❄️Spirits 10:Changes

132 6 0
                                    

Heaven Astrid

Another day, another adventures to come. This will be our last year in Moon Academy and soon, we'll graduate. Which means, were taking a mission based on our grades. Matagal pa naman yun, makakaranas pa kami ng masquerade ball and that's excite me.

"Hoy,Heaven! Nakangiti ka na naman diyan!" nagulat ako ng sigawan ni Emerald ang tenga ko at lumayo konti.

"Panira ka talaga ng mood ko 'no?! Excited lang akong pumasok ulit!" inis na saad ko rito saka hinimas himas ang tenga ko. Para akong nabingi sa lakas ng boses niya.

Inirapan ako nito. "Eh kung bumaba ka na kaya sa karwahe?! Kanina pa ako naghihintay!"

Kinunutan ko siya ng noo at tiningnan ang pwesto ko. Doon ko lang napagtantong nasa loob pa pala ako ng karwahe at hindi napansin ang pagdating namin sa academy.

Kamot ulo akong bumaba saka isinukbit ang kulay puting bag ko sa balikat. Nakahalukipkip na siya at mukhang wala sa mood.

"Sorry na po,ate. Eto naman di excited." sarkastikong paumanhin ko.

Bago pa man niya mabatukan ay agad na akong dumistansiya. Noong nakaraang taon, kinasal ang papa ko sa mama ni Emerald. Ayaw niyang matawag ng 'ate' dahil nagmumukhang matanda na daw siya. At tsaka sabi pa niya, magkaedad lang daw kami. Ayos lang naman sa'kin yun.

Masaya naman ang pamilya namin,lalo na si papa.

"Heeaaveenn! Eemmeerraalldd!" sabay kaming napalingon ni Em sa di kalayuan at nakita namin ang tumatakbong si Courtney.

"Courtney!" galak ko sa tuwa at tumakbo papalapit sakaniya para salubungin ang yakap niya. Pero nilagpasan niya ako at si Emerald ang niyakap. Aray.

"Ems! Kamusta ka na?!" rinig kong tanong nito. Ngumunguso akong lumapit sakanila.

As usual, naiirita na naman ang mukha ni ate. "Lumayo ka nga! Para kang linta!" aniya.

"Ang harsh mo naman! Nahawaan ka ba ni Savannah?" natatawang tanong nito. Ngayon ko lang napansin na nagpakulay ito ng buhok. Color orange.

"Huwag mo ngang banggitin ang wala!" sambit pa nito.

Oo nga pala,dahil sa nangyaring giyera at pagtataksil dati ay ikinulong pa rin si Savannah. Tatlong taong pagkakakulong,isang taon na lang at makakalaya na siya.

"Uy,Heaven?! Nandyan ka pala!" nang-aasar na tugon ni Courtney na ikinasimangot ko pa. Ang ganda talaga ng bungad niya.

"Tara na Emerald. 'Di ba kukuha pa tayo ng badge ID?" usap ko kay Em at sinadyang di pansinin ang tanong ni Courtney. Hmmp! Tampo ako sakaniya!

"Aray naman! Gantihan lang?!" rinig kong pag-aarte nito sa tabi ni Em. Pansin ko rin na dumadami na ang mga estudyanteng nagdadatingan. Nasa bungad pa lang kami ng gate at hinihintay na magbukas ito.

"Gusto ko sanang sabayan 'yang trip mo kaso saan tayo dadaan? 'Di pa bukas 'yung gate." ngiwing sagot ni Emerald na ikinahalakhak ng malakas ni Courtney na siyang ikinangiwi ko. Oo nga 'no. Lutang lang,Heaven?

"Sorry na kasi. Eto naman 'di mabiro. Hindi ba kayo excited?! Balita ko mas magiging maganda at malawak ang Moon Academy?!" bulalas nito.

"Binago na daw lahat at sa isang palasyo ang magiging dormitories natin! Marami na ding buildings ang ipinatayo at iisa na lang ang akademya. My gosh! Madami ding transferees!" excited na kwento nito at tumili pa. Napapatingin tuloy yung iba sa amin.

"Hinaan mo 'yang boses mo,Courtney. Bubusalan ko 'yan!" banta nito.

"Sorry na po ulit! Na miss ko lang kayong dalawa! Group hug!" magiliw nitong sambit at pwersahan kaming hinila saka niyakap ng mahigpit.

"Miss ka na rin namin 'no!" sambit ko at bumitaw sa yakap.

"Ba't ka nga pala nagpakulay ng buhok?" tanong ni Em.

"For better change,of course. Ikaw Em, ba't ka nagpashort hair?" tanong pabalik nito.

Bumuntong hininga siya. "Same answer." tipid na sagot niya. Kumunot ang noo ko sabay silang tumingin sa'kin at sabay ring nagtanong.

"Ikaw,ba't ang pandak mo pa rin?" eh?

Inirapan ko sila at nagmartsang lumakad. "Tanong niyo sa pake ko! Ang sama niyo talaga sa'kin!"

"Heaven!"

"Hoy,bumalik ka rito!"

Tsk. Bahala sil—

"Aray!" daing ko bigla nang may bumatok sa akin ng dalawang beses. Tiningnan ko sila ng masama. Nagawa pa talaga nilang tumawa.

"Masyado kang matampuhin,Heaven Astrid. Hindi ka pa rin nagbabago." ngiting usal ni Courtney. Nginusuan ko siya.

"Ang laki naman ng pinagbago mo,Court. Mas dumaldal ka pa." tumawa lang ito na ikinailing ko lang at napangiti na lang din.

Even time passes and changes come, hindi pa rin nagbabago ang pagkakaibigan at pakikitungo namin sa isa't isa. And I'm glad with that.

"Tsk! No more dramas! Magbubukas na ang gate,so let's go!" excited na sambit ni Emerald at hinila kaming dalawa. Bipolar din ang isang 'to.

Mas dumami pa ang mga paparating na estudyante at napansin ko na may mga bata rin. Which means, may pang elementary na rin? That's great!

Since unang araw ng pasukan, civillians outfit muna kami. May bagong uniform daw at tsaka maiiba na rin ang style ng ID. Magiging badge na ito,at ang mas maganda ay naka depende ito sa mga mahika namin. For example, isa kang fire user, ang magiging emoticon ng badge mo ay apoy (depende sa lebel ng kulay) ang laki niya ay parang sampung lunami lamang, (10.00 in other terms) at ipipin yan sa uniform syempre. Yun ang sabi ni papa sa'kin. Kaya excited na ako kung anong itsura ng badge naming mga healer.

Namangha ako ng mas tumayog pa ang pader ng akademya at si Mr. Gate na palaging seryoso ang mukha. Yeah, may mukha siya. Nakasulat sa taas ng gate ang pangalan ng academy with calligraphy.

Mas lumakas ang defense. Ang galing. Umiba na rin ang kulay nito. Ang laki talaga ng pinagbago.

"Oops,sorry." agad akong napatingin kay Emerald at may kaharap na itong babae. Napakurap kurap ang mga mata ko sa babaeng iyon.

"Courtney...." bulong ko. Napatango ito at sinulyapan muli ang babaeng mukhang nakabangga ni Emerald.

"Sa susunod,tumingin kayo sa daanan,ha?" napataas bigla ang kilay ko.

"Excuse me? Sarkastiko ba yun?" di rin mapigilang mairita ni Emerald sa babaeng ngayon lang namin nakita. Mukhang transferee siya.

Hindi nagpatalo yung babae at nakipagtitigan kay Emerald. Suplada ang isang 'to.

"Sinasabi ko lang ang totoo. May problema ba tayo doon?"

"Hindi ba't ikaw ang bumangga sa'kin?!" inis na sagot ni Emerald.

"Em." awat ni Courtney. Pasimpleng ngumisi yung babae.

"I see. Let me introduce myself, I'm Devan Velasco, an Ice user. Nice to meet you." pakilala niya.

"P-Paki namin sa'yo! Tara na nga!" aniya Emerald at hinila kami papalayo doon. Nautal si Em. Hindi naman siya ganito sa ibang lunaphile.

"Ang buhok niya, ang paraan ng paglalakad at ang pananamit niya....." pagsasalita ni Courtney, sapat na para kami lang ang nakaririnig.

"Maging ang pangalan niya, Devan....." mahinang usal ko. Tumigil kami sa paglalakad.

"Magkahawig man sila pero marami ang pagkakaiba nilang dalawa. Hindi siya si Devon. Ibang babae yun,nagkataon lang siguro." paliwanag naman ni Emerald. Pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa boses niya.

Para siyang copycat ng kaibigan namin. Pero, nagkataon ba talaga? Hindi, hindi ko alam.

Bigla ko na namang naramdaman yung konsensyang bumabagabag sa'kin noong isang taon. Halos nawalan na ako ng bait at palaging sinisisi ang sarili ko kung bakit nakulong siya sa trader bag ni Spirit Evo.

It's been 2 years, at wala pa rin kaming balita sa kaniya. We missed her that much.

Nasaan ka na ba kasi, Devon?

—binibitterguy

Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon