Chapter Forty Two

Magsimula sa umpisa
                                    


Mula noon hanggang ngayon, si Kira lang ang babaeng bumihag sa puso niya.


 "Tititigan mo na lang ba ako?" namumula ang pisngi na sabi ni Kira at banayad na kinagat ang ibabang labi.


 Pinagmasdan niya ang mapupulang labi nito. Just staring at her pink seductive lips make him feel like a kiss-starved man. Damn, he could kiss her forever..


 "Magdadamit na lang ulit ako kung balak mo lang pala akong tunawin sa titig mo."


 "Don't move."


 "Inuutusan mo ba ako?"


 "Yes, and i mean it. Huwag kang gumalaw. Hayaan mo akong titigan ka."


Napalunok ang dalaga at sinunod ang sinabi niyang huwag gumalaw. Napangiti si Callan. "Good, honey. Gawin mo lang ang sabihin ko at hindi ka magsisisi. Para sa ating dalawa 'to. Understood?"


 "Hindi ko maintindihan. Bakit ayaw mo akong gumalaw? Nilalamig na ako."


Ngumisi si Callan. "No, you're not. Tanghaling tapat, lalamigin ka? Huwag kang mag-alala. Kung totoong nilalamig ka, papainitin ko ang buong katawan mo at hindi ako papayag na hindi ka maging akin." Mula sa ilalim ng kamang 'yon, kinuha niya ang isang kahon. Naglalaman iyon ng mga kagamitan niya bilang pulis.


 May kinuha siya doon. Nakita niya ang reaksyon ni Kira nang makita ang bagay na 'yon.


"Handcuffs? Oh, no! Huwag mong sabihin sa akin na—"


"Gagamitin ko talaga 'to sa 'yo." Bago ito makapagprotesta pa, kinuha niya ang kamay nito at ginamit ang handcuff upang maitali ito sa kama.


 "Damn you, Callan! Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?"


 "Para hindi ka makawala."


 "Hindi ako tatakas!"


"Kahit na. Gusto ko pa rin na pagbalik ko, nandito ka sa kama ko. Walang saplot at naghihintay na paligayahin kita. Iyon naman ang gusto mo, mahal ko, di ba?"


 Namula na naman ang pisngi nito kaya mas lalo siyang naaliw na titigan ito.


"Baliw!"


 Lumabas siya ng kuwarto at kinuha sa cabinet ang isang bote ng wine. Kumuha rin siya ng ice cubes sa ref. Inilagay niya iyon sa champagne glass. Dinala niya iyon sa kuwarto at ipinatong sa side table. May pagtataka na nakasunod ng tingin sa kanya ang nobya.


 "Ano ba ang gagawin mo sa akin, Callan? Kung iuwi mo na lang kaya ako!"


Sinulyapan niya ito at makahulugang ngumiti. Nagsalin siya ng alak sa baso, hinalo at kapagkuwan ay nilagok ang laman niyon. Kinindatan niya si Kira nang makita niya ang mukha nitong may bahid na ng pagkainis.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon