Chapter Six

80 7 0
                                    

Chapter Six

"Dito kapag idadryer na."

Tumango ako sa kasama ko sa laundry shop ngayon. Kasalukuyan nya akong tinuturuan kung paano ang proseso sa paglalaba.

"Okay na?"

"Okay na po. Thank you."

Tinapik ako nito sa braso. "Pakitiklop nalang nung iba para sa mga kukuha mamaya."

I nodded and obligned.

Dumaan ang mga araw, nawiwili na ako sa trabaho ko. Pansamantala habang wala pang tumatawag sa akin para sa mga inapplyan ko nitong nakaraang araw.

Maaga akong nagigising tuwing umaga, saglit na matutulala bago bibili ng pandesal sa kapitbahay. I was saving for myself, hindi ako basta basta gumagastos dahil natatakot ako na baka balang araw bigla akong mawalan ng pera.

Kung minsan, naglalakad ako pauwi.

"Lunch na muna tayo."

Tumango ako sa mga kasamahan ko at lumabas para bumili sa malapit na karinderya ng pagkain ko.

"Atarah, hija. Pasok ka."

"Tita Irene, baka po pwedeng maki-charge? Kukunin ko nalang po mamaya at mag iipon lang ako ng tubig."

"Oo naman. Teka, kumain ka na ba?"

"Kumain na po."

"Dalhin mo na ito saiyo. Para may pagkain ka bukas. Wala ka kasi kanina noong pumunta ako sa bahay nyo."

"Ah, nasa trabaho po ako. Pero salamat dito."

Pinagmamasdan ko ang timba sa harapan kong mapuno at pagkatapos ay bubuhatin ko na para mailagay ang laman sa loob ng banyo. Bukas ko nalang lalagyan iyong drum, masakit na ang katawan ko.

I was tempted to eat the food Tita Irene gave me. Pagkakuha ko sa cellphone ay tumayo ako sa labas para kumain saglit. I lit up a stick and inhaled it.

Inaantok na ko. Nakakapagod pala talagang magtrabaho.

Hindi ko na alam kung anong araw na ngayon, I lost count after Lola Lila died. Pero siguro, October na kasi naririnig ko na iyong mga christmas song or baka december na? Hindi ko alam.

Sinara ko na iyong pinto pagkatapos ko at pumasok na. The whole house were dark again, I needed to lit up a small candle just beside me. Nang makapwesto na ako paghiga ay hinipan ko na din ang kandila bago nakatulog.

Sanay na din siguro ang body clock ko na maaga akong nagigising. I took a bath and eat pandesal again. Sinara ko na ang bahay at kahit wala pang liwanag ay nagsimula na akong maglakad para sakto ako sa pagbubukas ng laundry shop. I felt my phone beep but I choose to ignore it. Malamang na sina Chichay lang iyon.

"Jaira? Tumakas ka na naman?"

Umirap sya. "I took a leave. San kagaling?"

"Trabaho."

"May trabaho ka na?"

"Sa laundry shop." Binuksan ko ang bahay. "Bakit ka nandito?"

She purses her lips. "I was visiting you. Kain tayo, paniguradong gutom ka na."

"Wala akong kuryente." Sabi ko nang sindihan ang kandilang binili ko.

"Kelan pa?"

"Seven months?"

"Okay lang. Plan ko dito matulog." Aniya. "Ang saya diba."

"Huwag na. Walang aircon dito."

Mapilit pa din si Jaira na dito natulog, hinayaan ko nalang at pagod ako sa buong maghapon.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now