Chapter Seventeen

91 10 0
                                    

Chapter Seventeen

Nakangiting naglapag si Rafi ng inuming juice sa harapan ko.

"Salamat,"

"Kelan pa kayo ni Per?"

"Last week." Sumimsim ako sa juice. "Hindi ko alam na batch kayo?"

"Invited lang ako dito." She narrowed her eyes at me. "Are you okay, Atarah?"

"Oo. Hindi mo nasabi na mag eextend ka."

"Hindi mo nga din nabanggit sa akin na kayo pala." Ngumisi sya. "I thought he's in a relationship na with Una. But anyways, don't mind me."

Umupo sa tabi ko si Casper. "Cousins kayo?"

"Sa mother side." Sagot ni Rafi sabay ngiti. "Take care of her, Per."

Inakbayan ako ni Casper. "Of course, Rafi. Mahal na mahal ko to."

"Maiiwan mo sya kapag tumuloy ka sa Germany?"

Nagkatitigan kami. "We already talked about that, diba Love?"

Hinaplos ko ang panga nya at ngumiti. He pouted. Marahang tumikim lang si Rafi sa gilid.

"Well then, siguro wala naman prob. Nagulat lang ako na kayo pala. I wasn't thinking that way."

Napuno nang usapan tungkol sa mga trabaho ang table. Ibang batch pala ito kaya wala sina Chichay, but they were friends with them.

"Naalala ko, binangga ni Per yung sasakyan!" Turo ng isa kay Casper.

"Sabi ni Rafi! Gagi, ba't ako?"

Tumawa si Rafi at nagtago sa likod ni Casper. Pinisil lang ni Casper ang gilid ng baywang ko kaya napatingin ako sa kanya.

"You okay?"

"Okay lang. Cr lang ako." Paalam ko.

"Samahan na kita."

Pinigilan ko sya at tumayo. Someone ask kung saan ako kaya sabi ni Casper sa cr lang. Tumalikod na ako at nagdiretso sa cr. Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at naglakad pabalik.

"Akala ko talaga kayo ni Rafi. You guys were so sweet."

Natawa si Rafi at binalingan si Casper. "Natural lang sa akin ang sweet. Diba, Per?"

Pinisil ni Casper ang pisngi ni Rafi.

"Sayang no. I really thought you two would end up."

"Tumigil ka, Jess. May Atarah na si Casper. Remember, bukambibig nya yan."

"I think, Rafi's better. Diba magpinsan kayo?"

"Yes. Atarah's nice naman."

"Mas malakas chemistry nyong dalawa, swear."

Tumikhim ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik na ako noong naupo sa tabi nya uli.

"Atarah, enjoy ka lang ha."

Tumango ako doon sa Jess, she even smiled at me. Kaso hindi na ako komportable, not when the topic is still on. Inubos ko nalang ang juice.

"Pwede sa labas lang ako?" Bulong ko kay Casper.

"Are you okay, Atarah?" Rafi heard what I said.

Tumango ako sa kanya bago tumayo. Wala na akong nilingon sa table nila at dire diretso lang ang lakad ko palabas.

Eh ano ngayon kung close si Casper at Rafi? I shouldn't be thinking this way. Nasapo ko ang noo ko dahil sa mga iniisip.

I continue walking and ride a tricycle pauwi, masyado nang crowded sa loob. Hindi ko sinilip ang cellphone ko noong tumawag si Casper sa akin. Pumasok ako sa loob ng bahay at naligo nalang para mawala ang mga iniisip ko. I didn't bother opening the lights and lay down.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now