❄Spirits 51: Next Victim

75 13 4
                                    

Third Person





Nadismaya si Warrior Spencer nang makitang wala nang nilalang sa kwartong iyon.


"It's gone. D*mn, that creature was too fast." Naiirita nitong sabi sa kasamahan.


"Muntikan na natin siyang mahuli kanina." Dismayado ding sambit ni Warrior Alita.


"Hindi na iyon babalik dito. Knowing that we're now investigating this place. Let's report to Leader for now." Suggest ni Warrior Rebecca na ikinasang ayon nila.













Samantala, ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa din bumabalik si Devon. Nayayamot na nakahiga sa couch si Stan habang nagluluto ng hapunan si Queen Demi.


"Gutom na 'ko, bes! Hindi pa ba tapos iyan?!" Hindi makatimpi nitong sigaw sa kamahalan.


"Malapit nang matapos ito, ipaghanda mo na ang hapagkainan." Aniya sabay utos sa kasama. Umiling iling at nagdadabog na sumagot si Stan. "Ihhhh!!! Tinatamad ako, ikaw na lang tutal nandiyan ka!"


"Don't be so lazy Stan. Come on, just do it." Pursigi ni Queen Demi habang hinahalo ang niluluto.


"I don't wanna! Si Devy na lang utusan mo!" Pamimilit ng binata.


Hindi nakatiis ang dalaga sa ugali ni Stan kaya ginamitan niya ito ng awtoridad. "Susunod ka sasabihin ko Stan o lalayas ka mismo sa dorm ko? Napakainit nitong niluluto ko pero mas umiinit yung dugo ko sa'yo."


Walang nagawa si Stan at tumayo na. "K fine."


Pinunasan niya ang lamesa saka nilagay ang tatlong paper napkins. Sunod na kumuha siya ng tatlong pinggan at hindi sinasadyang mabitawan ang isa kaya nabasag.


"Sige Stan. Basagin mo lahat iyan, tutal mayaman ka naman 'di ba?" Naiinis na ani ni Queen Demi.


Nagpokus na lang sa pagluluto si Queen Demi habang napailing iling na lang sa katamaran ng kaibigan. "Hindi ka aasenso sa buhay Stan kung tatamad tamad ka. Pano na lang kapag nagkapamilya ka?" Sermon nito. Hindi pa man ay nakarinig na naman siya ng nabasag na baso.


Napatigil siya sa paghahalo ng nilulutong ulam at napapikit na lang ng mata. Kinalma nito ang sarili at dahan-dahang tumungo sa kinaroroonan ni Stan na ngayo'y nagpupulot na ng mga piraso ng bubog.



Rinig na rinig niya pa ang mga hinaing at reklamo ng binata roon. "Dem--" hindi natuloy ang sasabihin ni Stan nang masulyapan niyang nasa likuran na niya si Queen Demi na nakakatakot ang tingin at naglalabas ng kakaibang awra.


"Sorry Queen! Nadulas kasi sa kamay ko!"


"Bes naman eh! Ano ka ba, papalitan ko iyang mga nabasag ko ano! Gusto mo tag-iisang set pa!"


Hindi umiimik si Queen Demi kaya mas lalong kinabahan si Stan. "Demi.......?"


Agad na kumaripas ng takbo si Stan papalabas ng dorm habang nagsisigaw. "WAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!! DEMI IS GOING TO KILL ME!!!!"


"Tawagin mo na din si Devy!" Pahabol na sigaw ni Queen Demi bago isara ang pintuan ng dorm.


Natatawang bumaba ng hagdan si Stan habang kamot ang ulo. Nakita niyang pumasok na ang mga kaibigan ni Devon na galing sa garden. Kasama nila ang dalawang bampirang nagbabantay. Agad siyang lumapit doon.


"How it is going?" Tanong niya rito. Agad naman silang nagsi-iwasan ng tingin. Nakuha na agad ni Stan ang nais ipahiwatig ng mga ekspresiyon ng kanilang mukha kaya tumikhim ito.


Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)Where stories live. Discover now