❄️Spirits 13:Imperial Island

98 4 0
                                    

Devon Solaire


I inhaled deeply and exhaled. Kanina pa ako naglalakad dito pero mukhang paikot-ikot lang ako sa isla. I found nothing at all. Puro patay na mga puno ang nandito at malawak na puting buhangin. Ang nakakapagtaka pa ay hindi ako nagugutom. Walang pagkain dito. Isang malawak na karagatan,meron. Hindi ko alam kung ilang araw na o anong oras na. Hindi kasi nag-uumaga,purong gabi lang.


Gulong-gulo ang buhok ko at gusot-gusot na rin ang aking blusa. I'm also barefooted. Sigh.

Nung maramdaman kong nahuhulog ako,dito ako bumagsak. Wala na rin yung boses na naririnig ko. Hayst.

Imperial Island. Life here was hard. Really,really difficult. I'm alone in the darkness. I'm scared. Naiiyak na lang ako minsan dahil sa pagkaulila sa pamilya't kaibigan ko.

Kamusta na kaya sila? Ayos lang ba sila? Ano na kayang nangyari sakanila? Ang dami kong namiss.

Napahiga na lamang ako sa buhangin at tumulala sa kalangitan. Walang bituin o buwan dito. Pero nakikita ko pa rin ang paligid. Napabuntomg hininga ako saka pumikit. Ganito na lang ba ang magiging takbo ng buhay ko? I'm hopeless.

Hindi ko na rin ginagamit ang mahika ko. Para saan pa? Hindi na ako makakaalis dito....

Napaluha ako sa naiisip hanggang sa naging hagulgol. Napakabigat sa dibdib. Akala ko, kaya ko nang mag-isa. Akala ko matapang na ako. Pero ang sakit,ang lungkot. Pagod na pagod ako sa lahat ng bagay.

"T-Tulong......"paos­ kong bulong sa hangin.

Oh oh oh oh

T-Teka.....ang boses na iyon....

Oh oh oh oh

Agaran akong napabangon at luminga linga sa paligid.

Oh oh oh oh

Tumayo ako at hinanap kung saan nanggagaling ang boses.

Oh oh oh oh oh

"S-Sino ka?!" buong lakas na sigaw ko habang nililibot ng paningin ko ang paligid.

Oh oh oh oh

"Sino ka at anong kailangan mo sa'kin?!" sigaw ko pa ngunit tinig lamang ang narinig kong sagot.

Hingal na hingal akong napaupo sa buhangin nang hindi ko na marinig ang tinig.

Oh oh oh oh

Napalingon ako sa aking harapan at napasinghap ng makitang may isa pang isla sa karagatan. Nababalutan ito ng yelo at nagliliwanag.

Wala pa ito dati pero ngayon...anong nangyayari? Parang tumubo na lang agad sa gitna ng karagatan.

Nanindig ang balahibo ko ng marinig muli ang tinig galing sa kabilang isla kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin at ang pag-alon ng tubig dagat. Parang may bagyong paparating.

Pero ang tinig......At ang hiwaga ng islang iyon....

Kailangan kong pumunta doon. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko. Tinantiya ko ang tubig dagat mula roon. Medyo malayo pero kung gagamitin ko ang yelo ko.....

Tumingin ako sa mga palad ko at pumikit ng mariin saka malalim na bumuntong hininga. Kaya ko 'to.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko at dumaloy doon ang enerhiya hanggang mapunta sa mga palad ko. Idinilat ko ang aking mga mata saka malalim na huminga ulit.

Kailangan kong lagpasan ang karagatan......






























Heaven Astrid

"Uniform na uniform na talaga ang uniform natin!"

Napalingon kaming tatlo kay Courtney at binigyan siya ng weird look.

What she means ay hindi na gowns or dresses and suits ang uniporme namin. It's a typical one. A mini-skirt na kulay black,same with our coat,tapos white ang polo sa loob at color gold ang ribbon. White knee sock na may gold lining sa taas at black boots na parang sapatos.

Ganito lahat ang uniforms ng mga estudyante at batang lunaphiles. Ang pagkakaibahan lang ay ang mga badges namin.

Devan's badge is snowflake since she's Ice user. Sa pagkakaalam ko,nasa Section 7 siya which is Grand Master. Kaming tatlo naman ay sa Section 9- Grand Warrior.

"Hey,hey. Let's go! Unang araw ng pasok ngayon,baka ma-late tayo!" sambit ni Emerald na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Kanina pa kami naka-umagahan at papasok na lang.

"OA mo,te! Paano mo naman nasabing male-late tayo?!" tanong ko saka sinakbit ang bag sa balikat.

"My intuition tells me."

Napangiwi ako at pinameywangan naman ni Courtney si Emerald. "Intuition mo bulok." komento nito.

Biglang sumama ang timpla ng mukha niya napatawa kami. Paano ba naman kasi, kahapon,sinabi niyang may hindi magandang mangyayari sa dining hall,eh wala naman pala.

"Tch! Bahala nga kayo." aniya at naunang umalis. Napailing na lang kami at sinundan siya.

"She's short-tempered."

"Sinabi mo pa." sang-ayon ko kay Devan na ngumiti lang.

Nang makalabas kami sa palasyo ay nagpaalam na kami kay Devan at tinahak ang sariling seksiyon. Nakita namin si Em na naghihintay sa labas ng room. Iisang room lang ang Section 9 kaya marami-rami kami.

May 20 rows at nasa ikalimang row kami. Puro mga healers ang nandoon. Sa isang row ay pinagsama-sama ang magkakapareha ang abilidad.

Nagsimula ang first day namin ng maaliwalas at walang nangyaring kaguluhan. Kumain at umuwi ng masaya at tahimik.

Ganun din sa iba pang sumunod na araw. Isang tipikal na buhay estudyante.Kay Devan naman, nakakasundo na namin siya. Mas naging close pa nga eh. Pero si Em, ayun pa trying hard ang peg niya. Si Van na nga lumalapit,pero eto namang si ate girl ang lumalayo.

Palagi naman kaming pinapayuhan ni Em na huwag masyadong dumikit kay Devan. Baka raw nagbabalat kayo lang siya. Naniniwala siya sa linya niyang my intuition tells me. Pfft.

Sa susunod na buwan, magkakaroon ng school festival at Gala Night. And we're looking forward to it.

-binibitterguy

Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon