid nito at doon naabutan nila ang hari at reyna. Halos lumuwa ang mga mata nila dahil doon.

"Maligayang pagdating sa hinaharap Jane at Onairam." wika ng hari.
Nagkatingginan pa silang dalawa habang ang hari ay kampanteng naka upo sa kanyang trono.

"Matagal na namin kayong hinihintay na dalawa, ito ang kinabukasan kung saan tahimik at nagkakasundo ang lahat sa ilalam ng aking pamumuno.
Alam kung darating kayo ngayong araw na ito kaya nagpahanda ako ng piging hali kayo sa silid kainan." yaya ni Haring Onairam sa kinabukasan.

"Teka, teka ha anu ba ang nangyayari?" tanung ni Jane.

Naguguluhan kasi siya, nakita nito ang sarili na nasa hinaharap at naka upo sa tabi ng binatang hybrid na katabi niya ngayon.

"Ito ang kinabukas na mundo Jane matapos ang pakikipaglaban mo labing limang taon ang nakakalipas ay nagtagumpay kayo. Natigil ang laban dahil sa iisang pangyayari na ikinatahimik ng lahat." sagot ng future Reyna Jane.

"Anung pangyayari?" tanung ng dalaga.

"Ina ko, ina ko tingnan mo..." sigaw ng boses lalaki.

Napatingin ang dalaga sa pinanggalingan nito. Isang bata ang naroroon, matangkad, maputi, kulay ginto ang buhok may maamong mukha at kahit bata pa ay makikita na ang katikasan nito.

"Ina, ina.." naguguluhang wika ng bata.

"Halika dito Pisco, anak.." tawag ng reyna.

Lumapit ang bata pero nanatiling naka titig ang mata sa dalaga na naka tayo sa harap ng reyna.

"Sino siya ina?" tanung ng bata.

"Anak siya ay ako at ako ay siya." sagot ng Reyna Jane.

"Paano nangyari iyon ina? Ibig sabihin dalawa kayo?" wika ng bata.

"Hindi anak, nanggaling siya sa nakaraan at tiningnan niya ang kinabukasan dahil balak niya na baguhin ito." sagot ng babae sa bata.
Si Jane ay nanatiling nakikinig lang sa pinag-uusapan ng dalawa. IBa ang pakiramdam niya habang tinitingnan ang bata, parang may kung anu sa loob niya na hindi nito maipaliwanag.

"So ibig sabihin ina sumakay sila ni ama sa time machine?" tanung ng batang si Pisco.

"Oo anak, pwede bang iwanan mo muna kami at may mahalaga kaming pag-uusapan." saad ng reyna.

Yumukod muna ang bata at umalis na ito. Si Onairam naman ay sumama rin sa Haring si Onairam dahil may pag-uusapan rin sila.

"Sumunod ka sa akin Jane." wika ng babae at naglakad papunta sa balcony.

Nang marating nila ito ay namangha ang dalaga. Napaka unlad ng taon na iyon ang daming mga pananim kahit maraming matatas na gusali malayo ito sa lugar na pinanggalingan nila na arang ghost town.

"Huwag mo ng bagohin ang nakaraan hayaan mong mangyari ang mga dapat mangyari lalo na ang digmaang magaganap. Tsaka ka gumawa ng hakbang pag natapos na itong mangyari. Hayaan mo rin na kumawala ang iyong nararamdaman dahil iyon ang susi upang makamit ninyo ang kinabukasan na ninanais ninyo." usal ng reyna.

"Anu ang ibig mong sabihin?" tanung ng dalaga.

"Alam kung mahal mo na ang binatang kasama mo, aminin mo man o hindi alam ko iyon dahil ako ay ikaw at ikaw ay ako, iisa tayo." sagot ng babae.
Hindi umimik ang dalaga kahit siya ay hindi niya alam ang nararamdaman para sa binatang hybrid na iyon.

"Pero nasa sa iyo ang pagpapasya, binalaan na kita huwag mong baguhin ang pangyayari hangga't hindi pa natatapos ang digmaan." saad ng reyna.

Bumalik na rin ang dalawang Onairam at nakangiti lang any binatang kasama niya. Lumapit ang hari sa reyna at siniil ito ng halik na siyang ikinagulat ng dalawa.

Parehas silang napako sa kinatatayuan, ni hindi gumalaw ang isa sa kanilang dalawa habang nakatinggin sa eksena na iyon. Kapwa naman naka ngiti ang dalawa ng maghiwalay ang mga labi nila.

"Maari na kayong bumalik sa panahon na gusto ninyo." turan ng hari.

"Para sa inyo.." wika ng reyna sabay abot sa isang capsule.

Umalis ang dalawa na tuliro pero si Onairam ay may mga ngiti sa labi. Narating nila ang kinalalagyan ng time machine at may tatlong puno na buhay na sa loob nito kaya pinaliit na ng binata.

Muli ay bumalik sila sa nakaraan kung saan buhay ang ina at ama ng dalaga. Pero ang kaguluhan sa kanyang isipan ay naroroon parin. Naalala niya ang binigay na capsule ng reyna kaya agad niya itong kinuha at inihagis Lumabas ang isang malaking kahon kaya binuksan ito ng dalaga.

"Wow." usal niya.

Tumambad sa kanya ang marami pang capsule na may iba-ibang kulay. Alam niya ang bawat kulay na iyon kaya kinuha niya ang isang itim at inihagis niya muli.

"Ang daming armas." usal ng dalaga.

Ang iba ay mga armas na nakuha nila nung sinalakay nila ang isang area sa panahon na kanilang pinagmulan.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon