Chapter Fifteen

83 10 0
                                    

Chapter Fifteen

Dinalaw ko si Lola sa sementeryo ngayon at inayos ang puntod nya. Nagstay ako ng ilang oras bago ako umuwi.

Malapit na mag isang linggo, pero wala pang tawag mula sa coop ngayon. Kapag hindi ako natawagan dito, baka mag supermarket nalang ako. Kahit ano, need ko lang ng trabaho ngayon.

Katahimikan ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa bahay. Nagpahinga muna ako bago ko naisipang mag ipon nalang muna ng tubig, tutal wala naman akong gagawin ngayon. Pinunuan ko lahat ng lagayan sa banyo at iyong isang drum.

"Atarah, nobyo mo ba si Casper Rosales?" Napahinto ako sa pagtawag ni Tita Anet sa akin.

"Po? Hindi po."

"Nagtatanong kasi sya sakin kung pwede daw ikabit uli ang submeter." Napatango sya. "Aba at mukhang ayos ka kung nobyo mo iyon."

"Hindi ko ho sya nobyo."

"Kung sabagay, malaki ang agwat nyong dalawa."

Tinalikuran ko na sya dahil wala namang sense kung sasagutin ko pa lahat ng sinasabi nya sa akin.

Alam ko. Alam na alam ko, kaya nga pinipigilan ko.

Dahil maaga ako nakapag ipon ng tubig ay nakatulog ako sa sofa. Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko. Nawala din agad ang tawag galing kay Jaira.

Ako:
Nandito ka na ba Lucena? Nakatulog ako.

Jaira:
Yes! Pero bukas na ako pupunta jan.

I locked my phone and stood up. Hapon na, ganun kahaba ang naitulog ko? Binuksan ko ang pinto para may pumasok na hangin dahil tinitipid ko ang charge ng rechargeable fan para mamaya.

Nang matapos ako maligo, umupo ako sa labas para makapagpahangin. Napaayos lang ako ng upo nang pumarada ang sasakyan ni Casper sa labas, ang bilis kong sinilip ang cellphone ko at nakita ang missed calls nya. Pinanuod ko syang bumaba na dala ang isang duffle bag.

"Ah.. ano..."

"I thought you're busy."

"Hindi gaano. Naligo ako. Bakit?"

Hindi sya sumagot at umupo lang sa inuupuan ko. I heard him sighed.

"May problema ba, Casper?"

"Had a small fight with Papa. But I'm okay."

I licked my lips. "Hindi ako marunong ng comfort words."

"It's okay. Can I stay here for awhile?"

"Walang kuryente."

"Not a problem." Sagot nya.

Napansin ko ang cut na maliit sa may bandang labi nya. Humikab sya.

"Pwede matulog muna?"

"Sige."

Hinayaan ko syang humiga sa sofa at mas binuksan ang pinto para may pumasok na hangin. Naglinis nalang din ako ng tahimik at bumili na ng bigas pansaing. Saglit pa akong namoblema sa ulam dahil wala na akong stock, isang meatloaf nalang. Buti at nagtext si Tita Irene na may niluto daw sya at na puntahan ko daw ngayon para may ulam ako.

Since tahimik na natutulog si Casper ay mabilis kong sinaglit iyong ulam na binibigay ni Tita Irene sa akin.

Pagbalik ko, gising na si Casper at nagcecellphone na. Tumikhim ako.

"Kamusta tulog mo?"

"Okay lang. San ka galing?"

"May binigay na ulam si Tita Irene. At nagsaing na ako. Gutom ka na ba?"

Matcha Latte (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon