❄Spirits 30: True Colors

104 4 0
                                    

Alessia



Pagod na pagod akong napaupo sa sahig dito sa bandang may eskinita at pawis na pawis. Ang bilis tumakbo ni Timothy, muntik na akong hindi makahabol kanina. Wala na yung humahabol sa amin. Good thing, we lost them.


But the problem is, they know our faces. Even those citizens


of Seleno. Mas mahihirapan kaming maghanap kila Ate Devy ko at kuya Evo. Kasalanan talaga ito ni Timothy.


Nagsisisi tuloy akong isama siya sa misyon. Hayst.



"We're safe for now,Tim. But the bigger problems is waving." Sabi ko at lumingon sa likuran ko. Natulala ako ng walang Timothy o kahit ano mang bulto sa likuran ko.


What.....the.....


TIMOTHYYYYYYYY!!!!!



Napapikit na lang ako sa inis at malalim na bumuntong hininga. Mas nauna siyang tumakbo sa'kin at hindi ako pwedeng magkamali na dito siya lumiko. Where the hell did he go?! Kung kailan may gagawin kaming importante siya naman ang nawawala! Seriously?! Magagawa pa ba namin itong misyon kung sa una pa lang palpak na?!



What should I do?


I guess I have no choice but to find them first. Magmamasid masid na rin ako sa bayang ito para makahanap ng clue or evidences. It might help to use that against them; Greedy Hunters.

Iniba ko muna ang kasuotan ko at tinali ang buhok ko saka lumabas ng eskinita. Maraming mga hunters na busy sa iba't ibang bagay. Tumingin-tingin ako sa paligid,sa mga dumadaan and even the stores,shops and pubs. But no sign of them.



Huwag kang mawalan ng pag-asa Alessia, soon enough, you'll find them.


Mabilis akong nagtago ng may makitang mga bantay na sinusuri ang paligid. They are those who chased us. Kunwaring tumitingin ako sa paninda ng isang tindahan. Mga keychains. Wow, they all look cute just like me!



"Hoy matanda! May nakita ka bang dalawang bata na iba ang kasuotan?" Nanigas ako sa kinatatayuan dahil nasa tabi ko na yung mga humahabol sa amin. Napalunok ako at gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang kabog nito.



"Wala!" Masungit na sagot nung matandang babae saka sumulyap sa'kin. "Bibili ka ba,ineng?! Matagal ka na riyan!" Suplada nitong sabi.


Napaigtad ako ng hawakan ng isang hunter ang balikat ko. Dahan-dahan akong lumingon at napalunok. Nakakatakot yung mukha niya,huhuhu.



Gusto ko nang maiyak dahil sinusuri niya ang mukha ko na para bang nakita na niya ako dati. Please, forget our faces and leave immediately!




"May nakita ka bang bata na kasing edad mo lang na iba ang kasuotan?" Tanong niya. Bigla akong namawis. Huwag kang magpakahalata,Ale.



Umiling ako. "W-Wala ho." Utal kong sagot. Napa atras ako ng mas inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin. Gosh,he's so pangit and smelly. Eww.

Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)Where stories live. Discover now