Epilogue

167 15 5
                                    

Epilogue

"Alright, Mom. Calm down."

Sinamaan nya ako ng tingin sabay pingot sa akin.

"Mom!" Suway agad ni Davika.

"Kayo ay lumalaking pasaway." Iling pa ni Mommy.

"Kapag galit si Mommy, damay talaga kami." Si Clint.

"What?!"

Hinarangan ko na si Mommy para hindi mahataw si Clint. Pumasok sa pinto ng bahay ni Daddy na kinakalas ang necktie nya.

"Pietro! Hindi ko na alam gagawin sa mga anak mo!" Lintaya agad ni Mommy.

Tiningnan kami isa isa ni Daddy bago sya umiling at lumapit kay Mommy. He casually kissed her forehead.

"What did they do?"

Mabilis na bumaling sa akin si Mommy, I defensively raised my hand.

"Okay, it's my fault."

"Dad! May babae kasing pumunta dito, saying na nabuntis sya ni Kuya Per. But I highly doubt that." Umirap pa si Davika.

"And how can you say so, Dav?" Mom asked her.

"I know Kuya's type. And that woman is definitely not his type."

Ngumisi ako at nakipag apir kay Davika. I sawed my puppy eyes to Mom, baka kasi maudlot pa pag uwi ko sa Lucena nyan. Gusto ko ng bakasyon at subsub talaga ako sa pag aaral hanggang maka-graduate. Since panganay ako, nasa akin lahat ng pressure and I don't wanna disappoint my parents.

Hindi sila mahigpit sa amin, responsableng magulang lang talaga sila.

"Casper."

"Promise, Dad. Behave ako."

I hugged Mom and kissed her cheeks. Inalalayan na sya ni Daddy pa-akyat sa kwarto nila.

"You owe me, Kuya." Davika said.

"I know." Kumindat ako sa kanya.

---

Bago ako umalis papuntang Germany kung saan may naghihintay sa aking trabaho ay magbabakasyon muna ako sa Lucena. I'll go check our Rancho there. Pag aari ni Dad at ng mga kapatid nya iyon.

Gusto ko sana ditong magtrabaho, but being here is not on my list. I wanted to go to Germany and fullfill my dream there, iyon talaga ang plano ko.

Not until...I met this woman. Or I met her again... Kababata ko na dati pero di ko masyadong nakakausap dahil mailap sa mga tao.

"Pota!" Sigaw ko nang magulat sa tabi ni Inad na tumatawa na.

"Gagi, takot ka pa din, Per?" Si Chichay, sya iyong nakahiga kanina.

"Pota naman Inad!"

"Ang laki mong lalaki, takot ka sa mumu?" Tumawa pa iyong nakamaskara sa harapan namin.

Nakakapikon naman. Dapat kami ang mananakot!

"Asa." I scoffed. "Tyaka sino ba tong pangit na to?"

"Ay pangit ka daw." Siko ni Chichay dun sa nakamaskara.

Tumawa pa si Inad. "Pangit ka pala, Atarah!"

"Alisin mo nga yan, baka mas nakakatakot pa yang mukha mo kesa sa maskara."

Nakangisi ako, paniguradong pangit ito at mas pangit pa sa suot nyang maskara. Kaso naghang iyong dapat na pang asar ko nang mapatingin ko na ang mukha noong babae.

Woah, did I really say that she's ugly? Gago ka ba, Casper?

"Ah, pangit pala? Baka ikaw yung pangit. Takot ka nga eh, you should seen your face."

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now