❄Spirits 24: The Escape Plan

84 3 0
                                    

Devon Solaire



Umagang-umaga pero bunganga agad ni Lady Tania ang bumibida sa buong mansion.


Tatlong araw na ang nakalipas simula nung dumating sila rito at ang palagi niyang pinag-iinitan ay sina Sophia at Luisa.


"Look what you've done to my pretty dress you b*tch! Napakalawak ng daanan pero pinili mo pang banggain ako?! You filthy,useless,ugly lunamaid!" bulyaw niya sa galit kay Sophia na akmang iiyak na naman.


Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang umiiyak sa isang araw. Hayst.

"She's so pity. Why don't you help her,ate Devy?" rinig kong tanong ni Alessia sa tabi ko. Gustuhin ko mang sumagot pero katabi ko si Susanna na awang-awang nakatingin sa nakababatang kapatid.

"Bakit hindi mo siya tulungan?" tanong ko.

Tumingin ito ng may pag-aalinlangan. "Gustuhin ko man.....pero pinagbawalan ako ni Sophia. Ayaw niyang madamay ako. Alam mo naman ang ginawa ni Luisa hindi ba? Pati siya napag-initan dahil pinagtanggol niya si Sophia." mahinang usal nito.

Nasa kusina kaming dalawa at sinisilip ang nangyayari.


"Lumayas ka nga sa harapan ko! Nakakagigil ka!" bulyaw niya at padabog na pumaitaas. Mabuti na lamang at wala si Madame Valencia ngayon at bukas. Pumunta siya sa ibang tribo upang manguha ng bagong kababaihan.


Sakto namang pababa si Master Timothy na nakakunot ang noo. These past days,palagi niyang kinukulit si Sophia, kaya minsan, iyon ang dahilan ng pagkamuhi ni Lady Tania sakaniya.

Napabuntong hininga na lamang ako at lumabas hawak ang pamunas at timba. Natapon kasi doon ang juice na ibibigay niya sana kay Master Timothy.


"Bumaba ako kasi ang tagal ng juice. Kanina pa ako uhaw na uhaw pero mukhang sinermunan ka na naman ni ate Tania. Huwag mo na siyang pansinin,Sophy! Timplahan mo na lang ulit ako ng juice!" saad ni Master Timothy kay Sophia.

"M-Master, m-mas mabuti pang huwag mo na p-po akong l-lapitan!" hagulgol ni Sophia at tumakbo papaloob ng kusina.

"Sophy! Wait!" sigaw niya.


Pasimple ko na lamang pinunasan ang natapon na juice sa sahig.


"Nahhhhh! This is disappointing! I have no playmate anymore!" pagta-tantrums nito sa tabi ko.


Nang matapos ko ang pagpupunas ay tumayo na ako. Akmang aalis na ako ng biglang hinablot ni Master Timothy ang timba na may tubig saka ibinuhos sa sahig.

Napasinghap ako sa ginawa niya habang siya'y humalakhak ng malakas.


"Ate Devy ko,let me teach that br*t a lesson! He's losing my nerves!" nanggigil na bulalas ni Alessia kaya pasimple ko siyang pinandilatan ng mata.


Wala akong nagawa kundi punasan ang ginawa niya. Kung hindi lang siya bata ay baka pinatulan ko na iyan.


Napabuntong hininga na lang ako.

"Excuse me,pero bakit gusto niyong magtrabaho dito?" napatigil ako sa pagpupunas ng inosenteng magtanong ang bata.


Puno ng pagtataka ang mukha niya. I sighed again. "Bakit nagtataka ang Master?" tanong ko pabalik.


Pagkatapos kong punasan ay kinuha ko ang timba at sinulyapan siya. Nag-iisip ito habang hawak ang baba.


Iniwan ko na siya dun dahil wala naman akong balak sa walang kwentang tanong niya.

Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat