Chapter Twenty One

126 14 1
                                    

Chapter Twenty One

Napatingin ako uli sa pinto nang tumunog ang bell noon. I was inside the restaurant and waiting for Casper. Humigpit ang hawak ko sa kahon nang muling tumunog ang pinto.

Kalmado akong sumimsim sa juice na nasa harapan ko.

Pagkatapos namin mag usap ni Rafi, nagdesisyon na akong ibalik na talaga ang singsing kay Casper. Ayokong magalit sa akin si Rafi, alam ko ang nararamdaman nya. Wala na nga naman akong babalikan.

Tumunog uli ang bell, this time nakita ko na si Casper na pumasok sa loob. He scanned the place and saw me. I smiled at him, lumapit sya sa table.

"Kanina ka pa?"

"Kakarating ko lang."

"Have you ordered?"

Umiling ako at huminga ng malalim.

"Thank you kasi kahit alam kong busy ka ay pumunta ka."

He blinked.

"May ibabalik lang ako." Nilapag ko sa table ang kahon.

"Binabalik mo na?"

Tumango ako. "Hindi na kasi sya para sa akin. Baka lang pareho na tayong maging okay kapag binalik ko ito."

"That's yours, Atarah..."

Tinulak ko ng marahan ang kahon sa kanya.

"Thank you, Casper. But I hope we remain friends."

"Akala ko mag uusap tayo?"

"Ayokong nakikitang nasasaktan si Rafi. Kaya hindi ko naman ano pinupush na maging magkaibigan tayo pero kahit casual nalang."

"Atarah."

"Sana maging masaya ka," tumungo ako at tumayo na.

"Atarah sandali..." Hinagilap nya ang braso ko apra mahinto ako paglalakad.

Marahan kong kinalas ang pagkakahawak nya sa akin.

"Salamat, Casper. Alis na ako."

Mariin kong kagat kagat ang ibabang labi nang makalabas ako ng restaurant. Tama naman diba? Sumulyap ako sa loob pero tumulo ang luha ko kaya pumara nalang ako ng tricycle para makauwi na ako.

Nagpalit ako ng damit at binuksan ang laptop ni Jaira para maghanap ng pwedeng panuodin doon. Pang divert lang sa sobrang bigat ng dibdib ko. I knew well that Rafi likes Casper...ayoko na maging hadlang sa kasiyahan nya. Tyaka wala naman na akong karapatan umeksena diba? Ako iyong nang iwan sa ere.

Yakap yakap ko ang mga binti at tahimik na umiiyak habang pinapanuod ang movie na napili ko.

Ayos naman na ako. Okay na ako. Kontento na ako sa buhay ko ngayon. Baka nga dumating lang si Casper sa buhay ko para makidaan at hindi talaga mag-i-stay sa akin.

Oh well, that's life, Atarah. It's not like kailangan ko talaga ng lalaki sa buhay ko. Pero on the second thought, si Casper lang kailangan ko. Ang kaso lang talaga, wala na.

Abala kami sa pag aayos ng mga invitation dahil one week nalang ikakasal na sila Chichay. Nag presinta na akong ako ang mag aayos noon.

"Ayan na si Per!" Biglang tumayo si Chichay.

Naalerto naman ako at sinilip iyong pinto. Mula doon ay pumasok si Casper na may dalang mcdo.

"Yiee! Buti nagdala ka ng pagkain, tinatamad na talaga ako magluto."

Nandito kami sa bahay nina Chichay. Wala ang mga kapatid nya at nasa school, nasa Rancho naman ang mama at papa nya.

"Nakapagdeliver na ba kayo ng invitation?" He asked.

Matcha Latte (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon