Chapter 16

305 3 0
                                    

Napatitig ang hari sa kanyang anak, parang may nag-iba dito pero hindi niya alam kung anu.

"Kamusta kana Onairam?" tanung ng hari.

"Mabutu naman aking ama kayo ho?" balik-tanung ng binata.

"Puro problema dahil sa mandirigmang mortal na iyon." saad ni Avar.

Hindi na umimik ang binata dahil alam niya ang tungkol doon kaya kumain na lamang ito hanggang sa maka tapos.

"Anak napag-isipan mo na ba ang pagpili sa iyong mapapangasawa?" tanung ng kanyang ama.

Napatitig ang binata sa kanyang ama kaya nagsukatan sila ng tinggin hanggang siya ang unang bumawi.

"Hindi pa ho ako handa sa ganyang bagay ama, at isa pa wala pa ho akung napipisil sa kanila." katwiran ng binata.

"Bueno kung hindi kapa handa ay bibigyan muna kita ng panahon upang magliwaliw pero huwag kang lumagpas sa limitasyon mo, nagkakaintindihan ba tayo." usal ng hari.

"Masusunod ho ama at salamat sa inyong pang-unawa." masayang turan ng binata.

Kinabukasan ay umalis si Onairam patungo sa lugar kung saan lagi niyang nakikita ang babae na nag pa-ibig sa kanya.

Sa pananatili nito sa nakaraan ay natutunan niya ang lahat pati ang kakaibang pakiramdam na meron siya para sa dalaga.

"Sana naroroon na siya dahil na nais ko na siyang mayakap." bulong ng binata.

Tinahak na nito ang daan patungo sa lugar na iyon para malaman kung naroroon ang dalaga. Si Jane naman ay nakaramdam ng pagkabagot dahil nagpapalamig muna sila isang araw pagkatapos na ganap ang pagsalakay.

"Maka punta nga muna doon at nang makapag-isa naman ako." bulong ng babae.

Nagtungo na rin siya sa lugar kung saan ay lagi siyang pumupunta. Habang sa daanan ay naisipan niyang magtungo sa lugar kung saan nakita niya ang mg puting rosas.

"Wow!" bulalas ng dalaga.

Namangha kasi siya dahil hindi lang puting rose ang naroroon, meron na ring kulay pula. Kaya pumitas siya dito.

"Ang gaganda nila no." wika ng tinig mula sa kanyang likuran.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jane, kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. Kaya dahan-dahan siyang lumingon at nakita ang naka ngiting si Onairam.

"Gusto mo bang ako na ang magpitas para sa iyo?" tanung ng binata.

Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalaga at pumitas siya ng tig-tatlong puti at pula na bulaklak. Si Jane naman ay parang na engkanto(hybrid iyan hindi engkanto) hindi manlang siya naka galaw sa kinatatayuan.

"Oh iyan para sa iyo." turan ng binata sabay abot ng bulaklak.

Parang may sariling buhayang mga kamay ng babae at agad na tinanggap ang bigay na bulaklak ng binata na mas lalong ikinalawak ng ngiti nito.

"Alam mo na miss kita..." wika ni Onairam.

Lumaki ang mata ng dalaga nang marinig ito. Puno rin ng katanungan ang mga titig niya at agad na nakuha ito ng binata.

"Tara doon tayo sa talon at may sasabihin ako sa iyo." yaya ng lalaki.

Parang puppet na naging sunod-sunoran ang dalaga hanggang sa makarating sila doon ang inilapag ang dalang bulaklak.

"May ipapakita ako sa iyo." saad ni Onairam at kinuha ang dalawang capsule na dala.

"Anu ang mga iyan?" takang tanung ng dalaga.

"Basta manood ka." kay lapad ng ngiti sa labi ng binata.

Inihagis niya ito at lumabas ang isang makina at ang isang relo. Kinuha ng binata at ibinigay ang relo sa dalaga.

"Meron ako niyan tig-isa tayo." wika ng binata sabay pakita.

"Para saan ito?" tanung ni Jane.

"Para sa satellite iyan na ginawa ko, maari kang mag lagay ng mga program mo doon at tiyak na magagamit mo ito..." sagot ng binata.

Naglakad siya patungo sa mas malaking machine, at tumigil sa harap nito saka tumingin sa kanya.

"Ito naman ay isang time machine, pwede kang mag time travel from past to future, ang oras ay mas mabilis kesa oras na pinanggalingan natin tulad dito, ang bawt segundo ay katumbas ng isang araw sa ibang panahon. " paliwanag ng binata.

Napa nganga ang dalaga sa narinig niya at namilog na rin ang mga mata nito na siyang ikinahalakhak ng binata.

"Totoo ba ang mga sinabi mo?" tanung ng dalaga.

"Oo kailan ba ako nagsinungaling sa iyo?" balik rin ng binata.

"Kung ganun pwede mo ba akung dalhin sa panahon na thirty years pabalik?" wika ng dalaga.

"Oo naman anu ba ang gagawin mo doon?" tanung ng binata.

"Basta halika na." yaya ni Jane.

Sabay silang pumasok sa time machine at inayos ng binata ang pupuntahan nila tsaka pinindot ang button.

"Dito na tayo." sambit ni Onairam.

Napamulat ang dalaga at iginala ang paningin sa paligid, gabi ngayon doon at tahimik ang paligid. Lumabas sila at pinindot ng lalaki ang button sa gilid.

"Ito naba ito at hindi ka nagkakamali?" tanung ng dalaga.

"Oo hindi ako maaring magkamali ito na ang panahon na hinihiling mo." tugon ni Onairam.

Pinalipas nila ang gabi at ganun ang gulat ng dalaga na sira na rin pala ang panahon na iyon. Naglakad sila hanggang sa may humarang na mga tao sa harap nila.

"Itaas ang kamay." utos ng isa na naka tutuk ang isang laser gun.

Itinaas nila ang kanilang kamay at agad sila na kinapkaan ng mga taong naroroon.

"Boss nga tao rin ho sila tulad natin..." wika ng isa.

"Patawad sa aming ginawa napagkamalan kasi kayong mga hybrid." wika ng isa na boses babae.

Lumapit ito at ibinaba ang suot na hood. Tumambad sa dalaga ang pamilyar na mukha na nakikita niya lang sa litrato.

"Mama..." banggit nito.

Napatingin naman ay babae sa kanya at tsaka ngumiti. Lumapit ito sa kanya ay yumakap ng mahigpit at gumanti rin siya.

"Masaya ako at nakatagpo na naman ako ng tao na kagayo mo, hali kayo at sumama sa aming kuta, may mga tao rin doon na tulad natin." wika ng babae at hinawakan ang kanyang kamay tsaka hinila.

Sumunod ang dalawa at narating nila ay unang kuta ng mga tao. Pumasok sila doon at sumigaw ang babae.

"Mahal tingnan mo may mga kasama na naman kami." sigaw nito.

Mula sa isang silid ay may isang lalaki na lumabas at nagulat rin si Jane sa nakita.

"Papa..." sambit niya.

Nagyakapan ang dalawa at naghalikan pa uto na tila walang mga tao sa harapan nila.

"Na miss kita mahal..." wika ng lalaki.

"Mahal ang OA mo wala pa ngang ilang oras akung nawala eh.." sagot ng babae.

Nagtawanan ang mga naroon maging ang mama at papa niya. Tumatawa ang dalaga pero tumutulo ang luha nito, napansin ito ni Onairam kaya agad siyang niyakap ng binata. Doon ay pinakawalan niya ang kanyang mga luha.

"Anung nangyari sa kanya?" tanung ng babae.

"May na alala lang ho siguro.." si Onairam ang sumagot.

"Sumunod kayo sa akin para maka pag pahinga na kayo ng iyong kasintahan, ako nga pala si Maria at ang isa kanina ay ang asawa ko na si Tomas ang iba doon ay mga mandirigma rin tulad ko hindi ko na iisa-isahin dahil marami sila." wika ng babae.

Nakarating sila ng isang silid pero bago iniwan ni Maria ang dalawa ay niyakap muna siya ni Jane.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon