Chapter Fourteen

81 9 0
                                    

Chapter Fourteen

Maaga pa din ako nagising, tyaka ko lang naalala na wala na pala akong trabaho ngayon. I sighed and checked my phone. Nagsimula ako magscroll sa social media ko bago ako nakatulog uli.

Nagising ako around 9 am siguro. Bumangon ako at nagcheck ng pwede kong kainin. Narinig ko lang agad iyong nagtitinda ng kutsinta sa labas. Bumili ako agad at pinalagay ko pa sa pinggan iyon.

Ang bilis kong sam-id dahil nahagip ko si Casper na nakatayo sa gilid, nakataas ang kilay sa akin. Inoffer ko tuloy sa kanya iyong kutsinta.

"Hi."

"Wala kang work?"

Binasa ko ang labi ko at umiling sa kanya. Nakasuot lang sya ng isang plain white shirt at cargo shorts, naka-tsinelas lang sya at basa pa ang buhok.

"Saan ka pupunta?"

"Sayo."

"Sa akin?" I even pointed at myself. "Ah.."

Sya iyong nagbayad nung binili ko, pinigilan ko pa nga.

"Hindi ako pumasok, if you're wondering."

Nilampasan nya ako at pumasok sa loob, napatikhim ako kasi wala akong suot na bra. Thou makapal naman iyong shirt ko.

"Gusto mo ng coffee?"

"Ako na bibili." Aniya bago umiwas ng tingin. "May gusto ka pa ba?"

"Ako na."

"Stay here."

Ngumuso ako nang lumabas sya, kaagad naman akong nagsuot ng bra at ipinuyod ang buhok ko. Nag init na din ako ng tubig.

"Atarah?"

"Wait lang. Nag iinit ako ng tubig."

Mabilis lang kumulo dahil malakas ang baga na nagawa ko. Nagsalin ako sa dalawang mug at nagtimpla ng kape.

"Hindi ka busy?"

"Bibisita sa rancho mamaya." Sumimsim sya sa kape.

Tumango ako at sumubo ng kutsinta na mabilis akong nagkanda ubo ubo dahil hindi nya tinantanan ang pagtitig.

"Casper. Okay ka lang?"

"You? Are you okay?"

"Oo nga." Nilapit ko sa kanya iyong tinidor. "Tikman mo dali."

Umangat ang kilay nya sa akin pero kumain din naman ng kutsinta. Hindi pa sana sya aalis kaya lang tinawagan sya sa rancho.

Tumawag si Chichay kaya sinabi ko sa kanyang hindi ako busy dahil wala na akong trabaho ngayon at nasagot ko ang tawag nya. Nabalitaan nya nga daw ang sinabi ng Tita Edna nya na nag interview sa akin sa coop. Maghintay lang daw ako ng isang linggo.

Kakatapos ko lang maligo ngayong araw, fully charged na ang cellphone ko pero wala ng laman ang power bank ko, mamaya ko nalang idadaan kina Inad para maki-charge. Sinuklay ko ang buhok ko at nagscroll nalang sa social media para maghanap ng ibang hiring na trabaho habang naghihintay ako ng tawag sa coop.

Sa labas ako pumwesto dahil mainit sa loob. I lit up one stick of cigarette and puff the smoke. Muntik pa akong mamatay sa usok nang makita ko uli si Casper.

Ano ba yan! Wala man lang pasabi.

"Uy." Bati ko matapos mabigyan ng second life sa ginawang pag ubo. "Tapos na work?"

Kita ko pa nga iyong dala nyang laptop bag. Tinapon ko na iyong stick at tumayo. Suplado syang tumingin sa akin at pumasok sa loob.

"Casper, mainit."

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now