Emerald Braxia
"What should we do first?" Tanong ko sakanila. Nagkaniya-kaniya sila ng isip kung anong gagawin namin.
"Magsumbong tayo sa nakakataas." Unang suhestyon ni Devan na ikinailing namin.
"Bad move iyon,Van. Una sa lahat, mga invited guests sila, pangalawa, magaling silang mang baligtad ng sitwasyon. Tayo lang ang mapapahiya." Paliwanag sakaniya ni Heaven.
"I'll contact Shawn Aaron." Paalam naman ni Raven at medyo lumayo sa amin hawak ang cellphone niya.
"Then, we should face them." Sabi pa ni Devan. Napabuntong hininga na lang ako. Sa tingin ko, iyon lang talaga ang paraan. Hindi kami pwedeng gumawa ng pagkakaguluhan ng mga nilalang dito. Maghahatid lang kami ng kahihiyan sa akademya.
But, we are talking about U.S.P.'s students. Worst, they are two of the members of the Ten Warriors.
"Wala nabang ibang paraan? Hahayaan na lang ba nating makuha nila si Hafirsa?" Si Heaven naman ang nagtanong kaya natahimik kami. Nag-iisip ng plano kung anong dapat gawin o kung anong mga hakbang ang dapat sundin.
Agad namang bumalik si Raven sa lugar namin. "Hindi ko siya macontact. Nakapatay ata ang cellphone." Sagot niya.
"Si Shawn dapat ang mas nakakaalam nito. Her girlfriend Hafirsa is in danger. Tinext mo na lang sana para mabasa niya." Tugon ni Devan.
"Ginawa ko na. Sana lang talaga mabasa niya. Kung saan ba naman kasi siya pumunta? Ngayong kailangang-kailangan natin ng tulong niya." Saad ni Raven at nagkamot ng ulo.
"Wala na tayong oras para hanapin pa si Shawn. Bahala na kung anong mangyari! Puntahan na natin si Hafirsa." Pag-aya ko sakanila.
"Sige!" Sabay-sabay nilang wika kaya bumalik kami sa inupuan naming bench kanina.
"I just wonder, bakit nalaman nilang kaibigan natin si Hafirsa?" Tanong ni Raven kaya nagtaka na rin ako.
"Maybe Hafirsa asked them where we went since nandun pa rin sila kanina noong tumakbo tayo." Devan guessed.
"Perhaps you are right,Van. But it is just hypothecal. Baka noong tumawag ka ate Em eh dun nila agad nalaman." Heaven theoried too.
"May mga punto ang sinasabi niyo." Komento naman ni Raven.
Nang makarating kami ay wala kaming nabungaran sa bench na iyon kundi isang piraso lamang ng papel na may sulat. Agad ko iyong kinuha at binasa.
Let's meet at the back of the building.
"Hey guys." Tawag pansin ko sakanila saka pinakita ang papel. Nagsilapitan sila at binasa ang nakasulat sa papel.
"They took Hafirsa on this location para iwas gulo at atensiyon. Pero saang likod ng building?" Ang naging tanong ni Devan. Nagtitigan kaming apat saka napatingin sa di kalayuang building sa tapat namin.
"Maybe that's the building they're talking." Sabi ko. Mabilis kaming tumakbo patungo sa likod ng building at hindi nga kami nagkakamali.
"Hafirsa!" Devan and Heaven shouted.
Nakita namin si Hafirsa na nakaupo sa isang lumang upuan at nakagapos ang kamay. Nakaduct tape rin ang bibig niya pero ang kalma pa rin ng mukha niya. Kinuyom ko ang aking kamao. The Twilight Twins.
Nagpakita ang kambal at sabay kaming nginisian ng nakakaloko. "At last you came!" Sabi ng isa.
"We thought you don't care to your friend that's why we bullied her that you're not coming to save her." Sabi naman ng isa. I can't tell who's Kei and Kai between them. Parang clone niya lang ang isa sa sobrang pagkakahawig nila.
BINABASA MO ANG
Moon Academy 2: Spirits (COMPLETED)
FantasyHunters spreaded. As spirits became visible to everyone. Greedy hunters learns how to possess spirit and spirit's power. Another problems occured. New academy,new enemies. Mysteries and truth are still untold. How can you fight for yourself and for...