♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Andito ako ngayon sa labas ng clinic kasama si Strawberry habang hinihintay na lumabas si Mama mula sa opisina ng doctor.
"Ate Cass?" napalingon ako ng tinawag ako ni Strawberry.
"Hmm?"
"Ate..." hindi natapos ang sasabihin ni Strawberry dahil biglang lumabas si Mama kasama ang doctor.
Napansin ko na may lungkot sa mukha ni Mama kahit sa doctor.
Ahh hindi na nila kailangan pang sabihin. Alam ko na.
"Thank you doc," pilit kong ngiting sabi. Tumingin si Mama sa akin pero binitaw niya agad. Si Strawberry naman itong naiiyak.
Siguro nga ito ang tadhana ko...
Ang lupit...
Pero sabi nga nila diba, God has His own reasons why these things happen to us?
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na si Crae pala ang tumatawag. Sinagot ko agad ito.
"Saan ka ngayon?" biglang seryosong tanong ni Crae sa kabilang linya.
"Ha? Ahh nasa bahay lang..." pilit kong sagot sa kanya.
"Liar!!!" napalingon ako ng narinig ko na may sumigaw.
Shit. Nakita ko si Crae na hawak-hawak ang cellphone niya at galit na umiiyak. Ako naman itong nanigas sa kinatatayuan ko. At may tumulo na luha sa mata ko. Lumapit sa akin si Crae sa akin at handa na akong tanggapin kung anong sampal o ano mang gawin niya sa akin. Nagsinungalin ako sa kanila. May karapatan silang magalit sa akin. Pero, niyakapa niya lang ako ng mahigpit at umiyak na lang kaming dalawa.
In the end, kahit talikuran ka ng iba... maasahan mo parin ang mga kaibigan mo.
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Andito na ako ngayon sa bahay, kasama ko si Crae. Kumatok sa pinto si Strawberry na may dala-dalang snacks at drinks.
Walang umimik sa amin hanggang sa lumabas si Strawberry ng kwarto.
"Cass, bakit hindi mo sinabi sa amin?" biglang tanong ni Crae sa akin. Tumayo ako sa kakaupo sa upuan at dumiretso sa higaan ko at napahiga na lang. Napatingin sa kisame...
"Ayoko... ayokong malaman niyo," mahinang sagot ko.
"Ibig sabihin wala kang balak na sabihan kami?"
"Oo."
Ang katahimikang bumabalot sa amin parang pinapatay ako ng dahan dahan. Gusto ko bumalik sa dati. Yung masaya lang kaming lahat. Yung nagbibiroan. Ayoko ng ganito, yung alam ko... ilang araw na lang... pwede na akong mawala sa mundong ito.
Lumapit sa akin si Crae at umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Nakita kong umiiyak ulit siya.
"Bakit ang unfair ng mundo, Cass? Bakit kailangan-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil umiiyak na naman siya. Hindi ko napigilan at napaiyak rin ako.
Lumala na ang sakit ko. Yung kanina kaharap sina Mama at si Doc alam ko na ang nasa isip na. Ilang araw na lang... ilang araw na lang pwede na akong mawala dito sa mundong ito.
Pero ayoko pa... marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong puntahan. Marami pa kaming dapat buuhin na mga memories kasama sina Crae, Zy, ni Mama, ni Papa... bakit kailangan ngayon?
Ayoko pang mamatay...
Ayoko pang mawala sa mundong ito...
Marami... marami pa akong gustong gawin.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 9 ~ Photograph
Start from the beginning
