❄️Spirits 11:Something New

135 6 0
                                    

Emerald Braxia


"Welcome to Moon Academy!"

"Wow! Look Heaven,Emerald! The palace was beautiful and huge! Oh, there's a big wall clock on the left tower of palace! Gosh, that's our dormitories?! I feel like I am a royalty!" Courtney said in amazement and excitement. Pertaining to the palace on the middle not far away with the hallway we're walking.

"Yeah! Look Courtney! Mas rumami ang mga floating trees at may mga lights na! In order pa sila at nagsisilbing silong sa dinadaanan natin! Mas rumami ang mga benches sa tabi at bago! Those flowers,pixies, butterflies and fairies flying around!" Heaven also said while looking around. I rolled my eyes, they look like a transfeeres. Well, lahat naman ng nakakasabay namin ay ganito din ang sinasambit.

"Uy,iskwela ba ng mga batang lunaphiles yun?! Dun naman sila pumapasok?" nagtatakang tanong ni Courtney. Napalingon ako sa dinuro niya.

Sa right side, sa unang building, marami ang mga bata na may iba't ibang lahi at pumipila. "Don't ask the obvious,Court." irap kong sagot sakaniya. Ngumuso naman ito na ikinairap ko na naman.

"Isn't it great? Pinayagan na nilang mag-aral ang mga bata kahit sa murang edad pa lamang?" Heaven noticed.

In our world, lunaphile kids started to study at the age of 10 years old. Ang 9 pababa ay hindi pa, pero ngayon, seems like they're accepting 4-9 years old kids. That's good.

Sa tabi niya, ay ang Staff Building, Cafeteria, Arena, Training Ground, Sports Gymnasium, at Garden.

"Hey,girls? Is that the ten sections of royalties?" Courtney asked. Her face was awe in excitement.

Pareho kaming napalingon ni Heaven sa left side namin. May limang buildings dun at may pangalan sa bawat isa:

Nagsama ang Section 10- Warrior at Section 9- Grand Warrior sa unang building na may dalawang palapag. Ang mga estudyanteng pumapasok diyan ay mga may Abilities. Like healing, invisibility, strength, etc.

Section 8- Master at Section 7- Grand Master Building sa ikalawang building na dalawang palapag rin. Support magics naman sakanila na galing sa kalikasan pero hindi ganun kalakas.

Section 6- Royals at Section 5- Elemental Building na may second floor din. Pumapasok dito ang mga estudyanteng may ability at magic.

Section 4- Elite at Section 3- Legendary Building na may dalawang palapag. Dito pumapasok ang mga estudyanteng may dalawa o tatlo ang kapangyarihan.

At ang panghuli, ang malalakas, matatalino at may dugong maharlika na lamang ang pwedeng pumasok. Ang section 2- Epic at Section 1- Mythic.

Ang hindi ko pa nakikita, ay kung nasaan ang Headmaster's office.

Sa taong ito, wala nang grade levels. Nakadepende ang grades at mahika mo noong nakaraaang taon kung saan ka mapapabilang o kung anong section ka. Ganun din sa mga transferees.

"Heaven, 'di ba may biological mother ka?" nabalik ako sa reyalidad ng biglang magtanong si Courtney.

Napatingin naman ako kay Heaven na biglang natahimik, pero kalauna'y ngumiti ng tipid.

"2 years and 5 months na simula ng maghiwalay si Mama at Dad. Sa naririnig kong awayan nila, may ibang kinakalaguyo si Mama. Hayst,ewan. Kalimutan na natin yun! Ang mahalaga may bago at masaya na akong pamilya! Plus, may bipolar na ate! 'Di ba Emerald?!" aniya at naunang naglakad sa amin.

"Y-Yeah." tanging sagot ko na lamang saka sinamaan ng tingin si Courtney. "Bibig mo,babae?!" banta ko pa rito.

"Peace! Akala ko kasi nakamove on na siya totally, hehe." kamot ulong pagpasensya niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Students, please proceed in Staff Building."

"Students,please proceed in Staff Building."

Napatigil kaming lahat sa paglalakad at napalingon lingon sa paligid. It's not telepathy or what. Para siyang sinambit through sounds. Agad na napansin ng mata ko ang nakakabit na parang box sa gilid ng mga dingding. What's that?

"Sa pagkakaalam ko,isang speaker yan, teknolohiya ng mga mortal." Napatango na lamang ako sa bulong ni Courtney at tinungo ang Staff Building.

Yun pala,kukunin lang namin yung uniforms namin, schedules at badge ID.

Ang cool nga ng ID dahil ang emoticon nito ay puting kalapati. Next, sa palace.

Namangha kaming lahat ng mapasok namin ang palasyo. It's modern and well-fashioned inside. The design, the chandeliers, furnitures even carpets. Marami ding mga guards at lunamaids na mag aassist sa amin. Feel na feel mo talaga ang pagiging royalty.

To tell you, ang tinatawag na lamang na royalties ay ang mga may dugong maharlika/ anak ng hari at reyna mula sa iba't ibang siyudad.

Ang kwarto naming lahat ay sa ikalawang palapag. Ang isang kwarto ay apat na lunaphiles. Sa left wing ang dorm ng mga lalake habang kami ay nasa right wing. Ang mga royalties ay nasa middle.

"Mas lumambot ang kama!"

"Ang cute ng uniforms!"

"Yung badge natin,ang ganda din!"

"Excited na ako!"

Yeah, ang kasama ko sa iisang kwarto ay ang dalawang bruha. Heaven at Courtney. Malaya kaming makapili kung sinong gusto naming makasama sa malaking kwartong ito. Ang kaso lang, tatlo kami. Hindi ko alam kung sinong makakasama pa namin. Well, we'll find out if someone's knock the door.

Tag-iisa din kami ng closets at banyo,and beds also. King size pa nga eh. May sari-sarili ding salamin at mga skin products. Better.

"Mas mapapakinabangan na ngayon ang cellphone. Try ko nga magpicture!" aniya Courtney habang hawak ang moderned cellphone. A touchscreen. Binigay din sa amin 'to kanina. Buti na lang at may guidelines ang teknolohiya na 'to kung paano gamitin. Nakakaignorante kaya.

Inayos na namin ang mga gamit namin at saka nagpahinga muna. May ilang minuto pa bago magtanghalian. Nakakapanibago. Seeing all the students and having a lunch in the dining area. It makes me nervous. Parang may mangyayaring hindi inaasahan. My intuition tells me.

"So,this is our dorm..." napalingon kaming tatlo sa pintuan at agad na nanlaki ang mga mata sa nakita.

—binibitterguy

Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)Where stories live. Discover now