Chapter 27

287 4 1
                                    

Malayang nakatakas si Jane sa tulong ng binata sinamahan pa siya nito hanggang sa abandonadong lugar at iniwan ang kanyang dupe.

"Mag-iingat ka, at ingatan mo rin ang nasa sinapupunan mo, pagdating ng araw siya ang magbibigay ng kapayaaan para sa lahat." wika ng binata.

"Anung ibig mong sabihin." tanung ng dalaga.

"Nasa sinapupunan mo ngayon ang aking anak, napaka espesyal niya kasi hindi na kinakailangan ng mga pag-aaral para mabuo siya, ingatan mo siya at palakihin ng mabuti. Mabilis lang siyang lumaki kaya paglipas ng isang daang araw ay manganganak kana, mabilis lang ang paglaki namin at titigil lang ito pag dating namin sa edad na pito. Tanggapin mo ito at humayo kana." saad ng lalaki.

Tigagal ang dalaga sa nalaman pero agad niyang tinanggap ang kahon na ibinigay ng binata tsaka lumisan.

"Pinuno..." usal ng ibang mandirigma.

Halos hapung-hapo ang dalaga ng makarating ng kampo. Ibinulsa muna niya ang box tsaka nagsalita.

"Mga kasama dalhin ninyo lahat ng importanteng bagay, aalis na tayo dito." sigaw ng dalaga.

"Masusunod pinuno." sagot ng iba.

Agad silang nag impake para makaalis na sa lugar na iyon. Sa palasyo ay nagkakagulo, ngayon ang araw ng pagbitay sa dalaga pero wala na ito sa loob ng kanyang kulungan.

"Nasaan na ang mortal?" sigaw ni Gourge.

Walang nagtangkang sumagot sa kanya, alam kasi ng mga ito na sobrang galit siya kaya maging si Van ay tahimik lang.

"Humanda kayo mamaya sa akin pag ako pinagalitan ng mahal na hari." sigaw ng taga payo.

Maya-maya ay dumating na ang hari at hinanap si Jane.

"Nasaan na ang mortal?" tanung nito.

"Ang eh, anu kasi pinuno." sagot ng binata.

"Anu nasaan na?" singhal nito.

"Nakatakas ho." saad ni Gourge.

Isang napakalakas na sampal ang natanggap ni Gourge. Sinundan pa ito ng tadyak at sipa.

"Mga walang silbi, paano kayo natakasan?" sigaw ng hari.

Pagkatapos ng ginawa ng hari ay umalis ito at problemado na naman.

"Anu na naman ang gagawin mo ngayon mortal." sambit ng hari.

Nakabalik ang binata sa palasyo at balak niya na kausapin ang ama ag magtapat na dito at kung anu ang kahihinatnan ay wala siyang pakialam.

"Anu ang kailangan mo anak?" tanung ni Avar.

"May nais akong sabihin sa inyo ama at sana matanggap ninyo ito." panimula ng binata.

"Anu iyon anak magsalita ka." saad ng hari.

"Nais kong itigil na ninyo ang pagpatay sa mga mortal." derechong saad ng binata.

"At anu naman ang dahilan para itigil ko ito." sambit ng hari.

"Dahil sa inyong apo." wika ni Onairam.

"Anung sinabi mo?" gulat na wika ng hari.

"Alam naman ho ninyo na kaming mga hybrid ay isang beses lang pwedeng magkaanak at alam ko kung bakit mahigpit kayo sa akin dahil nais ninyong piliin ang tamang pagpupunlaan ko ng lahi ninyo." saad ng binata.

"Alam mo pala anak, ang talino mo talaga." naka ngiting wika ng kanyang amang hari.

"Kaya nais kong itigil ninyo ang pagpatay sa mga tao dahil ang aking punla ay nasa isang tao na at iyon ay nasa babaeng nais ninyong patayin." pagtatapat ng binata.

Ang kaninang ngiti sa labi ng hari ay biglang nawala at napalitan ng galit. Alam ni Onairam na mangyayari ito at handa siya sa mga mangyayari para sa kanyang mag-ina.

"Paano nangyari ang bagay na iyon?" galit na sigaw ng hari.

Halos marinig sa buong palasyo ang dagungdung ng kanyang boses. Maging si Onairam ay nakaramdam ng takot pero hindi siya nagpatinag.

"Mahal ko siya at handa akong harapin ang lahat mailigtas lang sila ng anak ko, kung kailangan na kalabanin ko kayo gagawin ko." wika niya na may paninindigan.

"Anu ang pagmamahal na sinasabi mo?" gulat na wika ng hari.
"Iyan ba ang natututunan mo sa mortal na iyon? Ang kalabanin kaming mga lakahi mo." dagdag pa ng hari.

"Ayaw ko ng laban ama kaya nga hinihiling ko sa inyo na itigil na natin ang gulo na ito." wika ng binata.

Lalong napatiim-baga ang hari sa tinuran ng kanyang anak, ang sana ay inaasahan niyang tutulong dito ay nawala pa. Umalis ito ng walang sabi-sabi at nagtungo sa tanggapan ng mga cyborg.

"Anu ang maipaglilingkod namin mahal na hari?" wika ni Van.

"Magtalaga ka ng mga tagabantay sa prinsepe at siguraduhin mo na mga magagaling ito. Mula ngayon sa utos ko hindi na maaaring makalabas ng palasyo ang aking anak at ipunin ang mga kawal may pupuntahan kami." utos ng hari.

"Masususunod mahal na hari." sagot ni Van.

Umalis na ito at inutusan ang sampung magagaling na taga bantay upang bantayan si Onairam. Tinipon rin nito ang mga kawal na cyborg.

"Handa na ho ang mga kawal mahal na hari utos nalang ninyo ang hinihintay." saad ni Van.

"Pupunta tayo sa hilaga kung saan ay lilipulin natin ang mga tao ng matapos na ang lahat." wika ni Haring Avar.

"Masusunod po." tugon ni Van.

Umalis ang mga ito na siyang ikinagulat ni Oniaram. Nais niyang mauna kung nasaan ang kuta ng mga tao upang balaan ito pero nagulat siya sa kanyang paglabas.

"Hindi ho kayo maaring lumabas mahal na prinsepe." wika ng isang taga bantay.

"At bakit hindi?" tanung niya.

"Inutos po sa amin ng ama mo na bantayan kayo at huwag hahayaan na lumabas ng palasyo." sagot ng isa.

Nagulat naman si Onairam sa narinig kaya imbis na maki pagdebatehan ay pumasok nalang ito ulit sa kanyang silid.

"Oky na siguro dito pinuno." wika ng isang mandirigma.

Mula hilaga ay naglakbay sila papunta sa silangan. Umabot rin ito ng halos walong oras.

"Sige pwede na dito magsimula na kayong gumawa ng maaari ninyong tirhan." utos ng dalaga.

Nagsimulang mag-ayos ang mga tao, kakaunti nalang ang bilang nila mula ng sila ay sumalakay halos nalagas ang lahat ng naging kasama niya pati na ang itinuring niyang kapatid na si Twinks.

Napaiyak nalang ang dalaga ng maalala ito. Siya lang ang tanging naka ligtas maging ang nagtraidor na si Juno ay pinatay rin nila. Lumapit ang isang ginang na may edad sa kanya.

"Halika ka at gagamutin ko ang mga sugat mo Jane dahil hindi pa gaanong magaling." wika nito.

Hindi sumagot ang dalaga at ginamot naman ito ng matanda kaya hinayaan nalang niya ito hanggang sa makatapos.

"Oky na iyan pagkatapos ng dalawang araw gagaling na lahat." turan ng matanda at tumayo tsaka humakbang.

"Salamat." bulalas ng dalaga.

Lumipas ang mga araw at buwan tuluyan ng lumaki ang tiyan ng dalaga pero walang nagtangkang matanong dito hanggang sa sumapit ang araw ng kanyang panganganak. Umiba ang panahon ng araw na iyon, naging maaliwalas ang langit maging ang paligid, pati ang bahaghari ay lumitaw sa unang pagkakataon.

"Aaahhhhh ang sakit." daing ng dalaga.

Kasalukuyan itong naglalabor at ang mga tao sa labas ay naghihintay.

NEW WORLD  By: Sexy Empee (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon