Chapter Ten

72 7 0
                                    

Chapter Ten

Syempre naligo muna ako, pumasok nga sya sa loob at naupo sa sofa. At halos humiga na doon.

"Dito ka ba dumiretso?"

"Nope. Sa Rancho ako dumiretso bago ako pumunta dito."

Napahawak ako sa towel na naka-pulupot sa ulo ko at humila ng upuan. Nakapikit nga sya.

"Why are you ignoring my calls? May problema ba?"

"May problema din ba kung hindi ko sasagutin?"

I heard him sighed. I shouldn't be acting this way actually. Nagmumukha akong maarte na pa-hard to get.

Nagmulat sya at umayos ng pagkakaupo, bahagya nya pang tinagilid ang ulo nang balingan ako.

"We're friends, Casper. But do friends call each other from time to time?"

Kumunot ang noo nya.

"Ibig kong sabihin, may sarili pa din tayong buhay. We're not committed to each other, hindi mo ako obligado."

"Your point?"

"Wag mong sayangin oras mo sa akin. Hindi kita gusto, Casper."

Diretso at walang kurap kong sabi sa kanya. Matagal syang tumitig sa akin, bigla ay sa likod ng isip ko parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero para san pa?

"Ayun. Magkaibigan pa din naman tayo." Unti unting humina ang boses ko nang makita ko syang tumango.

Afterwards he stood up.

"Alis na ako." Aniya sabay labas sa bahay.

My words hang then I decided to stop myself from calling him. Tama yan, Atarah. Huwag kang paapekto at huwag mong idepende ang sarili mo sa kanya.

Dinaanan ko sa bahay nina Tita Irene ang pagkain na niluto nya. Tiniklop ko din muna ang mga damit na natuyo na bago ako kumain ng hapunan. Pagkatapos ay pumwesto na ako sa labas para makapag sigarilyo kahit isang stick lang, pang pawala sa mga isipin ko.

Malalim na ang tinatakbo ng isipan ko nang humithit ako sa sigarilyo. Makapag ipon lang ako, aalis na ako dito sa Lucena. Kasi baka di talaga ako para dito, baka mas magiging successful ako kapag lumipat ako sa ibang lugar? Kung mag aral nalang kaya uli ako? Pero masyado na akong matanda para dun.

Kailangan ko ng pera para sa sarili ko.

Hindi ko kailangan ng ibang tao, sarili ko lang ayos na ako. Simula nang iniwan ako ni Lola Lila, alam ko naman sa sarili kong magiging mag isa nalang ako dahil sino ba naman tatanggap sa akin? Iisipin pa nila na palamunin ako. Mabuti nga at sariling bahay ni Lola ang bahay na ito kaya wala akong naging problema sa tutuluyan ko.

Bumuga ako ng usok at natawa pa halos na iniisip ko na naman si Casper. Simula nang umuwi sya dito, palagi na nyang okupado ang mga isipin ko na tingin ko hindi dapat.

Sumunod na mga araw, alam kong lutang ako sa trabaho. Kasalanan ko kaya ako napapagalitan madalas.

"Opo, pasensya na po."

"Ayos ka lang ba, Atarah? Hindi ka naman ganito ah."

"Ayos lang po. Pasensya na po uli."

Nahihiya ako sa may ari dahil nakailang mali ako ngayon. Kita mo na ang nangyari dahil nag paapekto ako sa hindi dapat.

Isang buong linggo na walang paramdam si Casper sa akin. Noong unang gabi na hindi ko sya nadatnan sa labas ng bahay ay akala ko ayos lang, hanggang sa sumunod na gabi, wala uli sya at inabot na ng isang linggo. Bumuntong hininga ako uli pagkatapos bumuga ng usok mula sa sigarilyong hawak ko.

Matcha Latte (Coffee Series)Where stories live. Discover now