Scholar lang ako at walang kahit na ano na pupwedeng ipang-laban sa kaniya.

I can't imagine making her angry.

I must not make her angry.

"There will be a senior's ball."

Naghiyawan at natuwa ang lahat sa narinig.

Except me.

I don't really use my voice a lot kapag nasa school.

I don't know why, it's not like I don't have any communication skills.

Siguro ay dahil suffocated lang ako at pressured sa mga kasama ko sa loob ng room daily?

"Shh. Stay calm. I haven't even started yet."

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

They are so excited and I can see it in their eyes.

"So, the senior's ball is only for grade 11 and grade 12 students. Obviously. It will happen next month, on the 12th day of October at lahat ay inaanyayahan na sumali."

Everyone remained silent.

"Girls should wear a gown or an evening dress. Not a sexy dress, not a party dress, and not a Sunday dress. Girls please don't wear those."

Nagtawanan ulit ang mga kaklase ko. Pati si Ma'am ay natawa rin sa sinabi niya.

Gusto ko namang sapuhin ang noo sa hiya nang maalala yung nangyari last time.

Sobrang ganda pa ng ayos ko pagkatapos ay maling address pala ang pinuntahan ko.

Sobrang nakakahiya sa tuwing naalala ko at para bang gusto ko ng magpakain sa lupa!

"Sayang! Gusto ko pa naman na makitang nakasuot ng sexy dress si Ma'am!"

Sigaw ng isa sa mg kaklase ko na mas nakapag-paingay sa klase.

"Well I'm sorry to say, you won't. I'll wear it only infront of my husband."

Ganiyan talaga si Ma'am, sinasabayan ang trip ng mga kaklase ko kahit pa ang mga lokohan nila ay nakaka-offend na para sa akin.

Kung ako kay Ma'am Jenessa ay ipinatawag ko na ang mga maglang nila sa Disciplinary Comittee.

Kasi naman! Nakakabastos na ang mga sinasabi nila minsan.

Kagaya nalang ng kasasabi lang ng kaklase ko na gusto nilang makita na nakasuot ng sexy dress si Ma'am.

Sinabi nila iyon dahil mga bastos ang utak nila!

"Aw, busted."

"Then ma'am, can I be your husband?"

Banat naman nung katabi ng lalaking naunang magsalita kanina.

"You can't to me but you can be a good husband to Aleiksa."

Naghiyawan ang lahat matapos niyang sabihin iyon.

Ito ang isa sa mga ikinakatuwa namin sa bagong guro.

Shiniship niya ang lahat ng estudyante na may gusto sa isa't isa sa buong klase namin.

At nag-eenjoy ang lahat.

Kasi yung mga ganitong interactions din ang mas nakakapagpalapit sa aming magakaklase sa isa't isa.

Kahit pa nga math ang subject niya ay hindi kami nahihirapan dahil mas pinapadali niya ang pagtuturo para mabilis naming maintindihan.

Malalapitan mo rin siya kung mayroon kang mga concerns about sa pag-aaral mo o kahit pa sa sarili at pamilya mo.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now